7 Deadly Sins 11
*
BLAIRE's POV:
Iniuntog ko ang ulo ko sa desk ko dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko.
"What's the matter Ms. Evangelista?" Tanong sa akin ng proctor naming si Mrs. Tugas.
"W-wala po Ma'am." Nahihiyang paumanhin ko at yumuko na lang.
'Gosh! Bakit pa kasi ako napasok sa ganito?' Pabulong kong tanong sa sarili ko.
"If you can't answer anything, ipasa niyo na at huwag gumawa ng kung anu-ano sa upuan niyo! Maliwanag!" Napaupo ako ng unat dahil sa sobrang gulat sa pagsigaw ni Mrs. Tugas sa tabi ko. Halata namang ako yung pinariringgan niya.
Kasalukuyan na kasi ang mock exam namin at nasa huling item na ako kahit pa man nasa higit kalahati pa ng nakatakdang oras ang mayroon ako para tapusin yun.
'100. Find the series for sinx by differentiating the series of cosx.' Basa ko sa pinakahuling item ng exam. Madali lang naman yung mga tanong pero nakakapagtaka na halos lahat ng classmate ko ay halos buong mukha na ang lukot sa sobrang pag-iisip.
Nangalumbaba na lang muna ako at tumitig sa kawalan. If I answer the last item right ibig sabihin bukas na bukas rin ay nasa highest section na ako but if I won't it mean na stuck ako rito then surely Jaden and Zachy will make a move for because of what happened last week.
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang tamang gawin.
For the past days na sinasama ako ng Death Gang sa lunch nila ay nakikita ko ang mga tunay nilang ugali. Oo, masasabi kong taliwas sa mga iniisip naming mga estudyante ang mga nakikita ko sa kanila pero naiilang parin talaga ako sa kanila.
Bridgette is the serious type, Jaden the bubbly in the group, Adrianna is the maldita, si Dione naman ay happy-go-lucky lang, as usual si Zachy ay pacool lang sa grupo, si Sidd naman ay yung bored look lagi in short, tamad siya.
The twins? Well, I can say na si Kuzzey ay ang prinsesa, mabait and the mahinhin type na sentro ng buong Death Gang while her twin is the bossy and suplado type. Isa pang gusto ko kay Kuzzey ay ang kulay asul niyang mata na mas kumikinang sa tuwing ngumingiti siya. Emp's eyes is pitch black which is I found unusual. Kambal sila pero bakit si Kuzzey lang ang may ganung kulay ng mata?
Marami pa akong nakita na mga ugali at habits nila but so far, those are the characteristics na sobrang nangingibabaw sa kanila.
They are a great group pero natatakot akong mapalapit sa kanila. I don't know what to do and how to handle large group as them at wala pa doon ang katotohanang kakaiba ang grupo nila sa lahat.
Masaya naman ako na nakilala ko sila pero may takot parin ako sa kaloob-looban ko. natatakot akong kamuhian nila ako oras na malaman nila ang buhay ko noon. I can't imagine how will they react once they discover it.
"Stop thinking. Who knows, you might be the light that they needed in order for them to walk in their dark past." Bigla ay sabi ni Eno kaya napatingala ako sa kanya. Nakatayo na pala siya sa tabi ko at seryoso lang na nakatingin sa akin.
"What are you doing Mr. de Gracia!" Sigaw na naman ng proctor namin kaya napalingon lahat sa amin, girls are glaring me again for an unknown reason.
"U-ui, a-anong ginagawa mo?" Tulirong tanong ko pero seryoso parin ang ekspresyon niya.
Napasinghap na lang ako nang bigla ay hablutin ni Eno ang answer sheet ko at naglakad na papunta kay Mrs. Tugas at ini-abot na ito.
"Y-you're done?" Tanong nito kay Eno.
BINABASA MO ANG
Seven Deadly Sins
ActionIt is the sequel of Demon Princess: The Gangster Queen ----- Teaser: "You won't beg." It's more of a statement than a question. "Begging is useless. You won't listen anyway and I'm not afraid of death." She manage to smile sweetly kahit pa man nakak...