Chapter 9

942 39 7
                                    


"AYOKO na, Lewis. Busog na ako," tanggi ni Pearl kay Lewis sa susunod na isusubong kutsarang may lugaw sa kanya. Gaya ng ipinangako nito sa kanya, pagkatapos na pagkatapos ng klase nito ay pinuntahan agad siya nito sa bahay nila para alagaan siya.

"Ano ka ba, Pearly ko? Kaunti pa lang ang nakakain mo. Iinom ka ng gamot kaya dapat lang na magkalaman ang tiyan mo. Sige na, isubo mo na ito," muling iniumang nito ang kutsara sa bibig niya. Napilitan siyang isubo iyon.

Napangiwi siya. "Ang pait kasi ng panlasa ko. Hindi ko rin ma-appreciate ang lugaw na 'yan."

"Okay, dalawang subo na lang at tama na. Ang mahalaga, eh, magkalaman ang tiyan mo."

Pagkatapos ng dalawang subo ay ipinainom na nito ang gamot sa kanya. Muli siyang napangiwi. Pati ang gamot na iyon ay mapait din ang lasa.

"Very good, baby. Masaya ako at bumubuti na ang pakiramdam mo," Sinalat nito ang noo niya. "Wala ka nang lagnat. Pero hindi ibig sabihin na puwede ka nang magpagod ulit. Baka mabinat ka. Dapat magpahinga ka lang, okay?"

Tumango siya. "Opo." Hayun na naman ito sa litanya nito. Hindi na mabilang ni Pearl kung ilang beses na nitong sinabi iyon sa kanya. Gayunman, nata-touch siya sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kanya. She never thought that he really cared for her this much. Like he really was her boyfriend.

Ayon sa mama niya, si Lewis ang nag-alaga at nagbantay sa kanya buong magdamag pagkagaling nito sa eskuwelahan. Hindi pa raw ito nananghalian para mapuntahan siya agad. Bumili ito ng isang basket na puno ng mga prutas at isang banig ng gamot. Hindi ito umalis sa tabi niya. Matiyaga nitong m-in-onitor ang body temperature niya. Pinunas-punasan nito ang katawan niya ng basang towelette. Ni hindi man lang ito umidlip ng isang segundo. Pinilit ito ng mama niya na umuwi muna at ang kanyang ina naman ang mag-aalaga sa kanya pero tumanggi ito. Tila lumobo ang puso ni Pearl. There were no words to express how grateful she was to him. Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon para sa kanya. Maging ang mama niya ay bumilib din dito kahit hindi nito sabihin.

Kahit ang sungit-sungit niya rito noon, hindi pa rin ito nagdalawang-isip na alagaan siya. Ang bait nito sa kanya.

Kumuha si Lewis ng orange sa basket na nasa bedside table at binalatan. "Kumain ka nito, Pearly ko. Binili ko ito para sa 'yo. Mataas ang bilang ng fluids at calories nito kaya mabuti ito sa katawan lalo na 'pag galing sa sakit." Kinindatan siya nito.

Napangiti siya. Nanatili lang siyang nakatitig dito.

Kumunot ang noo nito pero nakangiti. "O, bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling siya. "Wala."

"Hmm, alam ko na. Gusto mo ng kisspirin at yakapsule ko, 'no?"

Tumawa siya. "Hindi, ah! Magpapasalamat lang ako sa 'yo."

"Para saan?"

"Sa pag-aalaga mo sa akin. Salamat, Lewis. Baka mamaya, ikaw naman ang magkasakit niyan." sinserong wika niya.

Lumapit ito at inakbayan siya. "Basta para sa 'yo, Pearly ko. Hindi nga ako makapag-concentrate sa klase kasi naiisip kita. Nag-aalala ako sa 'yo. Gustong-gusto ko nang iikot ang kamay ng orasan para bumilis ang oras at mapuntahan na kita."

"Pasensiya ka na. Na-distract ka tuloy. Naabala kita. Hindi mo na lang sana ginawa 'yon. Hindi naman ako pababayaan ni Mama dito, eh," nagi-guilty na sabi niya.

"Ang Pearly ko talaga. Kahit hindi mo sabihin, aalagaan pa rin kita. Gusto kong nasa tabi mo lang ako kapag kailangan mo ako. Ganoon ka kahalaga sa akin."

When the Love is Real By: Heidi Star (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon