Chapter 6: Sundo

11 1 0
                                    

Ang aga ko nagising ngayon 6:10, kaya kailangan ko ng tumayo dahil 20 minutes lang ang paggawa ko sa daily routine ko. Maligo, magbrush, magsuklay, at paglagay ng kung ano-ano sa mukha. Finish. Tiningnan ko ulit yung oras at 6:35 na. Sira ba wall clock ko? Kinuha ko nalang cellphone kung full charged kasi magdamag yun tsaka yung bag ko. Lumabas ako ng kwarto tsaka bumaba para pumunta sa kusina ng biglang nagvibrate yung phone ko.

1 new message.
From: Peny, Tristan.

Peny: Bes hindi kita masusundo nauna na ako! Mwaa! *heart emoji*

Kahit kailan talaga ang babaeng yun! Paano na yan? Nakalimutan kong kunin yung susi ng Lamborghini car ko. Tsk. Taxi nalang ako nito.

Tristan: Labas ka! Kanina pa ako naghihintay dito sa tapat ng house niyo.

What? Paano niya nalaman bahay namin? Agad naman akong lumabas ng bahay at nakita si Manang Selia na nagdidilig ng halaman.

"Oh Sashczna, kanina pa naghihintay ang lalaking iyon. Mga tansa ko mga 6:00 pa yan andyan." sabi ni Manang.

Omygosh. 40 minutes siyang naghintay? Oo 40 minutes kasi 6:40 na.

"Manliligaw mo ba yan?" tanong pa ni Manang.

"Ah nako hindi po. Sige Manang gotta go!"

Pumunta na ako sa gate tsaka lumabas at nakita ko si Tristan na nakasandal sa kotse niya tapos nakalagay yung kamay niya sa bulsa atsaka nakatingin lang ng seryoso sa'kin. Ang hot niya sa ganyang position pero hindi talaga ako mahuhulog sakanya. Never. Promise.

"Your 43 minutes late babe." sabi niya.

"Why are you here? Bakit mo alam bahay namin?"

"Sinundan ko yung bestfriend mo kanina, nandito din siya kanina kaso pinauna ko na at sinabi kong ako nalang ang susundo sayo."

"Wow parang close na close na tayo ah, at may pasundo-sundo ka ng nalalaman."

Pasalamat siya at tinatamad akong pumara ng taxi. Kaya't imbes na maginarte ako dito binuksan ko na ang front seat ng kotse niya tsaka sumakay, tsaka naman siya sumunod at pinaandar ito.

"As your boyfriend it's my responsibility na sunduin ka at ihatid ka. Simula ngayong araw na toh ako na ang maghahatid sundo sayo. Para naman mas maging close tayo."

"Mahirap ako pakisamahan." sabi ko sabay tingin sa cellphone ko.

"Well kung ganun pati ako."

Nakarating na din kami sa school. Asusual ganun pa din maraming estudyante. Pero iba ngayon, kasi magkasama at magkasabay kami ni Tristan. Malaking pagbabago yun. Marami na namang bulong-bulungan pero wala akong pake ang alam ko ngayon boyfriend ko na siya. Pero sa larong ito, nakatitiyak akong ako ang mananalo.

Mr. Playboy Meets Ms. Pafall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon