3

5.3K 115 6
                                    

Chapter 3

PADABOG na inilagay ni Bella ang kanyang bag sa harap ng table ni Lea --- ang kanyang best friend. Napatalon ang Samsung Galaxy Note na hawak hawak nito sa kanyang ginawa, at napahawak ito sa dibdib.

“Grabe! Papatayin mo naman ako sa nerbyos, besy.” Reklamo nito.

Marahas niyang hinablot ang upuan sa kanyang harapan at umupo doon.

“Teka, bakit ba ang HB mo ngayon hah?” pagtataka nito.

“May nangyari sa aming dalawa.” Deretsahan niya.

“W-WHAT???” sigaw nito sa loob ng Starbucks, dahilan para maagaw nila ang atensiyon ng lahat ng mga tao na nandoon sa mga oras na iyon.

 Nginitian nalang niya ang mga taong lumingon sa kanila at muling ibinalik ang atensiyon sa kanyang kaibigan.

“Pwede ba, relax ka lang okay. Grabe ka naman kung makapagreact…WAGAS talaga! Relax ka lang okay, nakakahiya sa maraming tao.”

Pinaypayan nito ang sarili, gamit ang sariling kamay. “So you mean, naisuko mo ang virginity mo sa nerd na iyon?”

“Ssshhh…” she rolled her eyeballs around. “Pwede ba wag mong e-mention ang word na iyan, ang dami kayang tao.”

“So you mean, YES!” prangka nito.

“Yes…I mean, no-no-no, of course not!” nauutal niyang wika. Kumunot ang kanyang noo habang tinititigan ang kaibigan. “I’m not so sure besy, nagising nalang ako na katabi ko na siya sa kama, and we’re both naked.” Napabuntong hininga siya. “Kaya hindi talaga ako sure kung may nangyari ba talaga sa amin.” Paliwanag niya.

“Okay, pero may nakita ka bang blood spot sa kama mo?” intrega nito.

“Why? Bakit kailangang may blood spot?” pagtataka niya.

“Yun, kasi ang sabi nila, pag first time mo daw may blood spot talaga.” Paliwanag nito.

“No, I didn’t see any spot. Basta ang alam ko lang katabi ko siya and we’re both naked.”

Huminga ito ng malalim at napainom sa inorder nitong cappuccino. “Thank God besy, walang nangyari sa inyong dalawa.”

“Really?” isang napakalaking ngiti ang lumabas sa mga labi nito.

“Yes, kaya wala kanang dapat ipag-aalala diyan, okay?”

Pero kahit alam na niya na walang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang nerd na asawa ay hindi parin maalis sa kanyang isipan kung paano sila nagkatabi sa iisang kama na hubo’t hubad.

KANINA pa bumubuntot sa isipan ni Matt ang nangyari sa kanilang dalawa ni Bella. Patuloy niyang inaalala ang lahat ng mga nangyari, ngunit kahit isang eksena ay wala parin siyang matandaan. Hindi niya lubos maisip kung paano siya napunta sa kwarto nito, eh sa pagkaka-alam niya ay dumiretso siya sa kanyang silid matapos siyang masuka-an nito dahil sa kalasingan.

Hanggang sa maalala niya ang buong pangyayari.

KANINA pa niya pinagmamasdan si Bella habang nakamukmok itong pinagmamasdan ang kanilang mga bisitang nagsasayawan sa napakalakas na tunog na inilalabas ng isang napakalaking stereo na nakatayo sa gitna ng kanilang harden. Gusto sana niya itong lapitan ngunit may isang babaing kumaladkad sa kanya sa dance floor dahilan para mawala ito sa kanyang paningin.

“Grabe! Ang OA mo namang sumayaw!” anito sa kanya ng kasayawan niyang babae.

“Hah? Ano ulit yun?” tanong niya ng hindi ito gaanong marinig dahil sa lakas ng tunog ng stereo.

Lumapit ang mukha ng babae malapit sa kanyang tainga, habang patuloy parin itong sumasayaw. “Ang sabi ko, ang OA mong sumayaw!” sigaw nito.

Natawa siya sa sinabi nito na mukhang nakikiliti dahilan sa pagpasok ng hininga ng babae sa kanyang tainga. “Sorry, pero hindi talaga ako marunong sumayaw.” Paliwanag niya.

Paano naman kasi, palakpak sa kaliwa, palakpak sa kanan sabay kayog sa bewang. Yun lang ang ginagawa niya, habang sinasabayan ito sa pag-indak. Eh sino ba naman ang matutuwa sa ginagawa niya. Maskin naman din kung sinong taong may partner na katulad niya sa dance floor juice ko! Ay hindi talaga mag-e-enjoy pagkasaman siya noh!

“Iisang tao lang ang gusto kung sayawan, yun ay walang iba kung hindi ikaw Bella.” Ani ng kanyang isipan.

Hinanap ito ng kanyang paningin, laking gulat niya ng madatnan itong sumasayaw at kumakanta na may dala-dalang isang bote ng alak.

Agad niya itong nilapitan ng muntik na itong mawalan ng balance. Nagtama ang kanilang mga mata, napatitig siya sa mga mata nitong mapupungay with thick eyelashes, down to her pointed nose, her rosy cheeks, and down to her red kissable lips. Mukhang hinahamon siya nito, ngunit pinigilan niya ang kanyang sariling matukso sa asawa.

Nagulat nalang siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang ilong, habang hindi parin sila umaalis sa kanilang posisyon.

Lalong bumubilis ang kabog ng kanyang puso sa ginawa nito. Mahal na mahal niya ito at ito rin ang kauna-unahang babaing nagpatibok ng kanyang puso. Kaya kahit dalawang taon na silang mag-asawa at nagsasama sa iisang bubong ay napakalaki parin ang respeto niya rito. Kahit na minsan ay hindi niya naramdamang minahal siya nito.

“Grabe ka talaga anuh! Kahit na pangit ka ya ang tangos parin ng ilong mo.” Lait nito sa kanya in her stammer voice.

Parang bigla siyang sinaksak nito ng harapharapan sa narinig. Paro kinaya niya ang kanyang sarili para hindi mahalata nito na nasasaktan na siya.

Pinilit niyang ngumiti at inalalayan itong tumayo. “Lasing kana Belle. Halika at ihahatid na kita sa kwarto mo.” He carry her in a bridal position.

Habang papasok na sila sa loob ng main door ng mansion ay bigla nalang nag-iba ang timpla nito.

“Ibaba mo ‘ko!” sigaw nito habang nagpupumiglas na makawala sa kanyang mga bisig.

“Belle, stop it! Mahuhulog ka sa ginagawa mo!”

“I said put me down!” hindi na nito naituloy ang binabalak when suddenly she vomit in his shirt. Napatigil siya sa paglalakad at hinayaan nalang itong sumuka sa kanyang mga bisig, ng matapos ay hindi na niya namalayang nakatulog na ito.

Maingat niyang inilapag ang asawa sa kama nito at ipinatawag si Manang Pasing ang kanilang katiwala para linisan ito.

Natapos na ang kasiyahan ngunit nasa mini bar parin siya ng mga oras na iyon at patuloy na nilulunod ang sarili sa alak na hanggang ngayon ay hindi parin nagpapalit ng damit dahilan para mangamoy suka siya.

Pasayaw-sayaw siya habang umaakyat sa kanilang grandeyosong hagdanan patungo sa taas. Gusto ng pumikit ng kanyang mga mata habang paakyat palang sa taas. Kaya pagdating niya sa loob ng kanyang silid ay agad niyang hinubad ang kanyang damit and lay down to his bed totally naked. Pagkahiga niya ay may naramdaman siyang matigas na bagay sa kanyang likuran, pero dahil sa kalasingan at kaantokan ay hindi nalang niya iyon inanintala at agad nalang itinoon ang sarili sa pagtulog.

***********************END OF CHAPTER THREE*******************

DO I DESERVE A COMMENT?? A VOTE??? AN INSULT??

LET ME KNOW PLEASE...IT WOULD HELP ME..^_^ THANK YOU

----Princess^_^Dreamer---

Marrying Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon