5. Surely, A Burning Inferno

43 3 7
                                    

5. Surely, A Burning Inferno

"Rrinnggg!", tunog nalang ng cellphone ni Takeshi.

"I need to answer that call Ana. Kaya pakawalan mo na ako", batid nito sa dalaga.

"Pakawalan? Ayaw ko nga kaya manigas ka dyan", tanging sagot nito sa kanya.

"Hindi na tama ang ginagawa mo Ana. Sumusobra ka na talaga. Hoii! Pakawalan mo ako!", pagkairita nitong wika sa dalaga.

Hindi siya sinagot ni Ana. Kinuha nalang nito ang cellphone niya.

"Incoming call, Sakura", wari nalang nito.

"Si Sakura ba yan? I need to answer that".

Pinindot ni Ana ang cancel para hindi ito sagutin.

"Hoii! Anong ginawa mo?"

"Edi ano pa? Ang bobo mo talaga".

"Humanda ka talaga!", napupuno na nitong sabi sa sobrang pagkainis.

Patuloy lang sa pagtawag si Sakura sa cellphone ni Takeshi ngunit paulit-paulit lang itong hindi sinasagot ni Ana.

"Please Ana. Sagutin mo naman ang tawag ni Sakura", pakiusap nito sa fiancee.

"Ayyy....ganon. O sige".

Sinagot nga ni Ana ang tawag at....

"I'm sorry Sakura pero ayaw ka ngayon makausap ni Takeshi. Tumawag ka nalang ulit bukas. Bye!", sagot nito sa girlfriend ng binata at binaba agad ang cellphone.

"Anong ginawa mo?", sigaw ng lalaki.

"Ano pa ba sa tingin mo? Isn't it obvious. Pag-aawayin ko kayang dalawa at sa bandang huli, maghihiwalay din kayo".

"Hindi mo yun kayang gawin".

"Hindi! Kaya ko kaya I'll make sure. My plans won't fail".

"Nagseselos ka ba? In love ka na yata sa akin Ana".

"Ganon? Ang malas ko naman sa'yo pa ako nainlove. Pero sa mga sinabi mo. Walang tama. Hindi ako nagseselos at hindi ako in love sa'yo. Gusto ko lang makita kang nahihirapan at don, sasaya ako".

"Hindi ko akalain ang sama mo pala".

"Masama? Oo, demonyita nga ako Takeshi kaya ihanda mo nalang ang sarili mo sa mga posibleng mangyari".

"You're a BITCH!", sigaw nito sa kanya.

Nang marinig ni Ana ang sinabi ni Takeshi sa kanya. Umiba ang hulma ng mukha nito. Paratangan pa ba siyang Bitch!

Nilapitan niya ang binata at kinurot ito sa pisngi.

"Ano ba!", batid ng binata.

"Bitch ako? Pwess! Heto ang ganti ko sa'yo. Ang hagupit ng isang Bitch!", sinampal nalang ni Ana si Takeshi ng malakas sa pisngi nito.

"Aray! Ba't ka ba nagkakaganito?"

"Yan ang ganti ko sa'yo. At isa pa pala, ang kagaya mong lalaki ay hindi dapat minamahal".

"Sigurado ka don? Ikaw ang hindi nararapat mahalin. Alam mo kung bakit? Immature ka! Pangit! At kahit mayaman ka, hinding-hindi ka kayang mahalin ng mga lalaki. Peperahan ka lang nila at sasaktan. Mayaman ka lang. Walang may maganda sa'yo. Kung ako sa'yo, hindi na ako magpapakadesperada!", masasakit na sabi sa kanya ni Takeshi.

Hindi na nakasagot si Ana. Napatahimik nalang ito at sa ilang sandali, pumatak nalang ang mga luha niya. Nasaktan ito sa mga sinabi ni Takeshi sa kanya.

"Ganon ba ako sa akala mo? Kung ganon, pangangatawan ko nalang ang mga sinabi mo. I'm a bitch!", luhaan nitong sabi.

Kinuha ni Ana ang cellphone ni Takeshi at sumulat ito ng mensahe.

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon