"Yeah. She's my girlfriend."
He kissed me pa. I mean hindi siya yung first kiss ko, marami na akong nahalikan pero iba yung sakanya. Ibang-iba. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kahit panandaliang halik lang yun. Pagkatapos ng scene na yun umiyak yung babae tsaka umalis ng Private Room.
"Why did you do that?" sabi ko. Nag-iinarte mode ako ngayon.
"Ang alin?"
"May pahalik halik ka pang nalalaman Tristan."
"Eh bakit ikaw? May pa babe babe ka pang nalalaman."
Hindi ko naman in-expect na lalabas sa precious mouth ko yun. Duh! Inirapan ko nalang siya tsaka tumayo at umupo sa katabing upuan ng sofa.
"Margau." malamig na boses niyang sabi sa'kin.
Nakakapaamo yung boses niya. Napakalalim ng boses.
"What?" sabi ko tsaka siya tiningnan.
"Are you sure you want this?"
"What's what this?"
"Are you sure you wanna play this game with me? I mean magdecide ka na." tanong niya.
"Haha. Are you really asking me that question? Tristan you can't beat me. Baka nakakalimutan mo AKO ang nagpapasok sayo sa relasyong ito. I mean sa LARONG ito."
"If that's your wish. So means YES talaga ang sagot mo. Then okay I'm a good PLAYER Margau."
Yeah! Were talking to each other like we know the both of us already. Parang antagal na naming magkakilala. And am I sure about this game daw? Haller. As they said pafall akong babae pero never pa akong NAFALL. As in never. Tapos ito? Napasok ako sa larong kalaban ko ay isang playboy? Perfect match. This game? Yung unang mahulog siya ang TALO.
"I'm a better COACH Tristan." sabi ko naman.
"Let see who will win." sabi niya with crossed arms pa.
Ako na ang mananalo nun noh. Duh! Hindi na dapat tinatanong yan.
"Paano ka naging playboy eh ang tahimik mo?" tanong ko.
"Tahimik ako kasi I don't literally talk sa mga hindi ko pa kaclose. Tsaka lang ako nagiging madaldal kapag sila Cielo at Phoenix ang kaharap ko and then since GIRLFRIEND na nga kita close na tayo, kaya ganito na ako ngayon sayo."
"Wow. Feeling babae ka din pala. Damin arte eh. Pero nung pinalibutan ka nang mga babae sa quadrangle, happy ka pa nun." sabi ko.
"Oh then? Are you jealous?"
Hahahahahahahahahaha. Tawa ko sa isip ko siguro mga trenta basta. Ako daw? Si Sashzcna Margau Romuladez magseselos? Lol. Kelan pa?
"No im not! Over my dead body no!"
Sabi ko tsaka tumingin sa oras 2:10 na ng tanghali. Wala pa ang babaita. Siguro alis na ako. Tumayo na ako at simulang naglakad papunta sa pinto ng magsalita ulit si Tristan.
"Aalis ka na?" tanong niya.
"Oo."
"Act naman as my girlfriend. You should tell me if aalis ka na. Hahahahaha." sabi niya na tatawa tawa.
"Ah? No need. Duh!"
"Since girlfriend na nga pala kita, can I get your cellphone number? Para naman maitext text kita."
Aba aba. Ibang klase cellphone number agad ah? Pero tama para naman may kwenta rin yung bagong sim card ko.
"0927******* yan. Kbye." sabi ko tsaka na lumabas.
Kinuha ko naman agad yung cellphone ko at agad may nagtext.
From: 0915*******
'Take care BABE. Tristan to.'Babe niyang mukha niya. At aba naka-capslock pa ah. Kapal ng mukha. Ilang Northern Cement ginamit dun? Haha.