[ 30th ] Bite

811 15 31
                                    

Guys! Waaaah 30th Bite na tayo! WAAAAAHHHHH!!!

Mukhang benta parin ang RinaEl Loveteam ah! Hahaha

READERS... COMMENTS PLEASE! Nagbirthday ako nung November 1! Birthday gift niyo na sa akin yung mga feedback niyo!

[ 30th ] Bite

Pumasok ako sa CR at tumingin sa salamin. Namumula-mula na ang mga gilid ng mata ko.

Wag kang iiyak. Wag kang iiyak. Wag kang iiyak.

 

Pero parang the more I tell myself na wag akong iiyak, parang mas lalo pang lumakas ang pagiyak ko. Hindi ko na napigilan. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko kapag pinigilan kong i-hold in ang emosyon ko.

Khael... bakit mo sakin ginagawa to?

 

Akala ko... mahal na niya ako. Akala ko... seryoso na siya this time around. Akala ko... akala ko....

Lagi na lang “Akala ko”.

Bakit ko ba inisip yun? Kasi wagas siya kung makapagselos kay Drake? Kasi... yun lang ata? At least, ayun lang ang naalala ko. Yun lang ang naalala kong reason na inisip kong mahal niya ako. Pero parang hindi naman eh. Kasi if he loves me...

He’ll be able to accept me for what I am...

Ngayon, iniisip kong kaya lang siya umaarte ng ganun is dahil nagiging possesive siya at sa tingin niya pagmamayari na niya ako. Hay nako, ngayon nagdodoubt na ako sa mga feelings ni Khael.

Siguro oras na para ikwento ko kung bakit ako bampira.

Katulad nga ng sabi ko sa inyo dati, hindi vampire ang mommy ko. That’s because hindi ako ipinanganak na isang bampira. NAGING bampira lang ako. I used to be normal. Ngayon, natatakot na ako na baka mawalan ako ng kontrol sa sarili.

Naglalakad lang naman ako isang gabi sa kalsada. Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Alam niyo yung feeling na yon? Yung feeling mo may sumusunod sayo at may nakatingin sayo pero pagtingin mo naman, wala? Ganun ang feeling ko nung gabi na yun. Ayun pala, yun na ang huling gabi ko bilang isang normal na teenager.

May nanakit sa akin nung gabi na yun. Sinasaktan ako, pero wala naman akong nakikitang nanakit sa akin. Bigla na lang sasabog ang sakit sa iba’t ibang parte ng katawan ko. Patuloy lang ang pananakit sa alin hanggang mawalan ako ng malay.Paggising ko, nasa isang abandonadong ospital na ako. May dextrose na naka-kabit sa braso ko, pero walang tao.

Pagkatapos nung araw na iyon, lagi na akong nakakaramdam ng matinding uhaw. Sinubukan ko nang uminom ng uminom ng tubig, pero hindi naman natatanggal yung uhaw. Mas lalo pa itong lumala. Parang nasusunog na ang lalamunan ko sa sobrang uhaw.

And then I lost it.

Kinabukasan, nasa news. May nakita daw na mga bangkay sa mga bangketa. Walang dugo ang mga bangkay. Dalawang butas lang ang natagpuan sa mga biktima. Dun na ako naghinala kung ano talaga ako.

That was almost 2 years ago. Ngayon, kung kelan akala ko na kontrolado ko na ang uhaw ko, tsaka naman biglaan akong mawawalan ng hawak sa sarili.  Parang lagi na lang akong nauuhaw ngayon. Mas madalas kumpara sa dati.

Parang... unti unti na akong nauubusan ng self control.

Nagmadali akong pinunasan ang mga luha ko ng makarinig ako ng mga katok sa pinto.

“Sino yan?” sigaw ko habang nagmamadaling nagpupunas ng luha. Hindi naman siya sumagot.

Kumatok ulit. “Sino nga yan?” tanong ko, medyo nainis kasi ayaw sumagot nung kumakatok.

“Ako to.” Napatigil ako sa narinig kong boses. Bakit ganun? Kahit na alam kong kinamumuhian ako ng taong to ngayon, bakit parang nagsskip parin ng beat yung tibok sa dibdib ko?

“Buksan mo na.” He said softly. Nanibago ko. Ibang iba sa tonong ginamit niya nung huli kaming nagkita.

“SINABI NANG WAG MO KONG HAWAKAN EH!”

 

Napa-flinch ako sa naalala ko. Naramdaman kong may tumulo na namang luha sa pisngi ko. Naalala ko na naman yung sinabi niya na parang nangdidiri siya sa akin.

Hindi... hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Hindi pa. Wag muna ngayon...

Tumuntong ako sa toilet bowl tapos lumundag ako. Kumasya naman ako dun sa maliit na bintana sa taas ng cubicle. Nilundag ko na lang pababa kasi hindi siya ganun kataas.

Maglalakad na sana ako paalis nang biglang may nagsalita...

“So ganun? Lalakad ka na lang palayo?”

Tumingin ako at nakita si... si...

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OKAY!  CLIFF HANGER MUNA ANG CHAPTER BWAHAHAHA!!!

SADISTA ANG AUTHOR KAYA GANYAN!

KUNG GUSTO NG UPDATE... WELL, PARAMDAM MUNA KAYO SA COMMENT BOX. BAKA MAHABAG AKO AT MAGUPDATE! NAKS, LALIM NG TAGALOG, NOSEBLEED AKO. PWEDE ENGLISH NA LANG? HAHAHA

HIGH ANG AUTHOR KASI MAY AWARD BWAHAHA TOP 3 PA!

-Lemuel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY Girlfriend Is A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon