Chapter 14
“Hindi ko inaasahan na kasabay ng pagbabago ng itsura mo ay ang pagbabago din ng ugali mo. Hindi na nga kita kilala.” Ito ang mga katagang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni Matt noong sampalin siya ni Bella kanina.
“Haaaaaaaaaaaaah!!!” iwinaksi niya lahat ng mga gamit na nakapatong sa kanyang table sa opisina habang sinasabunutan ang sarili. Hindi niya sinasadyang pagsalitaan ito ng masama ang asawa. Nawala lang siya sa kanyang sarili kaya niya iyon nagawa. Pero hindi niya inaasahan na iyon ang lalabas sa kanyang bibig.
“Sir? A-ano pong nangyayari?” nanginginig ang tono ng boses ni Amy ng makita siya nitong nagwawala. Nagulat din ito sa naging itsura ng kanyang opisina.
Nilingon niya ito sabay suntok sa kanyang table.
Napapitlag ito sa takot, sabay takip sa bibig nito. “Si-sir? A-ano…”
“Leave…leave…” aniya sa mahinahong boses, habang hindi inaanintala ang mga dugong nagdadaluyan sa kanyang kamao.
Dali-dali naman itong kumaripas ng takbo dahil sa takot.
Dahan-dahang siyang napa upo sa sahig. Tahimik siyang humahagulhol sa pag-iyak. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin para humingi ng tawad sa kanyang asawa. Wala na siyang mukhang ihaharap rito pagkatapos ng kanyang ginawa kanina.
Maigi niyang pinagmasdan ang kanyang kamay na hanggang ngayon ay dumudugo parin. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang pinto ng kanyang opisina.
“Sir okay na po ba kayo?” anito sa kanya ni Amy ng makita siyang lumabas. Hindi niya ito pinansin at dere-deretso lang siya sa paglalakad habang tinatalian ng panyo ang kanyang kamao na dumudugo.
Natagpu-an nalang niya ang kanyang sarili sa isang bar naglalasing. Siguro ito na ang pinakamabisang paraan para kalimutan ang lahat ng mga nangyari kanina. Habang tahimik siya sa paglaklak ng alak ay may bigla nalang bumulabog sa kanya. Isang pamilyar na boses na mukhang nagwawala.
Hinanap niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon para makasigurado kung tama ba ang kanyang hinala. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nasaksihan. Nakita niya ang kanyang asawang nagwawala sa loob ng bar habang inaalalayan ng kanyang mga kaibigan sa ginagawa nitong kaguluhan.
“Anoh bah? Weleh keyong pake-alam kung anoh gusstoh kuh gawen. Walah.” Sigaw nito.
“Besy, ano ba? Lasing kana. Tigilan mo na ito.” Pag-aalala ni Lea.
“Bella, kanina ka pa nagpapaka lasing. Tigilan mo na ito sige na.” kumento naman ni Celine, habang inaagaw rito ang kanyang baso.
“Eh! Anoh pake-alam moh kung magpeke laseng akoh? Wala! Umales kanah, pabeyean mo nah akoh! Ales! Lahet kayoh pabeyean niyoh nah akoh, gusstoh kuh mapag-esa!” tinataboy nito ang kaibigan habang ito naman ay nagpapatuloy parin sa paglalaklak ng alak.
Akma sanang lalapitan ni Matt si Bella, ngunit may umagaw sa kanyang eksena. Bigla nalang sumulpot doon si Kevin para alalayan ang kanyang asawa. Nanginit ang kanyang buong katawan ng muling makita ang ‘HAYOP’ sa buhay niya.
Kinuyom niya ang kanyang mga kamay, at huminga ng malalim.
“MABUTI NAMAN AT NANDITO KANA KEVIN. Kanina pa namin siya pinapatigil pero hindi parin namin siya maawat.” Ani Celine.
“Ganun ba, sige.” Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Bella. “Bella, tigilan mo na ito. Hali kana.” aniya.
Bigla nalang itong nagwala, at pilit paring inaagaw ang bote ng alak.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Nerd
RomanceSa dalawang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Hindi parin napapawi ang galit at puot sa puso ni Bella sa kanyang asawa na si Matt. Ipinangako na niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hinding-hindi siya iibig sa kanyang asawang nerd. N...