[ 17th ] Bite

748 8 4
                                    

[ 17th ] Bite

Khael's POV

Nasa bahay ko ngayon si Rina. Nasa couch ako, inaayos yung papanoorin namin na DVD. Jennifer's Body yung papanoorin namin. Nakakatakot syempre para kapag natakot si Rina, yayakapin niya ako. YEHEY!

Si Rina naman, naguluto ng popcorn sa kusina namin. Naalala ko yung nangyari last time na nagpunta siya sa bahay namin. Muntik na kami nun. Kung hindi lang niya ako pinagtitripan nun, baka natuloy na talaga kami.

"Khael. gusto mo ng butter sa popcorn?" sigaw niya galing sa kusina.

"Ayaw. Mamantika eh. Ayaw ko ng mamantika." sigaw ko din.

"K." sabi niya. Tipid naman.

Lumipas na ang 10 minuto, pero nagluluto parin siya sa kusina. "Babe, tagal mo naman!" sigaw ko sa kanya. Nasa couch na ako eh, ready-ing ready na ako eh! May unan na para komportable kami habang nagyayakapan. May nakatago nga din na you-know-what sa drawer ko sa tabi ng couch eh! Para ready, diba? Safe pa

Don't get me wrong. Hindi na yun ang habol ko kay Rina. Kaya nga nag drama kami sa previous chapter, diba?  Pero, kung susunggaban niya ako habang patay yung ilaw while watching TV, aba wala naman sigurong masama dun diba? Siya ang nag initiate kung ganun.

Dumating si Rina. Daladala ang- WHAT THE?!?! ISANG BATSA NG POPCORN?!

"Bakit naman nanglalaki mata mo diyan?" sabi niya. Tanga ba? Tinatanong pa niya yun eh siya ang may daladalang batsa ng popcorn dito sa living room!

"Bakit may batsa kang dala?!" tanong ko sa kanya. Maglalaba ba siya?

"Hindi kasi magkasya sa mangkok eh. Hindi din kasya sa palanggana. Kaya sa batsa ko nilagay."

"Ang dami naman!" Inubos ata nito lahat ng stock namin ng popcorn eh!

"Nagutom ako eh. hahaha" reasons! NAGUTOM?! EH KAKAKAIN LANG NAMIN NG DINNER DITO EH! NAUBOS PA NGA NIYA YUNG ISANG KALDERO NG KANIN EH!

"Hay Rina. Lika na nga." Pinat ko yung seat na katabi ko. Umupo siya dun, nasa tabi niya yung batsa niya. Inakbayan ko na siya tapos pinindot ko na yung play.

Nagsimula na yung movie. Pero hindi talaga ako makapag focus sa movie eh. Tinitingnan ko kung paano lumamon KUMAIN si Rina. Para niyang ginagawang kanin yung popcorn! Tapos kung ngumuya siya, yung front teeth ang gamit niya, hindi yung nasa likod na ngipin!

Weird naman niya kumain, pero cute kung kumain. Napatawa na lang ako habang pinapanood siya.

"Ang alam ko horror pinapanood natin, hindi comedy eh." sabi niya

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya ulit

"Natutuwa lang ako panoorin ka kumain."

Nag taas lang siya ng kilay tapos nag you-re-weird look siya sa akin. Paano naman kasi eh, kung kumain siya, hindi yung ngipin sa gilid yung ngumunguya. Yung two front teeth niya yung pinangngunguya niya. Ang weird no?

"Pasensiya na. Unique ka kung kumain eh." tapos tumawa ulit ako.

Pagkatapos nun, nanood na ulit kami.

Grabe 'tong babae na ito! Kulang na lang eh magtago sa loob ng tshirt ko sa kakatago sa TV eh! But I'm loving it right now. hahaha

Scratch that. NAGTATAGO na nga siya sa tshirt ko.

"Babe, kung gusto mo lang makita katawan ko, pasok na tayo sa kwarto, gusto mo?"

Lumabas siya dun sa tshirt, sakto naman may nakakagulat na nangyari sa movie.

"WAAAHHHH!!!" pagkatapos sabay hampas sa balikat ko. "You ha? You're being naughty na naman." sabi niya sa akin na parang nangii-scold na bata.

Inakbayan ko yung balikat niya tapos sinabing, "Joke lang babe. Basta kung gusto mo na, sabihin mo lang ah?"

Binatukan niya naman ako ngayon. "Aray! Nakakadami ka na ha? Paganti ako..." tapos hinalikan ko siya.

"Hmp?!" yun lang ang nasabi niya kasi hinalikan ko na siya bago pa siya maka react.

Tinagalan ko yung kiss...

5 seconds...

20 seconds...

50 seconds...

2 minutes...

5 minutes...

yung 5 minutes na yan, ang ginawa lang ni Rina ay sabunutan ako, sampalin ako, tadyakan ang pagkalalaki ko, kabugin ang likod ko, at kurutin yung dibdib ko. Kaya nga ang ginawa ko ay hinawakan ko yung kamay niya, tapos inipit ko yung paa niya sa thighs ko.

Pagkatapos ng kiss, nginitian ko siya tapos nilambing ko yung pisngi niya.

"Akala ko sweet ka na ngayon. May pahara-harana pang nalalaman. Manyak pa din pala."

Hinalikan ko lang siya sa cheeks. "Sorry. Namiss ko lang talaga halik mo eh. Hindi katulad ng ibang kiss na nakukuha ko dati."

"Hm? SO EWWW. Siguro nagka-cooties ko na kaka-kiss mo sa mga girls! Siguro kahit hindi malinis, pinapatulan mo no?"

"May taste naman ako no." tapos humalik ako sa cheeks niya ulit. "Nood na ulit tayo."

The whole movie, naka-cuddle lang kami sa couch. Minsan, nag s-sneak yung kamay niya dun sa batsa para kumuha ng popcorn.

Tapos may naisip ako...

"Rina..."

"Hmm...?" sabi niya kasi kumakain na naman siya. Ang takaw pala nito!! Bakit hindi tumataba? Liit ng katawan pero kung maka kain eh isang batsa ng popcorn!

"Uhmm...ano eh..." NAKAKAILANG!

"Ano?"

"A-Ano ka pa ba?"

"Ano nga?"

"Yung ano..."

"ANO NGA?!"

"Virgo ka pa?"

"Ha? Ou naman noh." sabi niya. Haaay salamat. VIRGO PA SIYA.

"September 11 kaya ako pinanganak." sabi niya. Toinks. Hindi niya na gets?!

"Hindi yun. Virgo as in...alam mo na....

virgin?"

Nanlaki mata niya dun sa tanong ko. "Don't get me wrong ah! Hindi yun ang habol ko sa'yo! Curious lang talaga ako..."

Napangiti siya dun. "Grabe naman makareact! Hindi no, I trust you naman. Virgin pa ako."

Hindi ko ipinakita, pero napangiti ako sa sinabi niya. Just in case, kung may mangyari man, ako makakauna sa kanya... =D Ang manyak ko parin pala. Hahaha

MY Girlfriend Is A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon