Chapter 7
“A-ATE, Sam?” napatayo si Matt sa kanyang swevil chair ng madatnan niya ang kanyang kapatid na pumasok sa loob ng kanyang opisina. “Ka-kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man nagpasabi sa akin, edi nasundo sana kita sa airport.”
“No need my little bro. Gusto naman talaga kitang surpresahin. So can I have a hug to my handsome brother?” she said widening her arms in the air like she was waiting for his hug.
Agad namang lumapit si Matt sa kanya, at isang napakahigpit na yakap ang kanyang ibinigay sa kanyang kapatid.
“I missed you so much ate.” he whispered while caressing her back.
“I missed you more.” she replied.
Si Samantha, ang nag-iisang tao sa buhay ni Matt na alam niyang dadamayan siya sa kanyang mga problema. Ito rin ang tumatangol sa kanya noong nilalait siya ng kanyang mga ka-klase tungkol sa kanyang itsura. Ito rin ang nagbibigay sa kanya ng lakas na loob para harapin ang kanyang mga problema. Kaya mahal na mahal niya ang kanyang ate, dahil dito lang niya nararamdaman ang isang tunay na pagmamahal. Kaya noong umalis ito ng Pilipinas para mag-aral ng fashion designing sa States ay labis ang kanyang pagkalungkot, dahil alam niya na wala na ang taong magtatangol sa kanya. Pero dahil iyon ang naging desisyon ng kanyang kapatid ay naging masaya na rin siya para rito.
“So, how does your relationship going with your so-called-monster-wife?” patawa nito. Habang papaupo sa magkaharap niyang upuan.
“Ate, please stop calling her monster okay? We’re now finally getting along with each other, so there’s no need to hate her.”
“Fine! I’ll stop calling her a monster. But you can’t blame me Matt. Dahil everytime na tumatawag ka sa akin noong nasa States palang ako, and asking my advice kung paano mawawala ang galit sayo ng asawa mo, ay iyon ang number one question that I can’t answer, and I don’t want to answer. And specially the way she calls you ‘nerd’ and ‘pangit’, she’s really turning back my temper.”
“Ate, past is past okay. Let’s just forget about the past. Ang importante ngayon ay nagkakasundo na rin kaming dalawa.”
“Fine, it’s your life though, not mine. Pero nakikita ko naman sa mukha mo ngayon ang kasiyahan, kaya okay na rin sa akin yun, kakalimutan ko nalang na palagi kang nilalait ng babaing iyon. Ang importante ngayon ay masaya na ang kapatid ko sa piling ng kanyang asawa.”
“Thank you ate.” He smiled to her.
TINATAKBO ni Bella ang buhangin sa Alfonso Resort. Habang nakangiting kinakawayan si Matt. Inimbitahan kasi sila ni Samantha na makipag-bond sa kanya, ngayong nasa Pilipinas na siya. Namiss kasi niya ang magandang tanawin ng resort lalong-lalo na ang mga naggagandahang mga pine tress sa paligid nito at higit sa lahat ang sarap ng simoy ng hangin.
Lumapit si Samantha kay Matt, habang nilalaro nito ang puting buhangin na nakangiting pinagmamasdan ang kanyang asawang libang na libang sa kanyang ginagawa habang nagpapalipad ng sarangula.
Nagkibit balikat siya at umupo sa buhangin katabi ni Matt. “Why don’t you go with her.” anito. “I’m pretty sure. This will be your most unforgettable moment with your wife.” dugtong nito.
Ngumisi siya. “Yeah, right ate. Ito ang pinakamasayang araw ko, habang nakatingin sa kanya na masayang-masaya sa kanyang ginagawa.” tinitigan niya ang kanyang kapatid. “Bakit mo nga pala kami sinama dito?” pagtataka niya.
Napabuntong hininga ito. “I just want to know your wife better Matt. Pero sa nakikita ko ngayon, I think she’s a nice girl, and she really deserves to be your wife. Mabait naman pala si Bella siguro nagiging monster lang siya sayo noon, for some reasons.”
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Nerd
RomanceSa dalawang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Hindi parin napapawi ang galit at puot sa puso ni Bella sa kanyang asawa na si Matt. Ipinangako na niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hinding-hindi siya iibig sa kanyang asawang nerd. N...