[ 18th ] Bite
Rina's POV
Nasilaw ako ng matinding sikat ng araw...teka...UMAGA NA?!
Nataranta ako. Bakit dito ako nakatulog?!
Chineck ko kung may suot pa ako. Whew...meron pa.
Kinabahan ako dun ah. Akala ko kung ano na.
"Oy gising ka na pala." Sabi ni Khael sa akin sabay halik sa cheeks ko.
"Dito ako natulog?" teka, ano yung amoy na yun? nag sniff sniff ako ng hangin. Amoy sunog.
"Yup." sabi niya tapos pumunta na sa kusina. Na curious naman ako at sinundan ko siya sa kusina.
Pagpasok ng kusina, nakita kong...NAGLULUTO SIYA?!
...ng sunog na hotdog, itlog (parang bastos ah) atsaka sobrang tigas na kanin. Puro tutong!
Nanlaki ang mata ko sa ginagawa niya. Nagluluto siya?
"Sorry..." sabi niya habang kinakamot ang ulo. "Hindi kasi ako sanay magluto eh." Ang kyut niya! Para siyang bata na nakabasag ng vase tapos na guilty tsaka umamin! wahahaha nako Khael kung ganyan ka lagi...
Nag smile naman ako sa kanya atsaka sabay sabing "Okay lang yun noh. It's the thought that counts naman eh." paliwanag ko sa kanya. Parang malungkot parin siya...
"Atsaka...kahit naman ano yan, kahit lason man...basta ikaw nagluto, kakainin ko." sabay sabi ko sa kanya tsaka hug mula sa likod.
Hinawakan niya ang kamay ko tapos hinug din ako. Magkaharap na din kami ngayon. Naka-cradle ang ulo ko sa dibdib niya.
"I love you, Rina..." bulong niya sa akin. Ang cheesy!
"I love you too, Khael." balik ko naman sa kanya.
"Kain na tayo. Sunday ngayon...tumawag ka na ba sa mommy mo?"
OOMMMMMGGGGGGGGGGGG!!! OU NGA PALA!!! NAKALIMUTAN KO!!!
Nag papanic na siguro yung mommy ko ngayon!!! WAAAAHHHH!!
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Khael sa akin tsaka kumaripas ng takbo papunta sa telepono. Naku po, patay ako niyan...
*rriiiinnnggg* *rrrriiiinnnnggg*
"Hello?" SI MAMA!
"Hello, ma?" waahh! parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba!
"Oh bakit?" ANG SUNGIT! PATAY TAYO!
"Ma...sorry kung hindi ako nakauwi..."
"Yun lang ba? Naks naman...ako din...
sorry kung hindi ako nakauwi."
WHAT?! HINDI UMUWI SI MAMA?!
"Bakit hindi ka umuwi?" tanong ko kay mama
"Eh ikaw? Bakit hindi ka umuwi?"
"Ah eh...Nakatulog ako sa bahay ng...boyfriend ko." Hindi kasi alam ni mama na may boyfriend na ako eh...
"Naku poooo...ano ginawa niyo magdamag ha?" Si mama talaga! ang dumi ng isip!
Pero bago pa ako maka repky sa kanya, nagsalita na ulit siya...
"Well...wala nang mangyayari kung magagalit ako kung may ginawa kayo kagabi. Nangyari na eh. Siguraduhin mo lang na gwapo yang boyfriend mo ha? Ayaw ko ng pangit na apo. Sige byebye na. Magpaparty ulit si mama eh."
WHAT THE- ANONG APO?! sabi ko sa inyo eh. madumi ang isip. aakalain niyo kung sinong mahinhin, ayun pala nasa loob ang kulo!
Ininaba ko na yung phone at bumalik na sa kitchen. Nung nakaballik na ako, nakita kong tumatawag si Khael.
Inasikaso ko na yung mga hotdog at itlog (gahd ang sagwa talaga). Baka naman kasi maisalba pa yung mga ulam. Yung kanin kasi, hindi na pwede. Wala nang pag asa.
Pero sa likuran ko, nararamdaman ko na tumatawa si Khael.
Hinarap ko siya at sinabing "Bakit ka tawa ng tawa diyan?"
Lumapit siya sa akin atsaka niyakap katulad nung kanina. Lumilindol ang mundo ko kasi tumatawa siya habang naka cradle ulit ako sa dibdib niya.
"Bakit ka tawa ng tawa?!" sabi ko ulit sa kanya.
"Narinig ko kasi sa kabilang line yung paguusap niyo ng mommy niyo eh."
Ah yun lang pala...
TEKA...
NARINIG NIYA?!
"H-ha?! Ano yung mga narinig mo?!" homaygash...ano yung mga narinig niya?
"Wala lang. Tungkol lang sa hindi mo pag uwi atsaka sa hindi pag uwi ng mommy mo...
...Atsaka tungkol sa okay lang sa mommy mo na gawin na natin."
Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun.
"Oh ano? Okay lang naman kay tita kung gawin daw natin eh. Gwapo naman ako diba?" sabi niya nang magkasalubong ang kilay at naka puppy dog eyes. Si mama talaga! Kahit kailan, pahamak!
"Maka tita ka naman. FC masyado?" sabi ko naman. Hindi ko na pinansin yung plea for you-know-what na naman.
"Joke lang babe." sabay kiss ulit sa cheeks ko. "Sabi ko naman diba? Hihintayin ko yung time na okay na sa'yo na gawin natin yun."
"After marriage, kaya mo magtiis?" tanong ko sa kanya.
"After marriage?! Uhm...I mean sige kung yun ang gusto mo."
"Nyak naman. Hindi ka naman ata nagbago eh."
"Eto naman. Nagjo-joke lang ako eh..."
"Joke-jokin mo mukha mo!" saby talikod ako, tampo effect haha
Niyakap niya na naman ako, "Eto naman, tampo kaagad. Pa kiss nga muna bago tuluyan kang magtampo" tapos tumawa na naman siya. Parang adik!
Ang lapit niya ngayon sakin! Graveeehh lungs!!
Kaya lang, biglang nag dilim ang paningin ko...Ano ang nangyayari?!
"Khael..." sabi ko ng parang hingal na hingal...
"Hmm? Bakit babe?" hindi ako maka reply sa kanya...hingal na hingal ako ngayon...parang...nasusunog ang lalamunan ko...
Parang uhaw na uhaw...
"Khael...!" tapos tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
MY Girlfriend Is A VAMPIRE
RomanceRina may seem just your ordinary human girl. But, she is actually a vampire. Read the crazy adventures of a vampire as she tries to get the attention of Khael, the school heartthrob.