Chapter 4

1K 42 6
                                    

"WHAT?!" bulalas ni Pearl. Nabingi yata siya sa sinabi ni Lewis.

"Can you be my girlfriend?" pag-uulit nito.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Niloloko mo ba ako? Bakit naman ako papayag na maging girlfriend mo? You're crazy!" hysterical at sunod-sunod na wika niya.

Itinaas nito ang dalawang kamay para pakalmahin siya. "Wait, wait. Relax, okay? Magpapaliwanag ako. Hindi naman magiging opisyal ang relasyon natin. Magpapanggap lang tayo. There's this girl named Hollie, she's my ex and a psycho. Ayaw niya akong tantanan. Gusto niyang makipagbalikan sa akin. Ginawa ko na ang lahat para tigilan niya ako pero wala pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin. Kaya naisip kong palabasin natin sa kanya na mag-on tayo para lubayan na ako."

Humalukipkip siya. "Eh, bakit ako pa? Maraming babae sa school ang willing mag-pretend girlfriend para sa 'yo. Hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Aalis na ako."

Pinigilan siya nito sa braso. "Akala ko, gusto mong makipagbati sa akin? Ayaw mo na?"

"Kasi, hindi ko magagawa 'yang hinihingi mong kapalit. Mas mabuting hindi na tayo magpansinan. Tutal, nakahingi na ako ng sorry sa 'yo. Hindi na ako masyadong magi-guilty."

"No!" protesta nito. Kitang-kita sa mukha nito ang disapproval. "Huwag mong gagawin 'yon. Tinikis kong hindi ka pansinin pero hindi ko pala kaya. Hindi ako sanay na hindi ka kaasaran, eh. Na-miss kaya kita, Pearly." madamdaming pahayag nito.

Nag-init ang mga pisngi niya. Yumuko siya nang kaunti para hindi nito makita ang pamumula niya. Parang hinaplos ang puso niya sa sinabi nito. He missed her. "H-hindi ko na problema 'yon. Alalahanin mo, may atraso ka sa akin. Binisto mo ako kay Simon Gareth. Napahiya ako sa kanya noong sabihin mong may gusto ako sa kanya. Hindi ako nagpunta doon para sa kanya." panunumbat niya.

He chuckled. "Why, I just did you a favor. You should thank me dahil tinulungan lang kitang mapansin ng Prince Charming mong mukhang hipon."

Pinameywangan niya ito. "At may gana ka pang tumawa diyan! Para sabihin ko sa 'yo, wala akong gusto kay Simon Gareth. Sinabi ko lang 'yon para inisin ka. Masaya ka na?"

"Aha! Ginawa mo 'yon para pagselosin ako, tama ba?" hinala nito.

"Baliw ka ba? Gaya nga ng sabi ko, ginawa ko 'yon para inisin ka, hindi ang pagselosin ka. Alam ko kasing may alitan sa pagitan niyong dalawa."

"Hmm..." nagliwanag ang mukha nito. "Ibig sabihin, kaya ka nasa building namin noong time na 'yon ay dahil sa akin, right? Ang sabi mo, matagal mo na akong gustong makausap."

Inirapan niya ito. "Oo na! Ikaw nga ang dahilan. Tama ka. Gusto nga kitang makausap noong time na 'yon pero binisto mo naman ako kay Simon Gareth. Nakakainis ka." Hindi na niya sasabihin dito ang iba pang kagagahang pinaggagagawa niya para makuha ang atensiyon nito. Mao-overwhelm ito masyado.

Ngising-ngisi ang loko. Parang tuwang-tuwa ito sa nalaman. "Okay. So, wala ka talagang gusto kay Simon Gareth?"

"Oo nga, ang kulit."

"Good. Now, be my girl."

Nagpakawala siya nang marahas na buntong-hininga. "Ayoko."

"Please, Pearly. I need your help. Hindi naman ito magtatagal. Kapag nasa paligid si Hollie, sweet tayo. Kapag tuluyan na niya akong nilubayan, eh, di tapos ang palabas. Ikaw lang kasi ang puwedeng mag-pretend girlfriend para sa akin. Hindi magdududa si Hollie at ang mga tao sa school dahil palagi nila tayong nakikitang magkasama. Sige na, pumayag ka na. Please, please, please?" pagsusumamo nito.

"'Yan ang napapala ng isang palikerong katulad mo. Nakahanap ka ng katapat mo." mataray na wika niya.

"Kasalanan ko bang guwapo ako? Sila itong lumalapit-lapit sa akin, hindi ako."

Napailing-iling siya. "Ang yabang mo."

"Ano, payag ka na?" tanong uli nito.

Tiningnan niya ito. Hindi niya ma-imagine—sila ni Lewis, sweet sa isa't isa? Bigla yatang bumaligtad ang sikmura niya. Ni hindi nga niya naisip kailanman na hahantong sila sa ganito.

"Please?" nagmamakaawang sabi ni Lewis. May pag-asam sa mga mata nito. Nag-puppy eyes pa ito sa kanya.

"Ewan ko sa 'yo. Diyan ka na nga. May pupuntahan pa kami ni Mama. Kailangan kong makauwi agad." Tinalikuran na niya ito subalit muli siya nitong pinigilan sa braso niya. Mukhang wala itong balak na sumuko.

"Please, Pearly. Pumayag ka na, o. Promise, hindi ito magtatagal. At promise din na babawasan ko ang pang-aasar ko sa 'yo. Pumayag ka lang na maging pretend girlfriend ko." pamimilit nito.

"Babawasan lang?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Parang batang ngumiti ito. "O, sige. Babawasan at babawasan ko pa."

Napailing na naman siya. Ibang klase talaga ang mokong na ito. Hindi talaga nakokompleto ang araw nito na hindi siya inaasar. Pero kung hindi siya papayag, siguradong bukas at sa mga susunod na araw ay kukulitin siya nang kukulitin nito. Lalong titindi ang pang-aasar nito sa kanya. Mas lalo siyang mauubusan ng pasensiya at matutuyuan ng dugo. Ito pa. Alam na alam niya ang likaw ng bituka nito pagdating sa pang-aasar. Napangiwi siya.

"Babawasan ko ang pang-aasar ko sa 'yo, dadagdagan ko naman ang..." pambibitin nito.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Dadagdagan ang alin?"

Ngumisi ito. "Secret."

Nagbuga siya ng hangin. "Hay, bahala ka na nga."

"Ibig sabihin ba niyan, pumapayag ka na?" he asked with anticipation.

"Siguraduhin mo lang na babawasan at babawasan mo talaga ang pang-aasar mo sa akin kundi, sa Pluto ang kalalagyan mo." banta niya.

"Thanks, Pearly!" Niyakap siya ni Lewis sa sobrang katuwaan. Nabigla siya sa ginawa nito. Medyo mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Ang bango-bango nito! Hindi niya tuloy napigilan ang sariling amuyin ito. She fit perfectly inside his arms, like she belong there. Gusto niya ang init na nagmumula dito.

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ay nais pang magprotesta ni Pearl. Pakiramdam niya, naiwan ang kaluluwa niya sa loob ng mga bisig nito.

"B-bukas na lang tayo magkita. Kailangan ko nang magmadali. Hinihintay na ako ni Mama," paalam niya nang maibalik sa tamang huwisyo ang isip niya. Tinalikuran na niya ito at lumakad.

"Pearly, wait!"

When the Love is Real By: Heidi Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon