7 Deadly Sins 26
*
Blaire’s POV:
“If ever you enter a real fight, don’t ever dare to do what you did just now.”
Nanginginig akong napatingin sa kanya. I know it was my fault. Ramdam ko sa bawat atake niya sa akin ang kanyang galit. Naging mapahangahas ako. Gusto kong maiyak ngayon rin mismo ngunit ang hapdi ng sugat ko sa aking kaliwang balikat ang nanatiling paala-ala sa akin kung nasaan ako.
Hindi ako maaaring magpakahina ngayon. Kuzzey, Zachy, Darius and the others, they are all expecting me to give a good fight. I can’t be this weak.
“I-I’m sorry.” Tanging naibulong ko.
Pakiramdam ko nasusunog buong pagkatao ko sa bawat titig ng nagbabagang mga mata niya.“Next time you fight, never underestimate people. Give all what you have.” sunod na turan niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang iyon. Alam ko ang ibig niyang sabihin. She notice every single thing. Nakakatakot talaga siya.
“Pss, what a waste. Fighting someone who can’t see.” Narinig kong bulong niya habang naglalakad na palabas ng arena.Halos panghinaan ako dahil sa mga sinabi niya. No wonder they feared her. Hindi na ako maghahanap pa ng dahilan kung bakit ganun na lang siya tingalain ng lahat ng naririto ngayon. Kaya pala labis-labis kung mag-alala ang buong Death Gang sa akin. She’s not just somebody, she’s a beast.
The woman they called queen, Darius and Kuzzey’s mother, she’s fierce, she’s strong and most of all, she’s merciless. She immediately saw through my everything with just some minutes of fight.
“Blaire!”
“Ayos ka lang ba?”
“F*ck! Why the heck did you use that sword?”
“Nagpapakamatay ka ba, Blaire?”
Sa isang iglap ay napalibutan na ako ng buong Death gang. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nila .Hindi ko na rin halos maintindihan ang mga sinasabi nila.Mababakas ko sa mga itsura nila ang magkahalong galit at pag-aalala. I felt guilty. Nakalimutan kong may mga nag-aalala sa akin. I was selfish and-
“Damn!”
“Kuzzey, why did you do that?”
“T*ng-ina, Kuz!”
Napahaplos na lang ako sa pisngi kong napabaling dahil sa lakas ng sampal ni Kuzzey sa akin. Lahat kami natigagal. It was unexpected but somewhat it feels like I really deserve it.
“Kung may balak kang magpakamatay, huwag mong idamay si Mommy.”
Her voice was grim and emotionless. Her stares were piercing and I can’t even get the gut to face those.
“K-kuz-“
Napakagat labi na lamang ako dahil hindi ko makapa sa dila ko ang tamang kataga para sabihin.
“Damn! Don’t ever do that again, hindi ko alam ang gagawin ko ‘pag may nangyari na namang masama sa’yo.” She said in a very high tone, namumula ang kanyang mga pisngi at mata.
Niyakap niya ako bigla. She’s worried, they are all worried. Lahat sila nag-aalala sa akin ng sobra.
I choked, pakiramdam ko’y may bumabara sa dibdib ko. Ilang saglit pa’y naramdaman ko ang pagbasa ng mga luha ko sa aking pisngi.
“S-sorry, sorry! I’m so sorry.” Iyon na lamang ang nagawa kong masabi.
Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalala sa akin, pero hanggang kailan ito? Natatakot ako. The last time I felt so cared and loved, I lose them all. Napahamak sila dahil sa pagprotekta sa akin. And I am afraid this might happen again. After all, I’m a walking disaster.
BINABASA MO ANG
Seven Deadly Sins
AksiIt is the sequel of Demon Princess: The Gangster Queen ----- Teaser: "You won't beg." It's more of a statement than a question. "Begging is useless. You won't listen anyway and I'm not afraid of death." She manage to smile sweetly kahit pa man nakak...