Chapter 2: Boyfriend

20 1 0
                                    

3 days na kaming magkaklase ni Tristan. Hindi ko pa nai-start yung 'get Tristan mission' ko. Araw-araw ko nalang sinasabi na "How can I get him?" napakamisteryoso niyang tao. Lagi pa siyang late pumasok. Hindi siya masiyadong nagsasalita. Para nga siyang pipi. Magsasalita lang kapag tinatanong ganun.

"Hmm dalawang waffles tsaka isang lemonade please." sabi ko dun sa cashier. Andito kasi kami ngayon ni Peny sa cafeteria. Binigay ko sakanya ang buong 500 pesos na galing sa wallet kong Guess ang brand. Tsaka niya naman ako sinuklian.

Naghanap na kami ni Peny ng pwedeng upuan at yun ay yung sa tapat ng bintana ng cafeteria. Airconditioned ang cafeteria namin may sarili itong WiFi at nakacable din ang 4 na flat screen TV dito. Private school kasi kaya ganito ang cafeteria. Tanaw na tanaw ko ang mga estudyante sa labas. May mga grupo, mga nag-iisa. Nang makita ko si Tristan na may mga kasamang 2 lalaking taga ibang section na transferee. Siguro mga friends niya?

"Peny. Sino yung mga kasama ni Tristan?" tanong ko kay Peny. Pag mga ganitong bagay si Peny takbuhan ko. Chismosa yan maraming alam.

"Ah transferee galing din sa St. Paul. Ang hot nung isa diyan si Phoenix yung isa namang chinito si Cielo. Crush ko yung si Phoenix." sabi niya.

"Landi neto!"

"Lahat tayo malandi nasa kanya-kanyang level. Ikaw bes? Nareach mo na ang level up! Haha. Ako nasa 99 palang."

"Bes you know me right? Malandi ako pero never pa akong nainlove." sabi ko.

Dumating na yung food ko tsaka sinimulang kumain ng may lumapit saming dalawang lalaki.

"Hi Margau." malanding sabi nung lalaki.

Nilingon ko. Si Earl, isa sa mga fling ko noon. Asusual gwapo pa rin siya pero wala siya sa listahan ng mga type ko.

"Hello." walang emosyong bati ko sakanya at patuloy pa rin sa pagkain ng waffle ko.

"How are you? Who's your fling or flavor of the month or week or DAYS?" sabi niya.

"Why are you interested to know?" sabi ko tsaka siya inirapan. Kapal ng mukha fling ko lang naman.

"Bes bili lang ako ng tubig." bulong ni Peny sakin. Tumango lang ako.

"None. I just want to know? Sino nga?" sabi niya.

"Sorry but fling is not my habit anymore, I've changed. I have a boyfriend." pagsisinungaling lo sakanya.

"Oh really? Haha. Who?"


"Do you really want to know? It's Tristan. Tristan Josh Delevigne.."

Mr. Playboy Meets Ms. Pafall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon