12. The Real Score

7 1 0
                                    

12. The Real Score

Alam na ni Ana kong ano na ba talaga ang nararamdaman niya para kay Takeshi? Hindi na siya pwedeng magdeny pa rito at hindi niya madadaya ang sinasabi ng puso niya. Siya ay...siya ay—...

Umiibig na para sa binata.

Hindi niya alam kong kailan ito sumibol at hindi niya alam kong kailan nalang niya ito naramdaman. Kusa nalang itong dumating sa kanya ng di niya namamalayan.

Napasandal nalang siya sa gilid ng pader at dinama ang kirot sa puso niya.

Mahal na mahal nga ni Takeshi si Sakura kaya nakipagbalikan nalang ito sa dating girlfriend. Dapat masaya siya dahil hindi na niya kailangan ipagpatuloy ang misyon niya ngunit bakit parang hindi siya masaya. Ba't nakakaramdaman siya ng sakit? At paano kong malaman ni Takeshi na nagkaboyfriend si Sakura ng maghiwalay silang dalawa? Sasabihin niya ba ang kakatotohanan o magbubulag-lagan lang siya na walang may nalalaman?

Nagpadala nalang siya sa nararamdaman niya at umiyak siya ng umiyak. Bahala na kong sino ang makakakita sa kanya? Ano naman ang pake nila?

Hindi na niya tiningnan kung ano man ang nangyayari sa loob ng silid-aralan. Humakbang nalang ito paunti-unti at tuluyan na ngang lumayo sa dalawa.

Kung saan pa nagkabalikan na sila ni Takeshi at Sakura. Doon niya pa naramdaman ang totoong nararamdaman niya para rito. Bakit wrong timing naman? Ang galing mo talaga pag-ibig. Dakilang pahirap ka talaga!

Nang makalayo na sa silid-aralan, sa di kalayuan. Nakita naman ni Ken si Ana na naglalakad sa corridor ng paaralan.

Napatakbo ito sa dalaga para lapitan ito. Nang makalapit na, nakita nalang niyang luhaan ang mukha nito.

"A-Ana", sambit nalang niya ng pangalan nang dalaga.

"Ano? Masaya ka na. Pwedeng layuan mo ako", pagtaboy nalang sa kanya ng umiiyak na dalaga.

"Anong problema? Bakit ka umiiyak?", may pag-alala sa boses nito.

"Wala ka na ron at pwede lang lubayan mo na ako. Ayaw kong makita o makausap ka".

Tinalikuran na niya ito at hindi na pinasin pa ngunit ang binata ay patuloy pa rin sa pagsunod sa kanya.

"Ano ba? Bingi ka ba? Ano na naman ba ang gusto mo? Gusto mong laitin na naman ako? O sige, hinahayaan kita. Laitin muna ako Ken. Sige!", at napalakas ang boses ni Ana.

"Hindi ko yun gagawin sa'yo at hindi ko na yun gagawin pa. Kung nainsulto o nasaktan ka sa mga sinabi at ginawa ko noon. Pasensya ka na", pagbaba nalang nito ng sarili niya.

Ano ba talaga ang kailangan ng lalaking to? Ba't parang ang bait-bait nalang nito ngayon?

"Ano ba talaga ang kailangan mo Ken?", prankang tanong ni Ana sa kanya.

Hindi siya sinagot ng binata dahil unti-unti itong humakbang palapit sa kanya at sa ilang sandali, di nalang pala niya namamalayan na pinapahiran na pala ni Ken ang mga luha niyang tumatagay.

Umiwas si Ana ngunit hinawakan nalang siya ng binata sa dalawang braso nito.

"Bakit ka umiiyak Ana? Ano ba ang problema?", buong puso nitong tanong na mababakas sa mukha nito ang puro sinseridad lang.

Hindi niya dapat malaman ang totoo kaya magsisinungaling nalang si Ana at gagawa nalang ng kwento.

"Ang sakit ng tiyan ko Ken. Kaya napaiyak nalang ako sa sobrang sakit", pagsisinungaling nga nito.

"Kanina mo pala dinadala yan. Bakit hindi mo agad sinabi?"

"Ayokong madamay o makigulo pa at isa pa kasalanan ko rin naman to dahil hindi ako naghapunan kagabi at napasobra ang kain ko kaninang umaga. Sorry".

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon