Huwag mong akalaing tapos ka na sa pagpapaibig sa sandaling pumayag ang babae na isuko ang sarili at magkasama na kayo sa isang pribadong lugar. Para sa babae, tuluy-tuloy ang pagpapaibig. Kahit nagsasarili na kayo sa kuwarto, maari pa siyang umatras pag di mo itinuloy ang pagpapaibig sa kanya. Ang pagpayag niya ay unang hakbang pa lang. Tiyakin mong matuloy iyon.
Pag-aalis Ng Damit
Paano? Simulan mo sa pag-alis ng damit niya. Hindi ikaw ang dapat mag-alis ng kanyang damit. Dapat kayong dalawa, o siya lang mag-isa.
Gamitan mo siya ng psychology. Sa iyo ang unang kilos tungo sa pag-aalis ng kanyang damit. Ngunit hindi ikaw ang magpapatuloy, kundi siya. Kunin mo ang kanyang kooperasyon at ilagay mo siya sa katayuang wala siyang magagawa kundi ang ituloy ang iyong sinimulan.
Ganito, halimbawa. Nakaupo kayo sa sopa, kapwa pa nakadamit, magkayakap at naghahalikan. Ngayon, dumating kayo sa sandaling iniisip mong dapat na kayong humakbang ng isa pang hakbang. Ibig sabihi'y kailangan na siyang mag-alis ng damit. Sa halip na damit (blusa o palda) ang puntiryahin mo, ihagod mong pababa ang iyong kamay hanggang sa kanyang paa. Alisin mo ang isa niyang sapatos at ilagay mo ito sa malayo sa kanya, yung hindi niya maaabot, puwera lang kung tatayo siya.
Hayaan mong suot pa niya ang isang sapatos. Hayaan mong siya ang gumawa ng susunod na pagkilos. Sa simpleng paraang ito. Maipahihiwatig mo sa kanyang sinisimulan mo na ang pag-aalis ng kanyang suot. At hindi siya makatatanggi. Sapatos lang naman ang inalis mo.
Siya naman ngayon ang kikilos. Ano ang gagawin niya? Tumayo at kunin ang kanyang sapatos para isuot uli? Manatiling isang paa ang may sapatos? Siempre hindi. Malamang, aalisin na rin niya ang natitirang suot na sapatos.
Isang bagay ang iyong napatunayan dito: magagawa mong simulan ang pag-aalis ng kanyang suot, at maitutuloy niya ito sa sariling kusa.
Ipagpatuloy mo. Kung siya'y naka-stockings, hilahin mo ang isa pababa hanggang sa tuhod at bitawan mo. Siya na mismo ang magtutuloy na mag-alis nito at ng isa pa.
Ang pagsasabi sa kanya ng totoo, na makatutulong sa iyo sa pag-aalis niya ng damit, ay maari mong gamitin sa mga tamang pagkakataon. Halimbawa'y nakadamit siya ng makapal:
"Napakainit. Sa kapal ng suot mo'y tiyak na pinagpapawisan ka na. Alisin mo na lang."
O kaya:
"Baka malukot ang iyong damit. Lukot na yan mamaya pag-alis natin. Isampay mo muna rito sa upuan."
May babaing mas gusto ang may suot pa rin kahit papano kahit nakikipagtalik. Sa unang pagkakataon ay pagbigyan mo, ngunit hindi na sa susunod. Ang pinakamabuting paraan ay ipakita mo sa kanyang nagtataka ka, bahagyang natatawa sa kanyang pagkamakaluma. Sapat na ito para alisin niya ang lahat ng kanyang damit.
May babae ring mas gustong siyang mag-isa ang mag-alis ng kanyang damit. Tatalikod siya sa lalaki habang ginagawa ito, bagaman sa bandang huli ay gustong pinanonood siya. Hayaan mo siya sa kapritso, at manood ka na lang.
Kung sabay kayong maghuhubad, unahin mo ang iyong sapatos at medyas. Isunod ang pang-itaas. Kung ikaw ay nakasando, pangalawa ito sa huling aalisin. Ang pinakahuli, siempre ay ang iyong shorts o brief. Ang iyong relo, kwintas at iba pang alahas, kasama maging ang singsing, ay dapat wala na sa katawan bago pa ang damit.
Hindi kailangang mag-alis ka ng lahat ng iyong damit ng tuluy-tuloy, liban kung iniwan ka niyang mag-isa at pumasok siya ng banyo upang dito mag-alis ng lahat ng kanyang damit. Tiyakin mong gayon nga ang gagawin niya sa banyo, kundi lalabas kang katawa-tawa. Baka pagbalik niya'y nakadamit pa rin siya, samantalang ikaw ay hubad na hubad na. Kung magkasabay kayong maghuhubad, manaka-naka'y tumigil ka upang hagkan o tingnan siya. Ikasisiya niya ito at higit na makapagpapaalab kapwa sa inyong pag-ibig sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Pagligaw at Pagpapaibig
RomanceSa panahon ngayon, kaya na ng mga babae ang ginagawang trabaho ng lalaki: Tanggap ito ng marami. Ito lang yata ang di nila kayang gawin, "Ang Manligaw"