Pulsing Need 7 Part 1

59 0 0
                                    

A/N:

I'm still practicing my Filipino BS writing style. Let me know if you want an english version. I'll translate it for you.


~~~~

"WHERE are the others?" tanong ni Jade habang papalapit sa eroplanong sasakyan sa araw na iyon.

Lumingon si Brian sa dalaga. "I don't know. Kanina pa ako naghihintay rito. Hindi naman ako pwedeng umalis na wala kayo."

"Aba malamang. Kami kaya ang nagrent sa seaplane mo," mataray na sagot ni Jade bago siya tinalikuran nito at pumunta waiting bench sa hangar.

Iiling iling na bumalik sa pagtsi-check ng eroplano si Brian. There they go again. Hindi pa man nagsisimula ang trip nila sa araw na iyon ay sinisimulan na siyang asarin at patutsadahan ng dalaga.

Hindi niya maisip kung bakit ganu'n na lang kainit ang dugo ni Jade sa kanya, simula pa ng unang nilang pagkikita. At first, he was bothered by the way she treated him, like a vermin. Sinubukan niya itong suyuin ngunit pagkalipas ng limang taong pagkakakilala sa isa't isa, napagod rin siya, kahit pa matalik niyang kaibigan ang kuya nito.

He actually didn't understand her reason for her treatment. Wala naman siyang ginawang masama rito. Mabait naman siya. Wala naman siyang putok. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit gan'un na lang kabigat ang dugo nito sa kanya.

At ngayon nga, nirentahan siya ng magkapatid na Ferrer para lumipad patungo sa private island ng mga ito sa Palawan. Pabor 'yon sa kanya dahil kikita na ang business niya, makakapag-relax pa siya. Hindi na lang niya papansinin ang pasaring ni Jade sa kanya na siguradong nagsimula na nang dumating ang dalaga.

After making sure that everything was in order, Brian checked his watch. Dan, his best friend and Jade's brother, is already an hour late. Napakunot noo siya. Sa lahat ng kakilala niya, ito pinaka-punctual sa lahat. He always arrives ahead of time. Kinuha niya ang phone para tawagan ang kaibigan ngunit bago niya mabuksan ang lock ng phone ay nanggigilalas na lumapit sa kanya si Jade.

"Kuya isn't coming," nagngingitngit na sabi nito, saka siya nilampasan.

Patience, Brian. Patience. Tandaan ang Palawan. Maganda d'un. Maraming sexy.

Mabilis siyang sumunod rito saka hinarangan ang daraanan nito. "What do you mean, Dan isn't coming?"

Tumaas ang kilay nito. "Slow ka ba? Anung mahirap intindihin sa sinabi ko?"

"'Yung parte kung ano ang dahilan kung bakit hindi makakarating si Dan."

Ekseheradang bumuntong hininga si Jade. "Nagkaroon ng problema sa company and Kuya needs to take care of it or we'll lose our biggest client. Matagal na niyang sinusuyo 'yung Hapon na 'yun kaya hindi niya pwedeng iwan basta na lang sa mga kasama niya. I can't believe ngayon pa siya nagcancel."

'That was understandable,' naisip niya. Dan is a workaholic kaya hindi mahirap para rito na i-cancel ang bakasyon na noong isang taon pa pinaplano. 'My friend needs to get out of the office sometimes'

Tsk. Sayang ang Palawan.

Nabalik ang attention niya sa kaharap nang tumawag ito ng taxi.

"After making me excited about this trip, ika-cancel rin pala niya. Sana sumama na lang ako sa mga kaibigan ko sa Hongkong," patuloy na litanya nito.

May ideyang pumasok sa isip niya.

'Para ka na ring kumuha ng batong ipupukpok sa ulo mo,'kastigo ng isang bahagi ng isip niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pulsing NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon