16. Love Of A Friend

37 1 0
                                    

16. Love Of A Friend

[Araw ng Sabado]

"I'm sorry talaga Takeshi. May importante kasi akong gagawin kaya hindi ako ngayon makakasama sa'yo na manuod ng football. Pasensya na talaga", paghingi ng tawad sa kanya ni Sakura habang nag-uusap silang dalawa sa cellphone.

"Okay lang Sakura", sagot naman ng binata.

"Siguro next time. Makakasama na ako sa'yo Takeshi. Pangako ko yan".

"Okay. Take your time Sakura. I love you".

"I love you too Takeshi".

Binaba na ng binata ang tawag at bumalik na ito sa kwarto niya. Sayang lang ang ticket passes niya kung hindi rin siya makakapunta.

Nang makapasok na sa loob ng kwarto niya. Nakita niya si Ana na bagong gising lang ito kaya umupo siya sa tabi ng fiancee.

"Ana. Manuod tayo ngayon ng Football sa Tokyo Arena", pagyaya nito sa dalaga.

Inusog muna ng dalaga ang mga mata niya at napatingin ito kay Takeshi.

"Si Sakura nalang ang yayain mo. Siya ang girlfriend mo di ba?", sagot nalang nito.

"Tinanggihan niya ako kaya ikaw nalang ang niyaya ko. Gusto mo naman ng football di ba?"

Ah! Ganon pala. Second choice lang ako? Pwess...

"May gagawin ako ngayon kaya maghanap ka nalang ng makakasama mo", pagkabad trip nitong sabi at nagwalk out.

"Ano ang gagawin mo ngayon?", usisa pa nito.

"Wala ka na ron".

"Makikipagkita ka naman ba kay Ken?"

"Ang galing mo namang manghula. Akalain mo nga, tama ka Takeshi. May pupuntahan kamo ngayon".

"Ah ganon. Huwag ka ulit uuwi ng gabi dahil pagginawa mo ulit. Humanda ka sa akin", pagbabanta pa nito.

"Alam ko na yun kaya hindi mo na kailangang ipaalala sa akin".

Lumabas na si Takeshi sa labas ng kwarto nila at malakas nalang sinara ang pinto.

"Nakakairita talaga ang lalaking yun. Ano naman ang pakialam niya kung sasama ako sa pinsan niya".

Pumasok si Ana sa banyo at naligo na ito. Mas importante ang pupuntahan niya ngayon kesa ang manuod ng football kasama ang lalaking hindi naman siya gusto. Kaya mabuti pang umiwas nalang siya at ituon ang pansin sa iba.

Alam ni Ana na mahirap kalimutan si Takeshi dahil nakatira sila sa iisang bahay pero sa abot ng makakaya niya. Unti-unti na niya itong kinakalimutan.

∞ ∞ ∞ ∞ ∞

Nakipagkita na nga si Ana kay Ken at nagtungo na sila sa pupuntahan nilang dalawa. Habang nasa biyahe, kita naman ni Ana na kabado si Ken. Kaya hinawakan ng dalaga ang kamay nito na nasa manebela ng sasakyan.

"Magiging okay lang ang lahat Ken", pagpapagaan niya rito ng loob.

Napatitig sa kanya ang binata at napangiti.

"Salamat Ana".

Makalipas ang 30 minutes. Nakarating na nga sila sa bahay ng babaeng pupuntahan nila. Bumaba agad si Ana at sumunod din sa kanya si Ken.

Lumapit na si Ana sa pinto ng bahay at kumatok kaagad.
Pinagbuksan naman siya ng babaeng kaedaran lang niya.

"Sino po sila? At ano po ang kailangan nila?", mahinhin nitong tanong kay Ana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon