Chapter 2

1.3K 49 6
                                    

"HI!"

Napatigil si Pearl sa akmang pagsubo ng tinidor na may nakapulupot na spaghetti nang umupo si Lewis sa bakanteng upuan sa harap niya. Kasalukuyan siyang kumakain ng merienda. Hindi niya kasama sila May Anne at Tiffany dahil nanonood ang mga ito ng football game. Crush kasi ng mga ito ang team captain ng naglalarong koponan.

"Puwedeng maki-share ng table?" Ang ganda ng pagkakangiti nito sa kanya. Kung ibang babae lang siya, baka nahimatay na iyon sa kilig.

"Nagpaalam ka pa, eh, nakaupo ka na nga. Ang daming bakanteng upuan dito pero sa table ko pa ikaw pumunta." mataray na sabi niya.

Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit, masama ba'ng maki-share ako ng table sa 'yo?"

Inismiran niya ito. "Oo, masama. May angal?"

He chuckled. "Ang cute mo talaga 'pag nagsusungit ka nang ganyan."

Inirapan niya ito.

"Bakit mag-isa ka ngayon? Nasaan ang mga kaibigan mo?"

"Nanonood sila ng football game."

Tumango ito. "I see. Tamang-tama. Sasamahan na lang kita para hindi ka na nag-iisa."

She looked at him sarcastically. "Baka ang ibig mong sabihin, sasamahan mo na lang ako para inisin ako."

Naaaliw na tumawa ito. "Tamang-hinala ka talaga. Wala kasi akong kasamang kumain, eh. Makikisabay na lang ako sa 'yo."

"Talaga lang, ha? Sa pagkakaalam ko kasi, marami kang kaibigan at kakilala kaya imposibleng wala kang makakasabay. Maraming willing makasabay kang kumain." Tumayo na siya. Hindi siya makakakaing mabuti kung magtatagal pa siya roon kasama si Lewis. Hindi spaghetti ang magiging merienda niya, kundi ang aso't pusang bangayan nila.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Saan pa, eh, di lilipat ng puwesto. Mamamatay ako sa konsumisyon sa 'yo."

Akmang tatalikuran na niya ito nang maagap na hawakan nito ang palapulsuhan niya na ikinabigla niya. It was the first time that Lewis touched her. At hindi inaasahan ni Pearl ang tila koryenteng gumapang sa mga ugat niya. Marahang pinisil nito ang kamay niya. Lalo siyang nanginig sa mainit na sensasyong dumaloy sa buong katawan niya.

"Please don't go away. I just want to eat with you." he said softly.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang kanilang mga mata. Katulad ng pagsikdo ng dibdib niya noong biruin siya nitong gusto siya nito. His deep blue eyes were pleading.

"Pearly?" untag nito.

Tila may kung anong puwersa ang tumulak kay Pearl at namalayan na lang niya ang kanyang sarili na umuupo uli sa upuan.

Napangiti si Lewis. Halata ang katuwaan sa mukha nito. "Thanks, Pearly, dahil pinagbigyan mo ako. Pero bakit ganyan ka naman makatingin? Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman masyadong ipahalata. Baka matunaw ako. Wala ka nang pagpapantasyahan."

Tila noon lang nagkamalay si Pearl sa sinabi nito. Para kasi siyang nahipnotismo ng asul na mga mata nito. "S-sira ka ba? Hindi kita pinagpapantasiyahan, 'no!" Damn, she was stuttering! Why the hell she was stuttering? Ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso niya. She couldn't do anything to stop the fast beating of her heart. What was happening to her?

When the Love is Real By: Heidi Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon