[ 21st Bite ]
Rina's POV
"Rina! Natutulog ka na naman!" sabi ng teacher ko for the nth time na. Grabe naman kasi yung nangyari kahapon eh. Sunday, kaya dapat nagpapahinga ako. Eh ano nangyari?
Sinumpong ako ng pagka bampira, naging paniki ako, nakakita ng multo, nangbara ng mga rapist, atsaka naging referee sa away-talo ng dalawang isip batang lalake habang pauwi.
Haaayy. Grabe talaga ang sunday ko. Tapos sa sobrang pagod ko, kahit 8 oras ako nakatulog, pagod na pagod parin ako.
"Sorry po Sir Jaime."
"Kung matutulog ka lang sa klase ko, mag rockstar ka na lang! Hindi kailangan ng accounting dun."
"Sorry po talaga sir."
So ayun. Napapahiya ako ngayon kasi lagi na lang ako ginigising ng prof ko. Haaaayyyssss.
Well, at least nandyan naman si KHAEL BABES KO!! wahahaha mamatay kayo sa inggit!!
...or so I thought.
Kasi paglabas ko ng kwarto, nakita ko siyang nakikipaglanturan sa isang babae!! Patay sa akin tong lalaking to.
AT, mas lalong nakaka insecure! Kasi ang ganda ganda nung babae! Ang pale ng skin sa sobrang puti!! Tapos ang ganda ganda pa talaga!! May naalala nga ako sa kanya eh...
Tapos nakita ako ni Khael. Nag mouth siya ng one word. Patay.
Naglakad ako sa kanya. Hindi na niya ako pinuntahan kasi sa kanya naman ako papunta. Napakamot na lang siya sa likod ng ulo niya.
"Hi babe." sabi niya sakin na nahihiya. Hmm...parang guilty ah? hahaha
"Hello." sabi ko sa kanya tapos nginitian ko yung babae. Mukhang mabait yung babae. Nginitian niya ako.
"Hi! I'm Larxene. New student lang ako dito." tapos nginitian na naman niya ako.
"Nice meeting you Larxene." tapos nginitian ko din siya. Si Khael naman, tahimik lang dun sa gilid.
"Uhm...pwede bang maitanong ko yung name mo?"
"I'm Rina. Eto naman yung boyfriend ko, si Khael." Hindi ako nag lagay ng stress dun sa boyfriend. Normally, ipagdidiinan ko yung boyfriend part pero this time, hindi muna. Mukha naman uninterested siya kay Khael eh.
"Yeah. I had the pleasure of being introduced to him already. I was asking him kung meron bang mga kahawig ko dito sa school na to."
"Why? Naghahanap ka ba ng mga look alike?" tapos nagtawanan kaming tatlo dun
"Hahaha no...it's just that...I'm looking for someone eh. Nagbabaka sakali lang ako na nandito sila."
Ano to? Hinahanap niya yung ka soulmate niya? Baka naman childhood crush? Atsaka SILA?!
"Oh. Okay. Baka naman matulungan ka namin sa search mo?"
"No. I'm just fine, thank you." tapos umalis na siya.
"Weird girl..." sabi ko nung malayo na siya.
"Babe..."
"Oh?"
"Galit ka ba?"
"Hmm..."
"Hindi naman ako nambababae eh...kinausap lang niya ako, nagtatanong lang siya. Hindi ako nambababae...pero...sorry na babe kung nagselos ka..."
Pi-nat ko yung balikat niya. "Hmmm...that's nice..." Hindi ako makapag focus kay Khael ngayon...naiistorbo ako sa presence nung babae na yun. Hindi naman siya unpleasant, mabait nga siya infairness eh.
Tapos na-realize ko, ang sweet ni Khael dun sa sinabi niya! Wahhh!! Kinilig ako bigla!!
Tumalon na lang ako sa kanya tapos niyakap siya
"Ang bait bait naman ng boyfriend kooo!! Ang sweet sweet pa!!" tapos hinalikan ko siya sa pisngi.
"Teka lang..." tapos hinalikan ko na naman yung pisngi niya "Baka naman ma-PDA tayo niyan?"
"Hmm...inggit lang sila no."
Pagkatapos nun, nag break na kami.
HOY! HINDI YUNG BREAK AS IN NAGHIWALAY AH! Nag break as in, nag recess lang. hahaha akala niyo papakawalan ko pa si Khael? Asa lang girls! Makapag cr muna!
Reader: saksak mo sa baga mo si Khael. Sa amin na lang si Drake.
Letseng reader to ah! Sipain kita gusto mo? Nag babanyo ako dito eh.
Reader: belaaaaattt!
Grrrrrr....
"Babe sino kaaway mo diyan?" Tanong niya from the outside. Syempre bawal siya sa loob ng banyo ng girls no.
"Haha wala lang to Babe. Sige labas na ko. Humanda ka mamaya. Patay ka sakin. Letse ka. grrrr..."
"Okay ka lang?"
"Okay lang ako no."
Pagbaba namin, (uwian na. Morning classes namin ni Khael eh.) Nakita namin si Larxene. May kausap sa phone.
"Khael...dun tayo sa bleachers."
"Huh? Sige."
Umupo na kami sa bleachers. Hindi yun malapit para marinig na kung ano pinaguusapan ni Larxene, pero kung vampire ka, rinig na rinig mo na.
"Sorry. Hindi ko pa nahahanap. Yeah I know. Yeah. Naiintindihan ko na importante yung mission ko. Yeah I'm aware of that. Okay. Sige tatawag na lang ako ulit. May nakikinig sa usapan natin eh."
OH SH!T. Paano niya nalaman na nakikinig ako sa kanya?!
Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Larxene.
And worse, sa akin siya nakatingin.
Sorry kung napaka WORTHLESS ng update!! Bawi ako sa next update ko. Lahat maeexplain sa 22nd Bite. Pahahabain ko yun kung kaya ko hehehe. One character introduced...two more to go.
BINABASA MO ANG
MY Girlfriend Is A VAMPIRE
RomanceRina may seem just your ordinary human girl. But, she is actually a vampire. Read the crazy adventures of a vampire as she tries to get the attention of Khael, the school heartthrob.