7 Deadly Sins 23*
Cutievyen's note: Honestly speaking, muntikan akong hindi nag-update ngayon dahil sa isang rant na nabasa ko attacking gangster/mafia genre kaya ginawa ko, nagbasa muna ako ng comments niyo para lumamig ulo ko. Thanks sa pagsuporta parin sa cliche na raw na stories ng action. Love you guys, kayo ang dahilan at inspirasyon ko sa pagsusulat.So heres the update, enjoy!!!
*
"Ano ba! Bakit ka ba nakabuntot sa akin!" Inis na bulyaw ni Jaden kay Andrei na nanatili lang na nakangisi sa kanya.
Tapos na ang unang araw ng training nila. Bagama't marami silang ginawa ay hindi pa nila masyadong iniinda ang pagod. Nagsisimula pa lamang ang linggo at alam nilang lahat na paparating pa lamang ang totoong training nila.
"Ha! Ako nakabuntot sa'yo? Ano yan, nanaginip ka ng gising? Dito kaya ang daanan papunta sa dining area," mabilis na sagot nito sa kanya.
"E di, gora! Mauna ka ng pumunta doon." Nakahalukipkip na wika naman ni Jaden tsaka sumandal na muna sa pader.
"E di wow! Mauuna na talaga ako. Sa katakawan mo ba namang 'yan. Mahirap na baka maubusan kami ng pagkain."
"Gunggong! Ako matakaw? Baka naman sarili mo ang tinutukoy mong gorilla ka! Ikaw kaya itong atat na makarating roon." Muli ay sumbat ni Jaden.
"Wow hah! Nahiya naman itong katawan ko sa'yo, Babs. Gorilla? May Gorilla bang ganito kagwapo?"
"Stop calling me Babs! Hindi ako baboy! Gwapo? Ulol! Mula ulo mukhang puwet ka!"
"Puwet ba kamo? Tsk, eh bakit ba tulo ang laway mo kanina?"
Balewala lang sa kanilang dalawa ang magsigawan roon lalo pa't sanay na rin naman ang mga nakakakita sa kanila na madalas magbangayan pero hindi parin maiiwasan na mapatingin ang iba sa kanila. Halos dalawang taon na rin kasi ang lumipas mula nang huli nilang makita ang dalawa na nagtatalo.
"O shut up guys! Hindi ako napagod sa training pero pakiramdam ko naupos lahat ng lakas ko sa pakikinig lang sa bangayan niyo! 'Yan na ba ang heartwarming welcome niyo sa isa't isa?" nakairap na wika ni Adrianna sa dalawa.
Kanina pa siya atat na atat layasan ang dalawa pero sa kadahilanang nakaharang sila sa pasilyo ay tuluyan na silang nagkumpulan doon at nadamay na rin ang iba pa nilang kasama, kaya ang labas ay para silang nanonood na lang ng teleserye sa telebisyon.
"Sabihin mo yan sa Gong-Rilla mong kuya!/Si Babs ang pagsabihan mo!" Sabay na sumbat ni Jaden at Andrei kaya mas lalong nangunot ang noo ni Adrianna.
"Ano ba! Pwede namang huwag na lang kayong mag-usap o magpansinan, 'di ba?"
"Oo, tama ka diyan, lil Sis. Kaya sabihin mo diyan sa tabachoy mong kaibigan na libre magdiet, lumulubog ang mga naaapakan niya, e. Busy pa naman lahat ngayon, walang magpapantay," turan ni Andrei pero kay Adrianna ito nakatingin.
"Pwes, sabihin mo diyan sa Gong-Rillang 'yan na hindi ako tabachoy! Siya nga itong kasinglapad ng gorilla e. Dapat sa kanya, mamundok na lang at magpurga ng maraming saging!"
"*Censored* kayong dalawa! *Censored*! F*ck! Huwag niyo akong idamay sa mga kaartehan niyo sa buhay!" Namumula na sa galit na sigaw ni Adrianna nang makita niyang hihirit na naman sana si Andrei.
"Ikaw kasing baboy ka!"
"Gong-Rilla!"
"Arg! Ewan ko sa inyo! Nagmamahalan na nga lang kayo, nagsisiraan pa! Ano ba! Pwede namang magkaaminan na para tapos na!" Sigaw ni Adrianna.
BINABASA MO ANG
Seven Deadly Sins
AcciónIt is the sequel of Demon Princess: The Gangster Queen ----- Teaser: "You won't beg." It's more of a statement than a question. "Begging is useless. You won't listen anyway and I'm not afraid of death." She manage to smile sweetly kahit pa man nakak...