11. Revelations

9 1 0
                                    

11. Revelations

Napahiga nalang agad si Ana sa kama nila ng makarating na sila ng bahay ni Takeshi kagagaling sa study trip nila.

"I miss you my comfort reliever bed. Do you miss me baby?", pagkausap nalang niya rito na parang ewan.

"Baliw ka na ba? Hindi yan sasagot sa'yo", batid ni Takeshi sa kanya na umuupo sa tabi niya na abala sa paglalaro sa cellphone nito.

"Ba't ka nangingilam ng trip ko? Maglaro ka nalang dyan sa cellphone mo. Huwag mo akong pakialaman".

"Baliw ka nga!"

"Tsshh...nakakainis talaga", mahina nitong sambit.

"Narinig ko yun".

"Ang hina na yun ha. Narinig mo pa. Bilib naman ako sa pandinig mo Takeshi. Ang talas ha".

"Ikaw lang naman ang bingi sa ating dalawa".

"Wow ha! Nagsalita ang hindi", napatayo nalang ito sa kama niya at lumabas nalang ng silid nila.

"Saan ang punta mo?", tanong nalang bigla ng binata.

"Shopping. Wanna join", sagot nito agad.

"Ikaw nalang. Nakakapagod yan".

"Edi hindi".

"Bilhan mo nalang ako ng perfume. Alam mo naman kong ano ang pabango ko. Mukhang mauubos na kaya yun nalang ang akin".

"I get it", at umalis na ng tuluyan si Ana.

Nastress siya ngayon kaya gugugulin nalang niya ang sarili sa pagshohopping.

Nagpahatid na siya sa mall sa driver nila. Pagkarating niya.

"This is it", masaya nalang nitong sambit.

Nagpakasasa na si Ana sa pagbili ng mga damit. Kung ano sa paningin niya ang maganda ay binibili niya. Bahala na ang credit card niya ang sumuko sa kanya. Gusto niya eh kaya aasam-asamin na niya ang pagkakataon. Once in a blue lang kaya to mangyari.

Nang mabili na niya ang lahat niyang naibigang mga damit. Nagtungo na siya sa pamilihan ng mga pabango para bumili ng perfume ni Takeshi.

Kumuha siya ng dalawang  Giordano na kulay asul. Ganito kasi ang pabango ng fiance niya. Pagkatapos mabayaran ang mga pinamili, nagtungo na siya sa restaurant kong saan siya laging kumakain, nag-order siya ng ice cream cake, isang  lasagna at iced tea at naghanap na kaagad ng mauupuan.

Habang sarap na sarap sa kinakain, nahagilap nalang ng dalawang mga mata ni Ana si....si...

"Teka! Si Sakura yun ha. Bakit may kasama siyang lalaki?", pagtatanong nalang nito sa sarili niya.

Dahil binabagabag siya ng isipan niya at hindi mapakali. Mag-iimbistiga muna siya ng mga nangyayari. Naghintay siya sa restaurant na kinakainan niya kung kailan din lalabas ang dalawa.

Nang makita niyang tumayo at lumabas na ito. Sinundan niya ito kong saan man ito patungo. Hindi siya muna magkoconclude dahil wala pa naman siyang ebidensya.

Magsasaliksik muna siya at doon na kokompirmahin ang mga bagay-bagay.

Nakita niyang pumasok ang dalawa sa sinehan kaya bumili rin agad siya ng ticket para makapasok sa loob. Ang theme ng showing na movie ngayon ay Romance. Eh paano? Bokya siya at walang kasama. Pero hindi naman ganon ang pinunta niya. Mag-iimbestiga naman siya kaya wala siyang pakialam sa mga couple sa paligid niya.

Umupo siya sa likuran ng dalawa at nagpasimpleng uminom at kumain ng popcorn.

Nakita naman niya na nakaakbay pa ang lalaki sa mga balikat ni Sakura at sinusubuan pa siya nito ng popcorn.

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon