ANG plano ng atake sa pagpapaibig ay depende kung sino ang babae.
Bawa't babae ay may kakanyahan na iba sa lahat. Ang taktikang ginamit para paibigin ang unang babae ay maaring hindi na umubra sa pangalawa.
Maraming taktika sa pagpapaibig. Narito ang ilan sa pinakamahusay na karaniwang ginagamit at paulit-ulit na napatunayang epektibo:
Taktikang Magsaya-Tayo-Kapwa
Ito ang pinakamadali at pinakakasiya-siya. Magagamit mo ito sa mga masayahin, mababaw, kalat-ang-isip (scatterbrain) at extrovert na mga babae. Sila yung matatagpuan mo sa mga bakasyunan kung tag-araw, sa mga karnabal, sa pistahan, sa mga piging at mga pagtitipon.
Sa ganitong babae, huwag kang magpakalalim. Manatili ka lang sa ibabaw at lumipat sa iba.
Linawin mo sa kanyang gusto mo siya, talagang gusto mo, ngunit hindi mo siya iniibig. At hindi mo rin naman inaasahan na iibig siya sa iyo. Kapwa hindi ninyo tinatalian ang isa't isa. Magkaunawaan kayo sa sandaling matapos ang inyong kaugnayan, na sa malao't madali'y tiyak na darating, ay hindi na ninyo susundan pa. Sisikapin mong huwag na siyang makita at ganoon din ang inaasahan mong gagawin niya.
Huwag kang magsabi sa kanya ng maraming bagay tungkol sa iyo at huwag mo ring alamin ang maraming bagay tungkol sa kanya, sa kanyang pamilya, sa kanyang nakaraan, atbp. Kung magkakasundo kayo sa ganitong relasyon, mas gugustuhin niyang hindi mo siya talagang kilala. Isang halimbawa nito ang napakabilis at kasiya-siyang naging relasyon ng isang kaibigan ng sumulat nito at ng isa sa pinakasikat nating mga modelo. Napaibig ng lalaki ang modelo sa pagkukunwa lamang na hindi niya nakikilala kung sino ito.
Ang magagawa mong ipahiwatig at kailangan mong ipahiwatig ay may asawa ka o may nobya o may babaing nagmamahal sa iyo at wala kang balak na iwan ito dahil kasiya-siya ang inyong relasyon. Ngunit, bakit pa? May tatlong dahilan:
a) Ang mga babae, tulad ng mga lalaki, ay higit na naaakit ng mahirap kaysa madali. Kung alam niyang ikay ay "may tali" at hindi malaya, makadarama siya ng higit na kasiyahan at pagmamalaki sa mga pagpansin at panahong iuukol mo sa kanya. Tuwina'y masarap isipin na mayroon siyang tinatalo sa anumang bagay, kahit hindi niya kilala o nakikita.
b) Sa pagkatiyak na ikaw ay nakatali na sa iba, mayroon na siyang garantiya na hindi mo siya guguluhin pagkaraang maputol ang inyong maikling relasyon.
c) Sa 95% sa ganitong mga kaso ay may asawa rin siya, may nobyo o nakatakda nang ikasal. Kung siya man ay magtataksil, pareho lang kayo. Makakatulong ang gayon sa pagpapagaang ng kanyang isipin na siya'y nagkakasala at mahihikayat mo siya na ipagpatuloy ang inyong mababaw, maikling relasyon.
Hangga't magagawa mo, huwag kang babanggit sa kanya ng anuman tungkol sa inyong pag-iibigan. Ngunit hanga't magagawa mo, maging madalas ka sa piling niya, panatilihin mo siyang abala, ipanood mo siya ng sine, isama sa mga nightclub, ipasyal mo at gawin mo ang iyong makakaya para masiyahan siya. Madalas mo siyang bigyan ng maliliit, di-mamahaling mga regalo: isa o ilang piraso ng paborito niyang bulaklak, isang kahon ng tsokolate, isang libro, isang munting souvenir na hindi mahal ngunit may masayang kahulugan sa inyo at mga katulad.
------
Taktikang Ikaw-Ay-Mainit
Tulad ito sa nauna, mababaw lang ang relasyon. Alam ninyo pareho na panandalian lang ito. Ang interes ninyo ay sex. Hindi ninyo tatalian ang isa't isa, walang sentimental na damdaming mamamagitan sa inyo. Kapwa kayo magkakaintindihan na gusto ninyo ang "init" ng isa't isa at liban dito'y wala na. Magagamit mo ito sa mababaw, di-romantika, matigas ang loob at likas na "mainit sa sex" na mga babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/7481133-288-k868959.jpg)
BINABASA MO ANG
Pagligaw at Pagpapaibig
RomanceSa panahon ngayon, kaya na ng mga babae ang ginagawang trabaho ng lalaki: Tanggap ito ng marami. Ito lang yata ang di nila kayang gawin, "Ang Manligaw"