Chapter 1: Nice Beginning

28 1 0
                                    

"Margau! Late na tayo! Mamaya na yan!" sigaw ni Penelope sa di kalayuan.

Tiningnan ko muna si Tristan sa mata. Tsaka siya nilagpasan na parang walang nangyari at diretso lang sa paglalakad papunta kay Penelope. Saan siya galing? Ang gwapo niya ah. Haha.

"Sino yung Peny? Kilala mo ba?" tanong ko kay Peny ng maabutan ko.

"Nakasabay ko siyang magenroll ang alam ko Tristan ang pangalan niya." sabi niya ng matapat namin ang pinto ng classroom namin.

Nagi-introduce pa lang naman sila eh. Pero wala yung adviser namin. Kaya't pumasok na din kami. Umupo kami sa may 2nd row sa may dulo nito. Merong vacant seat sa tabi ko. May kaklase pa kaming late bukod sa'min? Nice. Haha. Ano nga ulit pangalan niya? Ah, Tristan. Ano kayang year nun?

"Peny anong year nung Tristan?" tanong ko.

"4th year. Omygosh bes! Wag mong sabihin siya next target mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Peny.

"Parang di ka na nasanay sa'kin Peny."

"I mean? Sanay ako pero bakit yung transferee na yun? Ang balita ko Playboy at number one heartbreaker yun sa old school niya."

PLAYBOY? Wow! Sounds interesting. Mas maganda yun. Isang pafall laban sa isang playboy. Let see who will win this battle. Binaling ko nalang ang sarili ko sa mga nagi-introduce sa harap. Hanggang sa kami nalang ang hindi natatapos. Nauna si Penelope. Sumunod naman ako.

"I'm Sashczna (sash-na) Margau Romualdez. 16 years old. Thanks." sabi ko tsaka bumalik na sa upuan ko.

"Dapat sinabi mo pa dun PAFALL!" Hahahahaha." sabi ni Peny. Inirapan ko lang siya.

Hanggang sa dumating na yung adviser namin. Ini-introduce niya din yung sarili niya.

"Okay class. So since this is the first day alam kong may mga transferee, may mga loyal students dito, but still magpapakilala ako. I'm Mrs. Zenaida Gutierrez, I'm your advisory teacher for this school year. So since ako yung teacher na walang pakeme kung saan kayo nakaupo ngayon diyan na ang proper seats niyo." sabi niya sa'min. Nag-ingay naman ang buong klase.

"Sorry Ma'am I'm late." agaw pansing boses ng lalaki na galing sa labas ng room. Napalingon ako, kami pala.

Si Tristan.

"Ay it's okay come inside introduce yourself iho." pacute na sabi ni Ma'am. Aba! May asim pa si Ma'am lumalandi din.

"I'm Tristan Josh Delevigne, 16 years old. I'm came from St. Paul High. Hope we'll be friends." sabi niya sa harapan.

"Ang gwapo."
"Ang hot magsalita."
Bakla yan pre!"
Rinig kong bulong-bulungan ng kaklase ko.

"Okay so where's the vacant seat. Oh okay. Sit beside Ms. Romualdez." sabi ni Ma'am.



Nice beginning.

Mr. Playboy Meets Ms. Pafall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon