Chapter 13
“MANANG, umuwi po ba kagabi si Matt.” Anito ni Bella kay Manang Pasing, ng pumasok siya sa kusina, habang abala ito sa pagluluto ng agahan. Hindi umimik sa kanya ang matanda at nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Humakbang siya palapit rito at kina-usap ito.
“Alam kong galit kayo sa akin ngayon, dahil sa ginawa ko kay Matt, kagabi Manang, pero maniwala po kayo sa akin, hindi ko po ginusto ang mga nangyari. Alam niyo naman po siguro Manang hindi ba, na kahit noong hindi pa ako umiibig sa asawa ko, ay hindi ko po nagawa sa kanyang manloko. Kaya yung nasaksihan niyo kagabi Manang, hindi ko inaasahan na mangyayari iyon.” Paliwanag niya sa matanda.
Kapagkuwan, ay bumuntong hininga ito at nilingon siya. “Alam kung hindi mo sinasadya ang mga nangyari kagabi hija, pero kahit ako hija. Kung masaksihan ko na nakipaghalikan ang pinakamamahal ko sa ibang lalaki, at asawa ko pa siya mismo, siguro yun rin ang gagawin ko. Katulad nalang ng ginawa ni Matt sayo kagabi. Ipagpaumanhin mo sana ‘ton sinasabi ko sayo ngayon. Hindi ko sinasabi na mas kinakampihan ko si Matt, pero mismong ako ay hindi makapaniwala na magagawa mo iyon sa asawa mo.” Paliwanag nito.
Kinuha ni Bella ang kamay ng matanda at hinawakan ito. “Hindi po ako nakipaghalikan kay Kevin Manang, maniwala po kayo sa akin. Kahit minsan hindi po pumasok sa isip ko na lokohin ang asawa. Sana naman po paniwalaan niyo ako, kahit ngayon lang.”
Napatigil ang matanda sa ginagawa nito, at nag-angat ng tingin. “Kung ganun hija, bakit hindi mo siya sinampal sa ginawa niya sayo? Dahil ba may pagtingin ka parin sa dati mong nobyo? Yun ba yun? Dahilan kung wala nah, ang ibig sabihin, hindi mo lang talaga siya kayang pagbuhatan ng kamay. Hindi ba?”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa matanda. Bigla nalang tumikom ang kanyang bibig. Ni hindi nga niya alam kung bakit hindi siya makapagsalita, pagkatapos ng lahat ng mga sinabi nito.
“Siguro nga…” dugtong nito.
Napapitlag si Bella, ng muling magsalita ito.
“Nagkakamali po kayo Manang.” Aniya. “Ganito po kasi ang nangyari…”
“Hhmm…sige Kevin, uuwi na ako. Baka kanina pa naghihintay si Matt sa akin sa bahay, nag-aalala na yun kung bakit gabi na hindi pa ako umuuwi. Salamat ng pala sa araw na ito, talagang nag-enjoy ako. Sige!” pagkatapos niyang magpaalam ay agad na siyang tumalikod at nagpara ng taxi, nauna na kasing umuwi si Lea sa kanila kaya naiwan nalang silang dalawa ni Kevin. Nakakahiya naman sa tao kung uuwi din siya dahil umuwi narin ang kaibigan niya, kaya wala siyang magagawa kung hindi samahan nalang muna ito. Mas okay na iyon kesa naman akalain ng tao na iniiwasan niya ito.
Bubuksan palang sana niya ang pinto ng kotse ng bigla nitong pigilan ang kanyang braso sa kanyang gagawin.
“Belle…wait.” Anito.
“Ba-bakit?” aniya.
“Uuwi na rin lang ako, bakit hindi ka nalang sumabay sa akin. Doon din naman ang dereksiyon ko.”
“Ah! No need Kevin, nakakahiya naman sayo. Besides nandito na ang taxi na pinara ko, baka makakaabala pa ako sayo.”
“Please Belle, I insist. Kahit ngayon lang.”
Napabuntong hininga si Bella, at sininyasan nalang ang driver ng taxi na hindi nalang siya sasakay.
Habang nasa daan ay tahimik lang ang dalawa, walang imikan. Nakaramdam siya ng pagkailang. Si Kevin ang nag-iisang tao na kilala niya noon na ayaw ng katahimikan sa paligid, kung magsisimula na siyang tumahimik ay gumagawa agad ito ng paraan para makapag-ingay silang dalawa. Pero bakit mukhang may nararamdaman siyang kakaiba sa kinikilos nito ngayon? Halos dalawang taon narin ang nakalilipas noong muli sila nag-usap.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Nerd
RomanceSa dalawang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Hindi parin napapawi ang galit at puot sa puso ni Bella sa kanyang asawa na si Matt. Ipinangako na niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hinding-hindi siya iibig sa kanyang asawang nerd. N...