10

4.6K 85 4
                                    

Chapter 10

NAPATIGIL sa paglalakad si Bella, ng biglang tumunog ang kanyang naapakang plastic duck baby doll, agad niya itong dinampot at napa-isip kung saan nangaling ang laroang iyon. Matagal rin siyang napatitig sa laroan at napa-isip kung kanino ang mga iyon ng  may maaninag siyang isang malaking kahon, napakunot ang kanyang noo, at iniwan ang laruan sa taas ng lamisa. Nilapitan niya ang kahon, at binuksan iyon. Laking gulat niya ng makita ang napakaraming mga baby stuff sa loob, mayroon ring mga damit pambata at mga diaper. 

“Manang Pasing, kanino po ba ang mga baby stuff na ito? At bakit nandito sa sala?” tawag niya sa katulong habang naguguluhan parin.

Dali-dali naman siyang nilapitan ng matanda na nakangiti, at agad siyang niyakap ng makalapit ito. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata, sa ikinikilos ng matanda.

“Congratulations, hija. Bakit hindi mo man lang ibinalita sa amin na tatlong buwan kana palang buntis.”

Lalong nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng matanda. A-a-anong buntis? A-anong buntis ang ipinangsasabi ni Manang Pasing, bakit niya sinabi yun? Eh! Hindi naman ako buntis. Muling nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang isang panyayari. “Actually mom, dad. That’s the good news, and because today is the special day of my mayonnaise, I’m proud to say that I’m already seven days pregnant.” Nakangiti niyang wika sa mga ito, na mukhang hindi nagsisinungaling.

Agad pumasok sa kanyang isipan ang eksenang iyon. Pero pano, naman nalaman ni Manang Pasing ang insidenting iyon? Pagtataka niya.

“Kung hindi lang dumating sina Donya, dito kanina. Siguro hanggang ngayon hindi ko pa alam na buntis kana pala hija. Kaya masayang masaya ako para sa inyong dalawa ni Matt.” Dugtong ng matanda, sabay hawak sa kanyang tiyan. Mukha pa siyang nagulat sa ginawa ng matanda, pero kala-unan ay sumunod nalang siya sa eksena nito.

“Ha-ha, o-oo nga po Manang eh! Salamat sa diyos. Ha-ha.” Platik niyang sagot sa matanda. Diyos ko, ano ba ‘tong gulong napasokan ko. Tatlong buwan talaga! Pa-pano ko sasabihin sa kanila, na puro kasinungalingan lang ‘yong ibinalita ko kina mommy! Diyos ko, tulongan niyo po ako.

“Oh! Ba’t ang saya ata ni Manang ngayon?” pagsali ni Matt sa eksena. Agad naming napalingon sina Bella at Manang Pasing sa dereksiyon niya.

“Hay! Sino ba ang hindi magiging masaya niyan, hijo. Eh! Soon to be father kana pala?” ani ng matanda.

Napakunot naman si Matt sa kanyang noo. “A-ano po ang ibig niyong sabihin Manang?” pagtataka niya.

“Hay! Deny-deny kapa diyan, eh! Pariho naman nating alam na buntis na si misis.” Paliwanag ni matanda.

Biglang napatingin si Matt, sa dereksiyon ni Bella na mukhang kinaka-usap ang asawa kung ano ang pinagsasabi ng matanda. Agad namang kina-usap ni Bella si Matt, gamit ang paggalaw ng kanyang mukha, at paglaki ng kanyang mata. Na mukhang ipinaparating niya sa asawa na makisabay nalang sa matanda.

“Ah! Ha-ha, o-opo Manang Pasing. Surprise lang sana yun eh! Pero, nabalitaan niyo na pala.” Pahayag niya.

“Nasurpresa naman talaga ako hijo, eh! Noong dumating ang mga magulang ni Bella dito kanina, at inihatid ang gamit pambata, sabi nila habang three months palang ang tiyan ni Bella, eh! Mas mabuti na daw yang maagang bumuli ng mga gamit pambata para wala na kayong problema, pagdating sa kanyang kapanganakan.”

Lalong kumunot ang noo ni Matt sa pahayag ng matanda. Three months? Diyos ko, napakalaking gulo ito!

“Hijo, hija. Ilalagay naba namin ang mga gamit na ito, sa vacant room ng mansion, para gawin naming baby room?”

Marrying Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon