Pulsing Need 6

186 4 0
                                    


Practicing my BS writing in Filipino.
Maybe I'll post an english version soon

Hope you enjoy.



------

Tanghali pa lang ay nagpunta na ng bus terminal si Angel. Mula sa bayan nya ay tutungo siya ng Maynila upang kumuha ng byahe padiretso ng Naga.

Nang makasakay na papuntang Manila ay napabuntong hininga siya. It's amazing how one phone call could change her life. Tumawag ang kanyang ina at sinasabing umuwi siya dahil may problema sa hacienda nila.

But she didn't want to. Ilang taon na simula nang umalis siya ng Naga. Wala na siyang balak bumalik pa roon. Pero nang makausap niya ang kanyang ama sa telepono ay napilitan siyang sundin ang gusto nito.

She could have taken the plane. Marami siyang pera na sasapat kahit na magpabalik balik siya ng Naga. But she chose to ride the bus para magkaroon siya ng panahon na makapag-isip isip at magplano.

In no time ay narating niya ang Araneta Bus Terminal. Dali dali niyang hinanap ang DLTB Bus Line na siya niyang na-contact para sa byahe papuntang Naga.

Nang marating ang bus ay mabilis niyang inayos ang gamit niya saka hinanap ang seat number niya. Wala pa namang tao sa bus.

Mabilis niyang nilapitan ang konduktor. "Kuya, marami po bang sasakay sa byahe na to?"

"Hindi ko sigurado, pero kakaunti lang ang nagpareserve sa amin ng bus ticket. Wala pa kayo sa bente."

"Pwede po kayang pumili ako ng upuan?"

Tumango ito. "Pwede naman siguro."

Ngumiti siya rito saka nagpasalamat. Ayos. Mahaba ang byahe mula Maynila hanggang Naga. Hangga't maaari ay gusto niyang maging komportable siya lalo na ay bibyahe sila ng gabi.

Pinili niya ang upuan sa bandang likod. Silently, she prayed that no one would sit near her. Kahit sa harap o sa gilid niya, o kahit sa malapit, sana ay wala. She needs solidarity.

Nang maayos na ang upuan ay bumaba siyang muli para bumili ng pagkain. Habang bumibili ay napatingin siya sa isang lalaki na matikas na nakatayo malapit sa pinto ng fast food chain. Matangkad ito, nasa six feet, at maganda ang hubog ng katawan na kitang kita sa suot nitong manipis sa puting v neck shirt. Maging ang black pants nito ay bagay na bagay. Ang medyo mahaba nitong buhok ay medyo magulo na bumagay sa deep set eyes nito. Ang pangahan nitong mukha ay nababalot ng manipis na balbas na mas lalong nakapagdagdag ng charisma nito.

Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit siya napalingon rito. The man looked sinfully handsome and utterly dangerous. Parang sa isang iglap lang ay kaya nitong pumatay ng tao. Kahit na hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan ay nakikita niyang kayang kaya nitong maging mabilis sa anumang gagawin.

Bigla itong nag-angat ng tingin sa kanya, dahilan upang magtama ang kanilang mga mata. His eyes were the color of steel. Involuntary shiver ran down her spine as he stared at her like he's seeing her soul.

Naputol lang ang titigan nilang dalawa nang turn na niya para mag-order.

Mabilis siyang umorder. Nahiling niya na sana ay hindi napansin ng cashier ang pamumula ng mukha niya dahil damang dama niya ang init ng pisngi niya. She wanted to look again, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya kakayanin ang kahihiyan kapag nakitang nakatingin parin ito sa kanya.

Pulsing NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon