11

4.8K 105 24
                                    

Chapter 11

“Besy!” isang nakakabinging tili ang ibinigay sa kanya ni Lea ng makita siya nitong papasok sa loob ng mall. Nang makalapit ay nagmumukha na itong kabuti sa higpit ng pagkakayakap sa kanya.

“Nakakagulat ka naman besy, ba’t ang saya mo ata ngayon?” pagtataka ni Bella sa kaibigan na mukhang mas excited pa sa kanya. Ngayon kasi ang araw nang usapan nilang dalawa ni Lea na ipagtatapat na niya ang namamagitan sa kanilang dalawa ng kanyang asawa. Hindi na niya kayang palalampasin ang pagkakataon na ito, kaya ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Alangan naman magpapangap parin siyang hindi niya mahal ang asawa niya sa harap ng kaibigan niya e iyon ang sinisigaw ng kanyang puso.

“Wait best? Why are you so happy today?” nagkibit balikat siya habang ipinapakita rito ang kanyang napakasayang mukha.

“Look best!” sigaw nito sabay lahad sa daliri nitong may suot na diamond ring.

“Oh my God!” she responded surprisely, sabay yakap sa kanyang kaibigan. “Congratulations.” She whispered sabay kawala sa mga bisig nito.

“Ka-kailan pa iyan? Ba-bakit hindi mo man lang ako ipinakilala sa boyfriend mo?” she surprisely added, habang hindi parin nakakapaniwala sa mga nangyayari.

“Hmm…besy wait…” dumestansiya ito sa kanya ng kunti at tinitigan siya mata sa mata. “What…what are you trying to say best?” nangamot ito sa balikat, at bumuntong hininga. “Teka…nagugulohan ako sa sinasabi mo best eh!”

“Why?” pagtataka niya. “You’re getting married right?”

“WHAT!” protesta nito sa kanyang sinabi. “My God besy, who’s the luckiest guy? Actually, matagal ko nang pinapangarap na bilhin ang sing sing na ito… ngayon lang ako nakahanap ng tiempo para bilhin ito. So…is it clear that I’m not getting married?”

Tumango tango siya at pinulupot ang kanyang kamay sa braso nito. “I had a good news best.” Panimula niya habang tinutulak ito sa loob ng isang fast food restaurant.

Pagka-upo nila doon ay agad niyang inayos ang kanyang sarili at napabunton hininga saka ngumiti muli sa kaibigan. “Kami na ni Matt!” kinikilig niyang balita rito.

“Oh my…” napatakip ito sa bibig na mukhang hindi makapaniwala sa nabalitan. “Oh my God!” hiyaw nito. “So, kayo na talaga ng husband mo? Wala na talagang world war three na nagaganap sa pagitan ninyong dalawa?”

Tumango tango siya, na hindi parin maiguhit ang saya sa kanyang pisngi.

“I’m so happy for the both of you best. I’m pretty sure that Matt won’t hurt you kaya matagal na akong nagdadasal na sana matutunan mo na siyang mahalin dahil alam ko na kay Matt mo mahahanap ang pagmamahal na matagal mo ng hinahanap. I know your relationsip between him is not that easy, but I know that both of you…no…only you have finally appreciated his love.”

“Tama ka diyan, kaya nga hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito na ngayong magkasundo na kaming dalawa ni Matt.”

“Tama ka diyan besy, and I hope na sana, yan na talaga ang makakapagpasaya sayo.”

Hindi siya sumagot kapagkuwan ay nginitian niya ito at tumayo.

“Mag-o-order muna ako best, anong gusto mo?” tanong niya sa kaibigan habang nakatayo sa harap nito.

“Uhm…burger nalang best, I’m on my diet.”

Tumango siya at agad nagtungo sa counter ng bigla siyang mabungo ng isang lalaking kakapasok palang sa loob ng restaurant. May kataasan ito na mukhang nasa pagitan ng five-eight o six na pariho ang tangkad sa kanyang asawa.

Marrying Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon