Weeeee nakapag-update na din! Sana magenjoy kayo! Atsaka salamat sa lahat ng readers na patuloy na naghihintay at nagtitiis sa mga matatagal na update ko!
Baka - BAKA - Magupdate ulit ako sa wednesday kasi Wednesday na ang simula ng Sembreak namin! Weee!
Babala: Maikling update. Ang kadahilanan ay dahil gabi ko na ito tinaype. Sorry talaga. Babawi na lang kung mabibitin kayo.Kung kakayanin ko, bukas maguupdate ako. Kung hindi naman, sa Wednesday na lang siguro.
[ 29th ] Bite
Khael's POV
Naglalaro kami ng Volleyball sa grounds, pero hindi ko namalayan na nanonood na pala si Rina sa amin. Sinubukan kong wag siyang pansinin. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Kung magsosorry ba ako kaagad sa kanya, o papalipasin ko muna ang konting panahon. Hindi ko kasi alam kung galit siya sa akin eh.
"Wala ka ata sa focus ngayon ah..." tanong ng isang team mate ko.
"Wala lang yun..." Mali. Hindi lang yan 'Wala'. Si Rina yan eh. Hindi lang yan 'Wala'. 'Lahat' yan. Sa Ingles, 'Everything'.
"She's my everything..." sabi ko sa sarili ko habang absentmindedly kong tinoss yung bola.
Napatigil ako. Oo nga. She's my everything. Bakit ngayon ko lang to narealize?! Siya ang lahat para sa akin! Hindi ko man siya sineryoso sa simula, hindi na yun importante ngayon, diba? Inayos ko na ang gusot namin dati... hindi na ako papayag na sisira na naman sa amin ngayon.
Nagturn around ako para humarap kay Rina, pero imbes na makita si Rina, si Drake ang nalagpasan ng mata ko. At... naglalakad siya papalapit kay Rina.
Lintek.
Naglakad ako papalapit kay Drake at kinausap ko siya. Girlfriend ko si Rina. Siguro naman oras na para maging possesive ako, diba?
"Drake." sabi ko ng maabutan ko siya.
"Oh, Khael..." sabi niya, pero halatang dismayado siyang makita ako.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko kung ano naman ang sadya niya dito.
"Bakit kailangan ko pang sabihin sayo?" sagot niya.
"Hindi ka naman dito nagco-college eh. Diba sa kabila ka?"
"Masama bang bumisita?" sabi niya.
"Masama kapag girlfriend ko ang bibisitahin mo." diretso kong sabi sa kanya. Napangisi na lang siya.
"Girlfriend mo nga, pero lagi mo namang pinapaiyak. Minsan nga naiisip ko binubully mo lang si Rina para maging girlfriend mo eh." Nagclench ang fist ko sa narinig ko. Hindi ako ganun kay Rina...
Nagpatuloy pa siya. "Kamusta na nga pala ang mga sugat ni Rina?"
"Wala ka nang paki doon." sabi ko.
"Sensitive." sabi niya sa akin, pero may nahalata siya sa mukha ko. Guilt. Atsaka... lungkot. "Ano ginawa mo kay Rina?"
"W-wala."
"Hindi. Mayron eh." sabi niya. Napatingin siya kay Rina. "Swerte ka, pinapanood tayo ni Rina ngayon. Kundi papatulan kita. Kapag nalaman kong may ginagawa kang masama kay Rina..." napatigil siya. Tiningnan ko siya sa mata, at nakita kong galit na galit siya. Nagclench lang siya ng kamao.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sayo..." sabi lang niya tapos tumalikod na at umalis.
Siguro nga... siguro nga sasabihin ko kay Drake na sinaktan ko si Rina... na ako ang dahilan ng mga sugat niya. Tapos pababayaan ko siyang bugbugin ako, kasi alam kong yun ang dapat ng ginagawa sa isang tao na katulad ko. Pero kailangan ko munang ayusin yung sa amin ni Rina ngayon.
Kasi pakiramdam ko... kapag pinapili siya...
... alam kong hindi na ako ang pipiliin niya.
Paglingon ko sa kung saan nakaupo si Rina kanina, wala na siya doon, pero nandoon parin ang gamit niya.
...tsaka ko narinig ang pag-slam ng pinto ng banyo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Totoo kaya? Na hindi siya ang pipiliin ni Rina?
Sino gusto niyong makatuluyan ni Rina?
Team RinaEl
or
Team Drina?
BINABASA MO ANG
MY Girlfriend Is A VAMPIRE
RomanceRina may seem just your ordinary human girl. But, she is actually a vampire. Read the crazy adventures of a vampire as she tries to get the attention of Khael, the school heartthrob.