Chapter 8

975 39 15
                                    

NAG-CONCENTRATE si Pearl. Tinitigan niyang mabuti ang sampung bowling pins. Pinaningkitan niya ang kanyang mga mata at in-imagine na ang malditang si Hollie iyon. They were playing bowling. Hindi niya akalaing magaling pala si Lewis sa larong iyon. Kanina pa siya nangongolelat dito. Ni hindi man lang siya makapuntos. Palaging napupunta sa gutter ang tira niya. Hindi naman kasi siya sanay maglaro niyon. Minsan lang siya maglaro ng bowling kapag bored siya.

"Kaya mo 'yan, Pearly ko. You can do it. Get a strike, baby!" pagtsi-cheer ni Lewis sa kanya pagkatapos siyang turuan kung paano tumira nang tama. Pumalakpak pa ito ng dalawang beses.

Gusto niyang ma-impress ito. Huminga siya nang malalim. Kapagkuwan ay ni-release na niya ang bola sa kamay. Pigil ang kanyang hininga habang sinusundan ng tingin ang bola. Hindi pumunta sa gutter ang tira niya. She got it! She knocked down the ten pins! Napatili siya sa tuwa.

"Natumba ko lahat! Ang galing ko! Naka-strike ako!" Natumba ko ang bruhang si Hollie—este ang sampung bowling pins! Napayakap siya kay Lewis sa labis na katuwaan. Mababaw na kung mababaw ang kaligayahan niya pero masayang-masaya siya roon. First time niyang maka-strike sa bowling.

"I know you can do it. Ang galing talaga ng Pearly ko!" tuwang-tuwang sabi ni Lewis. Binuhat siya nito at inikot-ikot. Bahagyang isinuksok nito sa kanyang lee gang ulo nito saka bumulong. "Hmm... Magaling kasi ang tutor, eh."

Noon lang naging aware si Pearl kung gaano kalapit sa isa't isa ang katawan nila. Kung hindi pa sa nagsitayuang balahibo niya sa katawan ay hindi pa niya mari-realize ang intimate position nila. She was hugging him tight! At parang gustong-gusto pa ng kumag na magkayakap sila. Nagpabigat siya at pinakawalan naman siya nito. Itinulak niya ito. "Pervert!"

Ngumisi ito. "Anong pervert ka diyan? Ikaw nga 'tong unang yumakap sa akin, eh. Parang hina-harass mo ako sa paraan ng pagkakayakap mo kanina. Willing naman akong magpayakap, Pearly ko. Sabihin mo lang sa akin. Just don't be so wild, okay?" Tumawa ito.

"E-ewan ko sa 'yo!" inismiran niya ito at tinalikuran. Napakagat siya ng labi upang pigilan ang pagngiti. Nababaliw na talaga siya. Pati ang puso niya ay nababaliw na rin. Nagulat siya nang bigla itong humarap sa kanya. Mabuti na lang at hindi nito nakita na ngumingiti siya.

"Tara na? Saan ang gusto mong sunod na puntahan natin?" nakangiting tanong nito.

Iyon ang isang hinahangaan ni Pearl kay Lewis. Gentleman ito. Siya ang pinagde-decide nito kung ano ang sunod nilang pupuntahan. Tinatanong muna siya nito. Pero kapag hindi na niya alam o wala na siyang maisip na isa-suggest, ito na ang nagde-decide para sa kanilang dalawa. "'Kain tayo ng ice cream. Napagod ako sa paglalaro ng bowling, eh. Medyo pinagpawisan ako doon." aniya.

Pinasadahan siya nito ng tingin. "Oo nga." Dinukot nito sa bulsa ang kulay brown na panyo nito at pinunasan ang pawis niya sa mukha. Bahagya siyang napapitlag. Pagkatapos ay masuyong inipit nito sa likod ng tainga niya ang ilang maliliit na hibla ng buhok niya na naligaw sa gilid ng kanyang mukha. "'Ayan, fresh ka na ulit."

Ang sweet! "S-salamat." mahinang sabi niya.

Ngumiti ito. "Come on." Hinawakan nito ang isang kamay niya at lumakad na sila.

Hindi na naman naiwasang mapangiti ni Pearl habang pinagmamasdan ito mula sa likuran. Aaminin niyang nag-e-enjoy na siyang kasama ito. Sa buong durasyon ng pagpapanggap nila bilang magkasintahan, marami siyang natuklasang magagandang katangian nito bilang isang lalaki. Masarap itong kasama at kakuwentuhan. Gentleman pala ito at sweet. Napapatawa siya nito kahit corny ang mga jokes nito, at natural na lang sa kanila ang mag-asaran. Kapag magkasama sila, palagi nitong hinahawakan ang kamay niya. Hindi nito binibitawan ang kamay niya na tila takot itong mawalay siya dito, tulad ngayon. He was holding her hand firmly but gently. And she liked it. A lot. Ang sarap maging boyfriend ito.

When the Love is Real By: Heidi Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon