*kringggggggggggggggggggggggggg*
Break time. Pero wala akong gana maglakad ngayon, so si Peny nalang ang nagrecess mag-isa niya. Hindi rin ako nagpabili. Shocks! Gutom ako, hindi pa ako nagbreakfast. Tatayo na sana ako ng biglang pumasok si Tristan na may dalang dalawang sandwich at dalawang Frappe. At nagkatinginan kaming dalawa. Iniwas ko naman agad yung tingin ko tsaka didiretso na sana sa pintuan ng hinila niya ang kamay ko. Buti nalang kaming dalawa lang ang nandito sa room at wala pa namang masiyadong estudyanteng nagdadaanan.
"Oh take this." sabi niya sabay abot nung isang sandwich at isang Frappe.
"Why would I? Mamaya may lason yan or something na makapagpapaFALL sayo, di wala na. Talo na ako." biro kong sabi.
Kahit gutom na ako, marunong pa din akong tumanggi. Tsaka isa pa, si Peny lang ang nago-offer sakin ng food pag ganitong sitwasyon. Everytime kasi na sinusundo ako ni Peny at hindi na ako nakakakain ay dumadaan muna kami sa Starbucks na malapit sa school. Kaso si Tristan ang sumundo sa'kin kaya taggutom ako ngayon. -_-
"Arte mo! Tanggapin mo na tsaka mamaya pupunta tayong Social Hall. Tayong dalawa lang." sabi niya sabay abot sa kamay ko nung sandwich at nung Frappe.
Kahit ganyan pala siya may puso din. Ang bait niya. Siguro ganito yung damoves niya para mapaibig ang isang babae. Pero sorry siya, di mabenta sa'kin ang mga ganitong style. Lol.
"Walang lason to ah? Atsaka anong gagawin natin sa social hall?" tanong ko. Mamaya rape-in niya ako or something.
"Pinapatawag tayo ni Ma'am. Atsaka walang lason yan. Kinakain ko nga eh di ba?"
"Sungit neto! Feeling gwapo di naman! Para saan daw ba?"
"Aba malay ko. Basta punta tayong dalawa dun. Kung di ako gwapo bakit mo ko boyfriend ngayon?"
"Boyfriend boyfriendan lang kita baka nakakalimutan mo. Hahaha." tsaka ako kumagat sa sandwich.
"Haha. Malay mo baka magkatotohanan tayo." seryosong sabi niya.
"Over my dead body. Pag nagkaganun parehas tayong talo. Are you sure itutuloy pa natin toh? Baka talo ka na?"
"Ofcourse itutuloy pa natin. Never pa akong natalo."
"Okay okay. Di ba pupunta pa tayong Social Hall? Di tara na. Napapahaba na usapan natin dito."
Tsaka na ako lumabas ng classroom. Sumusunod naman siya sa'kin tsaka niya ako sinabayan sa paglalakad. Nasa left side ko siya. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nagdadaanan. Siguro nagtataka sila dahil magkasama kami ni Tristan. Sa totoo lang bago pa lang siya dito pero andami ng nakakakilala sakanya at marami na din nagkakagusto. Oo gwapo siya pero mahangin nga lang. Dapat humble lang tulad ko. Malapit na kami ng Social Hall ng matanaw ko si Phoenix at si Trisha na naglalampungan. Trisha, yes you heard me right? Hindi Penelope. Trisha Badua babaeng malandi din pero no one can beat me. Nakita ko naman na ngumingiti ngiti si Tristan habang nakatingin sa'kin.
"What? Is there something funny?" iritang tanong ko.
"I know what your thinking." sabi niya.
omyg. So alam niyang naiinis ako dun sa Trisha na yun dahil kasama niya ngayon yung crush nang bestfriend ko? Tiningnan ko lang si Tristan ng diretso sa mata at tinaasan ko siya ng kilay.
"Gusto mo si Phoenix noh? Kaya ganyan yung itsura mo." sabi niya.
Hahahahaha. Nako naman akala ko ano na. Hindi ko langsiya pinansin kahit na sobrang natatawa na talaga ako. Nang makarating na kami sa social hall ay agad naming nakita ang mga teachers at mga estudyante na galing din sa ibang sections. Nakita ko din ang bestfriend kong ayun kasama si Cielo. Infairness close na din sila.
"Okay okay. Good morning ladies and gentleman. Where here para magvote sa iba't ibang clubs." sabi nung school Principal.
Langya talaga tong lalaking toh sabi niya dalawa lang kami eh ba't ang dami namin. Tss. Umupo kami ni Tristan sa likod kung saan nakaupo yung mga section namin. By section kasi yung mga nandito. So andito kami sa Star Section. Kahit malandi at nagboboypren na ako ay nag-aaral pa din naman ako noh.
"Grabe naman. Daming alam talaga kahit kelan ng school na toh." bulong ko sa sarili ko.
"Ha?" tanong ni Tristan.
Umiling na lang ako bilang sagot. So ayun nagvovoting sila.
"So for the last one is the MAPEH Club. Please go infront Mr. Delevigne and Ms. Romualdez." sabi ng principal.
Nanlaki yung mata ko as in. Bakit ako? Bakit kami?
"We decided na kayo nalang ang mamahala sa MAPEH Club. Kasi we see na kaya niyong mamahala dito. Sine close din kayo so we see to it na dapat responsible kayo. Anyway meron na din namang mga members eh. Don't worry. So that's all for today, you can go to your next subjects. Thank you."
At nagsilabasan na nga ang mga estudyante. I can't believe it.
Were PARTNERS.