Chapter 3

1K 51 10
                                    

NAGPAALAM si Pearl sa mga kaibigan na mauuna nang umuwi. Sasamahan kasi niya ang mama niya na mag-grocery.

Paglabas niya ng school gate ay may nadaanan siyang dalawang lalaki na nakaupo sa kalsada na animo mga tambay. Schoolmate niya ang mga iyon base sa ID lace na suot ng mga ito. Nagtaka siya nang sundan siya ng mga ito at tinawag siya sa pangalan. Kilala siya ng mga ito?

Kinutuban si Pearl nang hindi maganda. Sinusundan pa rin siya ng mga ito kahit nagpunta na siya sa ibang direksiyon. Lakad-takbo na ang ginagawa niya para makalayo sa mga ito. Napatili siya sa gulat nang hablutin ng mga ito ang magkabilang kamay niya.

"Let me go!" singhal niya sa mga ito. Nilabanan niya ang takot para hindi siya mag-panic.

"Huwag ka nang manlaban, Miss Pearl. Gusto ka lang naming maka-hang out. Crush na crush ka kasi namin, eh," tumatawang sabi ng lalaking mukhang bulldog.

"Hindi ako sasama sa inyo! Bitawan n'yo ako!" Pinilit niyang makawala ngunit hinigpitan ng mga ito ang pagkakahawak sa kanya.

"Not so fast, babe. Masaya naman sa pupuntahan natin, eh. We're sure mag-e-enjoy ka doon," ang sabi ng isa na mukhang kurimaw.

Nahindik siya sa pagtawag nito ng "babe" sa kanya.

"Bitawan n'yo siya!"

Sabay-sabay silang napalingon sa nagmamay-ari ng boses. Lewis?

"Bingi ba kayo? Ang sabi ko, bitawan n'yo siya." mapanganib na utos ni Lewis sa dalawang lalaki. Nagtatagis ang mga bagang nito. Mas naging dark ang pagkaasul ng mga mata nito.

Ngumisi ang mukhang bulldog. "Magpapaka-hero ka na naman ba, Parker? Wala kang pakialam sa gagawin namin!"

"Ah, ganoon?" Nagulat siya nang undayan nito ng suntok ang lalaking mukhang bulldog. Bumalandra ito sa lupa na putok ang gilid ng labi. Ang sunod na inupakan nito ay ang kurimaw na tumawag sa kanya ng "babe."

Tumayo ang dalawang lalaki at sinugod si Lewis. Subalit wala ring nagawa ang mga ito dahil kayang pagsabayin ang mga ito ng binata. Humanga siya kay Lewis sa pakikipagbakbakan.

"Matagal ko na kayong inoobserbahan. Ire-report ko na kayo sa discipline office nang sa gayon ay ma-expel na kayo. Umalis na kayo kung ayaw n'yong makatikim uli sa akin!" nanlilisik ang mga matang banta nito sa dalawang lalaki.

Walang salitang kumaripas ng takbo ang mga ito at iniwan sila.

Binalingan siya nito. "Umuwi ka na." Lumakad na ito.

Naisip ni Pearl na pagkakataon na niya iyon para makausap ito. Nangako siya sa sarili na hindi na ito susundan pero mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkaharap sila. Sinundan niya ito. "Lewis, mag-usap muna tayo." Hindi siya pinansin nito. Hinablot niya ang isang kamay nito. Bahagya siyang natigilan nang maramdaman uli niya ang koryenteng nanulas sa katawan niya. "Lewis!"

"What?" marahas na tanong nito.

Napalunok siya. "B-bakit ba ang sungit mo?"

Bumuntong-hininga ito. "Aalis na ako."

Mabilis pa sa alas-kuwatrong hinawakan niya ang kamay nito. "Sandali! M-may itatanong ako sa 'yo. G-galit ka ba sa akin? Isang linggo mo na akong iniiwasan, eh."

"'Di ba, 'yon naman ang gusto mo? Na tigilan kita?"

"May posibleng dahilan ako kaya ka nagalit sa akin. Sorry kasi tinakbuhan kita noong tinatawag mo ako. Nasabi sa akin ni Mama na ikaw ang nagsauli ng cell phone ko. Thank you, ha? Ayaw kong may taong galit sa akin. Hindi ako mapakali. Noon pa kita gustong makausap kaso hindi mo ako pinapansin. In-invite ka rin ni Mama na mag-merienda sa bahay. Tamang-tama sana 'yon para magkaayos tayo pero hindi natuloy. Sana magkaayos na tayo, Lewis, at... at payag na akong maging magkaibigan tayo." Iyon ang naisip niyang paraan para makabawi dito. Naisip niyang kapag naging magkaibigan sila nito, mawawala ang kakaibang damdaming pinukaw nito sa kanya dahil magiging palagay na siya.

Itinaas nito ang dalawang kamay. Tila hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. "Wait. Nakikipagbati ka sa akin? And did I hear you right? You want us to be friends?" pagkaklaro nito.

Tumango siya. O-oo."

Ngumiti ito. Damn it, she missed that smile! Hindi niya akalaing mami-miss niya ang ngiting iyon. Ang ngiti nito na sa tuwina ay ikinaaasar niya.

Lewis eyes were sparkling in amazement. Saglit siya nitong pinagmasdan pagkatapos ay ipinatong ang hintuturo sa baba nito. "Okay, okay. Hindi naman ako galit sa 'yo, nagtampo lang. Payag na akong makipagbati sa 'yo, sa isang kondisyon..."

Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon?"

"Pumayag ka munang maging girlfriend ko."



When the Love is Real By: Heidi Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon