13. This Is War Again

18 1 0
                                    

13. This Is War Again

Kinaharap na nga ni Takeshi ang konsekwensya ng pangingialam niya kay Ana habang ito ay nanunuod ng palabas kanina.

"I'm sorry Ma. Hindi ko sinasadyang mabasag ang vase", paghingi agad nito ng tawad sa ina.

Kalmado lang ang mama niya at...

"Alam kong may rason ka bakit nabasag mo ang vase. Ano yun Takeshi?"

"Sumakit na naman kasi ang tiyan ni Ana. Binuhat ko siya at pinaupo sa sofa pero di ko pala namalayan na nabunggo ko yung vase. Kaya yun, nabasag", paggawa-gawa nalang nito ng kwento.

Alangan namang sabihin niya ang katotohanan na itinapon ito ni Ana sa kanya dahil sa sobrang inis. Lagot talaga siya ron.

"Kamusta na si Ana. Okay na ba siya? Masakit pa rin ba ang tiyan niya?", pag-alalang mga tanong ng mama niya.

Pagsi Ana talaga ang pinag-uusapan. Alalang-alala sila ng papa niya pero pagsiya. Parang wala itong mga pakialam. Sino ba ang tunay nilang anak? Si Ana ba o ako?

"Okay na siya ngayon Ma. Huwag na kayong mag-alala pa".

"Salamat naman. Hayaan mo na ang vase Takeshi. Ang importante ay maayos na si Ana".

Hindi nga siya napagalitan ng mama niya dahil ang ginawa niyang rason ay si Ana. Buti naman nakalusot siya.

Pagkatapos kaharapin ang mama niya, umakyat na siya sa kwarto nila at kinaharap naman ang nakakairitang babae.

Malakas niyang binuksan ang pinto ng silid nila at malakas din niya itong sinara.

Pabasa-basa ka pa ng libro ha. Ngayon mo malalaman ang hagupit ko!

"Anong problema mo sa akin? Ha! Ana", galit nitong sabi sa dalaga.

Tiningnan lang siya ng dalaga ng masama at hindi siya sinagot. Kung baga, snob siya.

"Ah ganon..Hindi mo ako sasagutin".

Lumapit siya sa fiancee at hinablot nalang niya ang binabasa nitong libro.

"Ano ba Takeshi? Ba't nakakainis ka!", pagsigaw sa kanya ni Ana.

"Sagutin mo ako. Ano ang problema mo sa akin?", pag-ulit niyang tanong sa dalaga.

"Problema? Nagtanong ka kong ano ang problema ko. Itanong mo kaya sa sarili mo para malaman mo kung ano ang problema ko sa'yo".

"Ah! Dahil ba yun sa kaninang umaga na pinagdiskitahan ko ang mukha mo. Maliit na bagay Ana nagkakaganyan ka na. Ang immature mo nga".

"Oo nga, ang immature ko nga noh. Bakit ba talaga ako nagkakaganito?", at napatanong pa ito sa sarili niya.

"Baliw ka na ba? Bakit hindi mo alam ang sagot sa tanong ko?"

"Baliw? Oo nga baliw na ako kaya huwag mo ng pakialaman ang buhay ko. Gaya nga ng sinabi mo noon. We're a product of this shit relationship of our families. Kung kaya wala nalang tayong pakialaman ng buhay nang isa't-isa", madamdamin nitong wika sa binata.

"Ba't ka ba nagkakaganyan? Hindi kita maintindihan?", naguguluhan nitong tanong sa dalaga.

"Wala akong kailangan ipaliwanag pa sa'yo Takeshi", umalis nalang si Ana at pumasok nalang ito sa loob nang banyo ng kanilang silid.

Doon na bumagsak ang mga luha niya at naalala ang mga nakita kanina sa paaralan.

"Kung alam mo lang ngayon ang pinagdadaan ko Takeshi? Ang sakit-sakit pala ng ganito. Ayoko nito. Ayoko nitong nararamdaman ko sa'yo", sambit nalang niya sa sarili niya na mababakas na nasasaktan siya ng sobra.

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon