7. Much More Chances

23 3 3
                                    

7. Much More Chances

Pagkarating ng dalawa ng bahay. Dumiretso nalang bigla si Takeshi sa kwarto niya ngunit napahinto nalang ito dahil may boses na pamilyar ang tumawag sa kanya.

"Takeshi! Long time no see", batid nalang nito.

Napatingin siya rito at ang nakita ay ang pinsang matagal ng hindi nakikita.

"Ken!", sagot niya sa pinsan at nilapitan ito agad.

Nagkayakapan pa silang dalawa sa isa't-isa. Close na close sila ng pinsan noon ngunit umalis nalang ito ng magmigrate ang pamilya ng pinsan niya sa America.

"Kailan ka pa dumating?", tanong nalang sa kanya ni Takeshi.

"Noong isang linggo pa pero ngayon lang ako nakabisita dahil marami pang inaasikaso sa bahay".

"Dito na ba kayo talaga titira?"

"Oo, dito na naman kasi nakadistino ang trabaho ni Papa".

"Mabuti kung ganon Ken. Marami-raming basketball ang malalaro natin nito", masaya nitong sabi.

"Oo nga".

Nakatingin lang si Ana sa dalawa at parang pamilyar sa kanya ang mukha ng pinsan ni Takeshi. Saan niya kaya nakita ang pagmumukha ng lalaking yun? Hindi niya matandaan.

"Balita ko raw maganda ang fiancee mo?", wari na lamang nito.

"Tsshhh...anong maganda? Ang pangit-pangit non", pamimintas nalang sa kanya ni Takeshi.

Dinig na dinig iyon ni Ana. Ah! Ganon pala, may araw ka rin sa aking bwisitt ka. Humanda ka talaga.

Hindi na nagtagal pa si Ana dahil umakyat na ito ng kwarto nila para makapagbihis na at gugugulin naman niya ang oras niya sa pagbabasa ng mga libro.

Anong akala niya, siya na ang pinakagwapong nilalang  na nilikha dito sa mundo? Pwess! Yun ang misconception niya. Hindi na muna niya guguluhin ang binata dahil may kasalanan pa siyang may nagawa dito kaya stop muna ang operation revenge niya.

Pagkapasok niya sa loob ng kwarto, kaagad nalang itong napatumba sa kama niya.

Hindi ka nito patutulugin ng konsensya mo Ana? Ba't mo pa kasi naisipan ang bagay na yun? Napabuntong hininga nalang siya at sa ilang sandali nakatulog nalang ito.

Kinabukasan,

"Dalhin mo na yan sa kanya Takeshi. Kahit ipagdabuyan ka man niya. Huwag kang susuko. Kapag ipinagpatuloy mo lang ang pagiging porsigido, lalambot yun. Sure na sure ako rin", wari nalang ni Ana sa fiancé.

"Paano kung sampalin na naman niya ulit ako?", tanong nalang nito.

"Asuss naman. Makapal naman ang mukha mo kaya pasampal ka nalang muna" sagot nito agad.

"Anong sinabi mo?", malakas na sabi sa kanya ni Takeshi.

"Joke lang yun. Heto naman. Sige na, ibigay mo yang bouquet of red roses at yang chocolate na ipinadala pa ng Ate mo galing ibang bansa. Mamaya naman, maglagay ka na naman ng sulat sa locker niya. Hindi natin siya titigilan hanggang hindi kayo nagkakabalikan. O ano? Okay na ba yun para bumawi sa mga kasalana ko sa'yo?"

"Ttttttt...pag-iisipan ko pa".

"Fine. Sige na, ibigay mo na ang mga yan", utos nalang nito.

Lumapit na nga si Takeshi sa dating girlfriend para ibigay ang bouquet of red roses at ang box of chocolate.

"For you Sakura", lakas-loob nalang nitong wika sa harapan ng dalaga.

Tiningnan lang siya ng masama ni Sakura.

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon