[ 11th ] Bite
Pumunta ako dun sa kwarto ni Khael. Ang dilim parin kaya gumapang ako paakyat ng hagdan. Sakto naman lumabas si khael sa room niya.
Eh sakto yung pose ko. Gumagapang sa hagdan! Tapos madilim pa. Eh gumagapang nga diba, so nakatakip yung buhok ko sa mukha ko. Mukha tuloy akong...
"SADAKO!!! AHHHHHH!" Tapos tumakbo siya pabalik ng kwarto niya. Hindi pa siya nakuntento, kinandado niya pa yung door niya.
"Tsss. What a baby." Grabe! Natu-turn off na ako sa kanya ha! I hate you na. haha
"Khael buksan mo yung pinto. Si Rina toh. Girlfriend MO. Hindi si sadako."
Nagmadali siyang buksan yung pinto. Tapos tumingin ako sa kanya. HINDI PARIN SIYA NAKA TSHIRT. SYEEET.
"Akala ko naman kung sino na yung gumagapang sa hagdan eh." sabi niya pagbukas.
"Ang dilim naman kasi dito sa bahay niyo! Ang yaman yaman, nagtitipid sa kuryente!"
"Hindi kami nagtitipid no! Gusto ko lang nakapatay ang ilaw!" Huh?
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya. Ang weird ah.
Niyakap niya ako around the waist tapos pinaglapit niya ang mga katawan namin.
"Gusto mong malaman?"
FLASHBACK!
Habang pauwi, nagkwekwentuhan at nag jo-joke kami ni Khael habang naglalakad pauwi. Nagtitipid ba toh? hahaha
"Gusto mong nakakaloko na joke?"
"Cge ba!"
"May isang bulate na mahilig mag toot. Hinahanap niya yung lungga niya. Nakasalubong siya ng Kambing. Tinanong niya sa kambing, "Sino ka?" tapos sagot naman ng kambing, "Gusto mong malaman? toot muna tayo." So ayun. Nag toot sila."
Natawa ako sa sinabi niya. Mahilig mag toot? Paano yun?! Eh bulate nga tapos Kambing?
Natawa din siya sa reaksyon ko tapos nagpatuloy. "Nagpatuloy ang bulate. Nakasalubong siya ng Kabayo. Tinanong niya yung kabayo, "Sino ka?" tapos sagot naman nung kabayo, "Gusto mong malaman? toot muna tayo." tapos ayun nga. ginawa nila.
May nakasalubong naman siyang elepante. Tanong niya, "Sino ka?" tapos sagot ng elepante, "Gusto mo malaman? toot muna tayo." tapos ayun nag toot sila."
Oh Kay. Humahalakhak na ako sa pinagsasasabi ni Khael ngayon.
"Tapos nakasalubong siya na isang dagundol. Tapos tinanong niya-" Hindi ko na siya pinatapos.
"Wait lang. Ano yung Dagundol?" tanong ko sa kanya.
Napangiti siya sakin tapos tumawa bigla ng malakas! Anu ba yan! Nagtatanong ako tapos tatawanan ako!
"Gusto mong malaman?" tanong niya sakin. Kaya ko nga tinanong diba?
"OO naman." sagot ko sa kanya.
Pero imbes na sumagot, tumawa na naman siya ng malakas! Anu ba yan!
"Hoy sagutin mo yung tanong ko! Ano yung dagundol?" tapos lalong lumakas yung tawa niya
"Gusto mo bang malaman talaga?"
"OO!"
"Toot muna tayo." sabi niya sakin. OHMAYGASH ANG SLOW KO TALAGA!
End of flashback
"Oh ano? Gusto mo bang malaman?"
Hindi ako makasagot kasi...ewan. Parang walang lumalabas na boses mula sa bibig ko eh!
"Silence means yes." tapos he kissed me again.
When we stopped na, kinagat niya yung lower lip ko. Nagpigil ako ng ungol! syeet! Ewan ko ba pero ang sarap nung ginawa niya!
Humiwalay siya sa akin tapos pumasok sa kwarto niya ng natatawa-tawa. Grrrr! Akala ko ba gaganti na ako sa kanya? Makikita niya.
Sinugod ko siya habang nakatalikod pa. I pushed him towards his bed tapos I kissed him. Ako yung nasa itaas. We're kissing torridly na.
Tapos tinanggal ko na yung belt niya, then I pulled down his pants. Hahaha Kung nakikita niyo lang yung itsura ni Khael nung ginawa ko yun! Priceless!
Then we resumed kissing na. It's getting more intense than before.
"Gawin na natin." sabi niya.
I just looked at him. Then he took it as a yes.
He reached for his night stand. Alam ko na kung ano kukunin niya dun! Ano ba toh? Ready-ing ready na siya?
Nung nakuha na niya, I took my revenge. Umalis ako sa pagkakapatong ko sa kanya.
"Hoy san ka pupunta?" tanong niya sa akin
"Uuwi na. Gumagabi na eh. Baka hanapin na ako ni Mommy." sagot ko sa kanya. Nagpipigil ako ng tawa kasi nakakatawa yung tono ng pagtatanong niya sakin.
"Eh paano ako?"
"Anong paano ka?"
"Handang handa na ako eh! Saglit lang. Mabilisan lang gagawin natin. Please?" Ano toh? Nagmamakaawa siya? HAHAHA
"Hindi pwede. Gagabihin ako lalo."
Iniwan ko siyang nashock dun. Nakahiga parin siya sa kama niya.
"Bye Khael! Mwah."
BINABASA MO ANG
MY Girlfriend Is A VAMPIRE
RomanceRina may seem just your ordinary human girl. But, she is actually a vampire. Read the crazy adventures of a vampire as she tries to get the attention of Khael, the school heartthrob.