8. One Step, Two Step

23 3 4
                                    

8. One Step, Two Step

Habang magkatabing natutulog sina Ana at Takeshi. Napatanong nalang bigla si Ana sa fiance.

"Pansin ko lang Takeshi ha. Wala bang may idinidate na iba si Sakura?"

Napatingin nalang bigla ang binata sa kanya at piningot nalang siya nito sa pisngi.

"Ano ba naman Takeshi? Ang sakit non ha?", may pagkainis na sambit ng dalaga.

"Bakit naman gagawin ni Sakura na makipagdate sa iba? At isa pa kakabreak lang namin. Hindi niya yun magagawa", sagot nalang ng gwapong binata na nakatitig sa mukha ng dalaga.

"Parang sure na sure ka ron ha?"

"Kung sinisiraan mo lang siya Ana. Hindi ka magtatagumpay. Pero maiba ang usapan. Kahit ilang ulit man kitang titigan. Ang pangit mo talaga", pamimintas nang binata sa kanya.

"Eh bakit mo pa kasi ako tinititigan? Yan tuloy, nakatitig ka sa pangit. Pikit mo lang yang mga mata mo. Para hindi ka mabangungot", batid nalang ng dalaga.

Bigla nalang napabangon si Takeshi sa higaan dahil sumabog na ito sa katatawa.

"Hahahahahahaha", pagtawa nalang nito na hindi mapigilan ang sarili niya.

"O bakit natatawa ka? Ikaw ka, by chance. May nararamdaman ka na sigurong espesyal sa akin no?", diretsahan nalang nitong tanong sa binata.

Napahinto sa pagtawa si Takeshi at seryosong nakatitig sa mga mata niya.

"Bakit? Nagagandahan ka na ba sa akin?", tanong ulit nang dalaga.

"Paano kong hindi na kami magkabalikan ni Sakura? Handa ka bang maging kapalit niya sa puso ko?", napakaseryoso at makabuluhan nitong tanong sa dalaga.

"Eh?", tanging sagot nalang ni Ana sa kanya.

Si Takeshi ba ang kausap ni Ana? Hindi naman yata.... hanggang sa ilang sandali ng maabsorb na ng dalaga ang sinabi ni Takeshi. Nagsimula na siyang makaramdam nang.....

"Dug..dug...dug....dug...", pagtibok-tibok nalang nang puso niya at....

"Sige na Ana. Sagutin mo nalang siya ng Oo", wika naman ng subconscious nang dalaga.

Ano ba ang mga naiisip at nararamdaman niya? Hindi naman ganito to ha? Bakit siya naguguluhan? Bakit parang gusto niya na hindi?

Ang mga sagot ay....EWAN.

"Bwahahahaha.....", pagtawa nalang nang malakas ni Ana sa fiancé.

Nagtaka naman ang binata.

"Bakit?"

"Alam mo ha? Ang hilig-hilig mo talagang magbiro. Takeshi naman, alam mo namang imposibli ang gusto mong mangyari. Hindi ko mapapalitan si Sakura ryan sa puso mo kaya tumigil ka nga dyan", patawa-tawa nalang batid ni Ana sa fiancé pero sa loob niya para na siyang tatakbo palabas at tumakbo ng isang-libong milya.

"Tama ka nga, matulog na nga tayo", ani nalang ni Takeshi sa fiancee.

"Ah, o sige".

The atmosphere was a little awkward. Hindi makatulog si Ana dahil sa sinabi ni Takeshi sa kanya. Ba't ramdam niya na parang kumikirot ang puso niya? Nasasaktan ba siya? O dahil guilty lang siya? Ano nga ba?

Kinabukasan....

"Back to basic na naman tayo Takeshi. Heto ang mga rosas at ang chocolates. Ibigay mo na to sa kanya", pag-utos nalang sa kanya ni Ana.

"Ang dali-dali sa'yong utosan ako dahil hindi ka naman ang nagbibigay. Aishh...", pagkainis nitong sabi.

"Alam mo. Pagpapalain ka talaga sa mga ginagawa mo. Pagnacondition siya na araw-araw mo siyang binibigyan ng mga rosas at tsokolate. Tiyak akong hanap-hanapin niya yun. Sige na, huwag ka na ryang magreklamo".

Love BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon