[ 14th ] Bite

858 13 3
                                    

Please Vote and Comment! isang click lang yun eh! tapos yung comment kahit hahaha nice lang type niyo kontento na ako!

IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII------------IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII---------------IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII------------IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII

[ 14th ] Bite  COMPLETE VERSION!

Rina's POV

Kinabukasan, hindi ako pumasok. Ewan ko ba. I really really hate being absent in class, pero ngayon parang wala akong gana.

Kasi naman, kahit na mataas ang mga grade ko, hindi naman yun ang ipinapasok ko eh. Si Khael ang dahilan kung bakit ako pumapasok.

Paano ako papasok ngayon kung magkagalit kami diba?

"Anak, hindi ka ba talaga papasok ngayon? Diba dati muntik mo nang mahawa ang buong klase niyo ng sore eyes dahil gusto mo makapasok? Bakit ngayon, ayaw mo?" tanong ni Mama sakin.

"Hindi po muna ngayon, Ma. May problema lang po ako, kaya mag iisip-isip muna ako bago ako pumasok sa school ulit."

"Sige anak. Naiintindihan ka ng mommy. Wag ka muna pumasok. Nandito lang ako, okay?"

Hindi ko na alam kung ano ang naisip ko. Bigla ko na lang niyakap si Mommy

"*sniff* m-mommy..." umiiyak na ako kay mommy ngayon! ano ba yan!

"Sige lang anak. Ilabas mo lang ang lahat ng gusto mong ilabas."

"M-mommy..."

Ganun lang ang buong umaga namin ng mommy ko. Umiyak lang ako habang hawak hawak ako ng mommy ko.

Khael's POV

Maaga akong pumasok ng school ngayon. Alam ko kasing maaga laging pumapasok sa school si Rina kaya pumasok na rin ako ng maaga. Ang hirap pala nito! Ang lakas ng hatak ng gravity sakin! Ayaw akong pabangunin! Hindi ako sanay! Kadalasan kasi lagi akong late eh!

Pero, pagpasok ko sa school, sabi ng classmates namin, wala pa daw si Rina. Huh? Hindi ba niya alam na nag effort akong pumasok ng maaga para lang makapag sorry sa kanya?!

Sa sobrang inis ko inihagis ko na lang yung bag ko sa armchair tapos bumaba na ako papunta sa volleyball court.

Pagbaba ko, !@#$%^&*() ANO GINAGAWA NI DRAKE DITO?!

Parang may hinahanap ang g@g0 sa school. Si Rina ba? Ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa? Akala ko ba nag uusap lang sila kahapon?!

Teka. Ano nga ba ang nangyari pagkaalis ko? Ano kaya yung ginawa nila?

Galit na galit ako kay Drake. Kinuha na niya si Lyra. Pero hindi ako papayag na makuha niya si Rina.

"Pare, pa-set nga diyan. Itutok mo sa main gate." sabi ko dun sa ka-varsity ko.

"Tol bakit sa gate?" tapos tumingin siya sa gate. Nandun si Drake ng parang may hinihintay.

"Pre alam ko kung ano binabalak mo...

sige tol. Set ko, bayuhin mo. bwisit din ako diyan eh."

Pinag-crack ko yung mga kamao ko. Ibubuhos ko lahat ng galit ko sa bola. G@g0 siya. Kung akala niya makukuha niya si Rina, pwes mali siya.

"SET!" sabi nung kaibigan ko.

"MINE."

Mine. Akin lang si Rina. Sa akin lang. Sa akin siya kaya dapat ako lang ang may karapatan sa kanya. Mine. Dahil ako ang boyfriend niya. Mine. Dahil mahal na mahal ko na si Rina. Mine. Dahil hindi ko kakayanin kung mawawala si Rina sa akin.

Nung nasa pinaka-itaas na yung bola, lumundag na ako para bayuhin yung bola.

"G@G0 KA!" sabay tira sa bola. Asintado ako ngayon. Sinigurado kong tatamaan siya ng bola.

Sobrang bilis nung bola! Naririnig ko yung hangin na tumutunog dahil sa sobrang bilis nung bola! Para ding kanta sa mga tenga ko yung tunog nung hinampas ko yung bola. Grabe ang adrenaline rush.

Pero imbis na tamaan siya, sinapo niya yung bola. Tinira din niya pataas yung bola. Paano niya nai-counter yung tira ko?! Eh ang lakas na nun eh!

Pero hindi ako magpapasindak sa kanya. Itinaas ko ang kamay ko pero nakatingin parin sa kanya. Tapos sinapo ko yung bola ng hindi nakatingin.

Nagtitigan lang kami dun ng biglang magsalita si Drake.

"Si Rina? Nakita mo?" tanong niya sa akin. G@G0 PALA TO EH! NANANADYA BA TO?

Pero hindi mawala ang cool ko. "Ano naman ang kailangan mo sa girlfriend KO?"

"Iniwan mo kasi ang girlfriend MO kahapon eh. Umiiyak sa gitna ng kalsada. Sabihin mo, anong klase ng boyfriend ang iniiwan ang girlfriend NIYA sa gitna ng kalsada?"

Ha? Umiiyak siya sa gitna ng kalsada?

"Oh ano? Gulat ka ba? Inuuna mo kasi ang pride mo bago ang girlfriend mo eh."

Hindi parin ako makapag salita. Iniyakan niya ako? Akala ko wala lang ako para sa kanya ngayong maganda na siya eh.

"Nakatulog siya kakaiyak. Binuhat ko siya pauwi."

"Wala kang kwenta."

"!@#$%^&*() ANO BA GUSTO MONG IPARATING? NA HINDI AKO KARAPAT DAPAT NA MAGING BOYFRIEND NI RINA?!"

"!@#$%^&*() KA RIN! OO! HINDI KA KARAPAT DAPAT NA MAGING BOYFRIEND NG ISANG TAONG KATULAD NI RINA!"

"EH BAKIT KA BA NANGINGIELAM SA AMING DALAWA? SINO KA BA HA?!"

"AKO YUNG TAONG HANDANG MAGMAHAL KAY RINA KUNG HINDI MO KAYA!"

nagulat ako sa sagot niya. Anong mahal? Eh kaka-kilala pa lang nila ah!

"Sa maigsing pag uusap namin ni Rina kahapon, nakita kong siya pala yung klase ng babaeng hinahanap-hanap ko. Hindi siya madaldal. Nakinig lang siya sa mga problema ko. Nailabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Siya lang ang taong nagparamdam sa akin ng ganun."

Parang napaka lalim ng rason niya kung bakit niya gustong makasama si Rina. Ako ba? Bakit ko nga ba naging girlfriend si Rina?

Diba ang plano ko talaga ay pag laruan lang si Rina? pagkatapos mag bre-break na kami kaagad? Pero hindi eh.

Naging maganda siya. Nagbago siya para sa akin dahil nakita niya akong may kasamang iba. Totoo, hindi ko pinsan yun. Isa yun sa mga nililigawan ko para may girlfriend ako pag binreak ko na si Rina.

Naging trophy girlfriend ko si Rina. Dahil napaka ganda niya. Pero dahil dun sa pagpapaganda niya kaya niya nakilala si Drake. Ako pala ang nagtulak sa kanya kaya sila nagkita ni Drake.

Siguro kung sineryoso ko si Rina talaga, hindi na niya kailangan magpaganda pa. Hindi na siya nag mall nung araw na yun. Hindi na sila nagkakilala ni Drake.

Ako ang may kasalanan ng lahat...

"Kailangan kong mag isip..." at iniwan ko na siyang nakatayo doon.

MY Girlfriend Is A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon