Paunang Salita

219 0 0
                                    

SINASABING ang Pilipino ay kabilang sa mga dakilang mangingibig sa daigdig. Totoo nga marahil. Katunayan, ilang beauty queens na ang napaibig at napangasawa ng mga Pilipino.

Ngunit may mga indibiduwal na Pilipinong ang problema ay kung paano lumigaw at magpaibig. Para sa kanila ang aklat na ito.

Sa simula pa lang, laging isaisip na hindi pare-pareho ang mga babae. Ang bawat babae ay isang indibiduwal, iba kaninuman. Dahil dito, walang iisang tiyak na paraan, maraming taktika, maraming istilo. Ang isang paraang uubra sa isang babae ay maaring pumalpak sa ibang babae.

Sa isang bagay lang magkakapareho ang mga babae. Ito ay ang pagkakaroon nila ng damdaming babae. Ang babae'y umiibig ng higit sa nakikita ng mga mata, higit sa pisikal, tagos sa panlabas na kaanyuan ng lalaki. Ito ang dahilan kung bakit may pangit na lalaking nakakapagpaibig ng magandang babae. Ito rin ang dahilan kung bakit parehas lang ang tsansa ng mga lalaki sa pagpapaibig sa babae.

Ano kung gayon, ang susi ng tagumpay sa pagligaw?

Kailangang makuha ng lalaki ang damdamin ng babae!

At paano naman ang pagkuha sa damdamin ng babae?

Ito ang nilalaman ng aklat na ito.

---Ang Sumulat

Pagligaw at PagpapaibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon