"Margau pwede bang pakibilisan? Urgh! Your so annoying! Akala ko ba naman magbabago ka na dahil 4th year na tayo but still late ka pa rin at laging huli. First day of school pa naman!" sabi sa'kin ni Penelope na 5 years ko ng kaibigan. Ewan ko ba kung bakit nagtagal ng ganito ang pagkakaibigan namin. Naalala ko pa nung Grade 6 kami. Hindi ko siya kalevel. Oo, kasi maganda siya pero mas maganda ako. Hahaha. Mortal enemy ko siya. As in number 1 enemy. And then one day bigla nalang BOOM! Naging magkaibigan kami.
"You must wait for me Peny. Duh! Ginusto mon sunduin ako kaya dapat hintayin mo ako! Atsaka wow ha? Hello, 6:30 po ang dapat nating pagpunta pero anong oras ka dumating 7:00 noh!" sumbat ko sakanya habang inaayos ang shiny black and straight na natural hair ko.
"Kung pumunta ako sa shool at nauna 30 minutes lang ang late ko eh baka ikaw ay 2nd subject na papasukan mo! Tsaka wag ka na ngang magsalita diyan! Pakibilisan nalang!" inis niyang sabi.
Wala akong ibang ginawa kundi tawanan nalang siya dahil mukha siyang engot pagka naggaganun siya. Hahaha. Pero kahit na ganyan yan mahal ko yan. Haha. Binilisan ko nalang pag-ayos sa hair ko tsaka inaya ko na siyang pumunta ng school. And after 10 minutes nakarating na din kami. Malapit lang naman kasi ang school sa bahay eh.
"Be late na tayo!" sabi ni Penelope na mas binilisan pa ang paglakad sa boulevard ng school.
"Alam ko pero wag tayong magmadali."
"Kailangan nating bilisan noh!"
No choice ako kundi lumakad nalang din ng mabilis.
"Margau" isang pamilyar na boses na pumukaw ng atensyon ko galing sa likod ko. Kaya't nilingon ko habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Boylet ko last school year. Pang-23 yata. Haha. Hindi ko na matandaan. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang naglalakad pa din ako.
*boooogsh*
May bumangga sa'kin. Agad kong nilingon. Isang lalaking parang anghel, oo kasi gwapo, may kissable lips, sarap ha- -. Joke. Pero mali siya ng binangga.
"Ang tanga! Tumingin ka naman sa daanan mo, miss." sigaw nito sakin. Walang masiyadong estudyante pero may iilan na tumingon o napalingon dahil sa pagsigaw niya.
"Hello? Nakita mo palang nakatalikod ako edi sana iwas ka sa daanan!"
"Edi ikaw na sana!"
Transferee siya dahil ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha dito sa school na toh.
One thing na pumasok sa isip ko. I'm ready.
"Im ready for my make 'the transferee' fall inlove with me mission."
Pero mukhang mahihirapan ako.