"Bes hindi pa din ako makapaniwalang kayo na ni Tristan." natatawang sabi ni Peny at humigop sa inumin niyang Starbucks.
"Akala ko ba sanay ka na bes? You should expect that thing. Tsaka wala pa ata akong ginustong hindi ko nakukuha."
Sabado kasi ngayon. At every sabado ay shopping day namin ni Peny. Nakasanayan na namin ang ganitong habit ni Peny.
"Omygosh! Si Phoenix oh!" sabi ni Peny turo dun sa may Timezone.
Kasama niya si Cielo pero wala si Tristan. Akalain mo kahit ganyan sila kagwapo at kaappeal hindi sila naiilang pumunta ng Timezone. I mean kasi di ba mga estudyante mahilig sa mga ganyan, ang sa'kin lang baka pagkaguluhan sila.
"Lapit tayo dun!" sabi ni Peny.
"Ha? Magsha-shopping pa tayo bes."
"Saglit lang tayo. Dali na ngayon ka pa tumanggi."
"Aba bes kahit ganito ako marunong pa din akong tumanggi."
"Para makasama mo na din si Tristan. Atsaka para makilala ko at makaclose na si Phoenix. Haha." tingnan mo. Ibang klase talaga si Peny gagamitin pa ako. Dahil mahal ko siya wala na napa-oo nalang ako.
"Hi Cielo! Hi Phoenix!" sabi ni Peny nung papalapit kami sa dalawa.
"Ah hello? Oh Margau right?" sabi sa'kin ni Cielo. Alam kong si Cielo yun dahil singkit. Ang gwapo niya, makinis ang mukha tsaka cute talaga ng mga chinito.
"Yea. And this is Penelope." sabi ko naman kay Cielo. Kasi baka mamaya magtampo na naman itong si Peny kasi ako ang pinansin. Nakipagkamayan naman ang bruha kay Cielo tsaka kay Phoenix.
"Ah hi Phoenix! Ang gwapo mo pala pag malapitan." sabi ni Peny.
"So kapag malayo pangit ako, ganun?" sabi naman ni Phoenix.
"Ah hindi gwapo ka pero iba pa din pag malapitan. Hihi."
Kita mo? Napakapabebe talaga ni Peny. Ibang klase din dumamoves eh.
"Ah hi Cielo." sabi ko ulit kay Cielo.
"Hello Margau. Balita ko bagong girlfriend ka ni Tristan?"