Mga "Armas" sa Pagligaw at Pagpapaibig
ANG pagligaw ay nauuwi sa tagumpay o pagkabigo. Sa pag-ibig, ang magtagumpay ay kaligayahan. Kung ikaw ay manliligaw, tungkulin mo sa sarili, kung gayon, ang magtagumpay.
Paano mo mapapalaki ang tsansa mong magtagumpay?
Una, dapat mong malaman --- at dapat na mapasaiyo --- ang iyong mga kailangan sa pagligaw. Mahirap kung wala ka nito. Kailangang handa ka para makatiyak ng panalo. Siguruhan, 'ika nga.
Kumbaga sa giyera, dapat may armas ka.
Sa pagligaw, ang mga "armas" na kailangan mo --- at pare-parehong importante ito --- ay: panahon (time), kalayaan sa pagkilos (freedom of action), kaunting pera (some money), tamis ng dila (the gift of gab), imahinasyon (imagination), pagtitimpi (self-control), bahagyang kalupitan (a certain amout of cruelty), kaunting kaalaman sa pag-arte (a bit of acting capacity), ingat at kaalamang maglihim (discretion), mabuting panlasa (some taste), pribadong lugar na "pugad ng pag-ibig" (bachelor's pad).
Marahil napansin mo, hindi nabanggit sa listahan na kailangan mong maging matangkad, guwapo, bata, laging pustura, suwabe sa pagkilos, mayaman at matalino. Ang lahat ng ito'y makatutulong, siempre, ngunit hindi napakahalagang tulad ng mga inisa-isa sa itaas.
At, oo nga pala. Kailangang gusto mo ng babae. Yung talagang gusto. Yung talagang nasisiyahan ka sa piling nila, hindi upang patunayan lang sa iba na kaya mong magpaibig o para ka makapagyabang. Ang mga babae ay sensitibo, matalas ang pang amoy sa lalaking nagluluko lang.
Pero, walang problema sa bagay na ito: halos lahat ng lalaki'y gusto ng babae, at ang pagkakaroon mo ng interes na basahin ang librong ito'y nagpapatunay na gusto mo ng babae.
Pag-aralan nating isa-isa ang iyong kailangan sa pagligaw.
-----
Panahon
Kung gusto mong maging matagumpay na mangingibig, kailangang mag-ukol ka ng panahon sa pagligaw. Hindi napakadali ang magpaibig. Kailangan mong mag-ukol ng iyong panahon, ng maraming oras, sa pagligaw.
Ang mga babae ay madaling mabagot. At kasama sa kanilang pagkabagot ang pagkainis. Upang huwag silang mabagot, kailangan nila ang atensyon sa tuwi-tuwina. Kaya kung ang nililigawan mo'y napag-uukulan mo ng iyong panahon --- halimbawa'y paglabas-labas sa kanya, pagsama-sama sa kanya sa pagkakataong ng kanyang pag-iisa, kung magagawa mo siyang maging abala at nasisiyahan sa inyong pag-uusap --- nakakalamang ka na sa iyong mga karibal.
Totoo ito kahit kaninong babae, dalaga man o may-asawa. Ipagpalagay nang mahusay ang pagsasama ng isang mag-asawa, na guwapo ang lalaki, matalino at masarap magmahal. Ngunit kung sa buong linggo'y abala ang lalaki sa negosyo at mga kumperensiya o pulitika at halos wala nang oras para sa asawa, hindi malayong umibig ang babae sa unang lalaking makapag-uukol ng maraming panahon sa kanya. Maging sa kasaysayan ay maraming kaso ng babaing asawa ng importanteng tao na natutong umibig sa ibang lalaki dahil napapabayaan sila. Nariyan, halimbawa, si Josephine, ang asawa ni Emperador Napoleon; si Guinevere, ang reyna mismo ni Haring Arthur. Dito din sa pilipinas ay nangyayari ang ganito, lalo na't marami sa kababaihan natin ang hindi nagsisipagtrabaho. Mas madaling mabagot at mas madaling paibigin --- ang mga babaing hindi nagtatrabaho kaysa mga nagtatrabaho.
Paano, kung talagang wala kang maraming oras na maiuukol sa nililigawan mo? May remedyo. Ipadama mo sa kanya na nasa malapit ka lamang, nasa piling niya, kahit ito'y totoo lamang sa kanyang isip. Kahit di ka nakikita, nandoon ka lang at hindi lumalayo. Hangga't magagagawa mo'y gumawa ka ng mga paraan para maalala niya.
BINABASA MO ANG
Pagligaw at Pagpapaibig
RomanceSa panahon ngayon, kaya na ng mga babae ang ginagawang trabaho ng lalaki: Tanggap ito ng marami. Ito lang yata ang di nila kayang gawin, "Ang Manligaw"