7 Deadly Sins 37
*
Hindi alam ni Bridgette kung paano siya nakapunta sa lugar na ‘yon. Para sa kanya ang taong ‘yon lang makakaintindi sa kanya. Siya lang ang makakaintindi sa sakit na pinagdaraanan niya. She went there bare footed, magulo ang buhok at hilam ang mga mata dahil sa hindi matigil-tigil na pagluha nito.
She pressed the doorbell hoping that the man she’s looking for is there. She already pressed three times but nobody opened the door.
“Please, open it.”
“Please, I beg you, open the door.” Paos na ang kanyang boses. Hindi na niya halos marinig kung may lumalabas pa bang tinig mula sa kanya o wala na. But she still hoped. She kept on pushing the doorbell.
Halos mawalan na siya ng pag-asa na may magbubukas ng pinto. It’s almost 5 A.M in the morning. Lumipas pa ang ilang sandali’y sinukuan na niya ito. Paalis na sana siya nang bumukas ang pinto.
Pupungas-pungas na bumungad si Eno mula doon. Kunot ang noo nito at halatang inis dahil sa naudlot nitong pagtulog.
“It’s just 5 A.M. Ang aga mo mambulabog. Sh*t! What happened?!” Mabilis ang naging pagkilos ni Eno para alalayan si Bridgette.
“E-Eno.” Bridgette cried in his arms. Hindi niya kayang magpakatatag. Bugbog na bugbog ang puso niya at sa mga oras na iyon hindi siya makapag-isip ng maayos. She wanted to end her misery. She wanted to die.
Inalalayan siya ni Eno papasok sa kanyang condo hanggang sa may sofa. Iniupo niya si Bridgette doon upang makapag-usap sila ng maayos.“Hey, stop crying. Bakit? Anong nangyari?” Pilit na inaalo ni Eno si Bridgette. Nang hindi parin ito tumahan at halos hindi na makahinga dahil sa kaiiyak ay mabilis na sumaglit si Eno sa kusina para kumuha ng tubig.
“Shhh, it’s okay. You’re safe here.” Alo ni Eno kay Bridgette pero mas umiyak lang lalo ito. Hinayaan niyang uminom muna ito saka muling nagtanong.
“Tell me, Gette. What happened?”
“D-Dione, H-he-“
Hindi halos mabigkas ni Bridgette ang mga salitang gusto nitong sabihin dahil sinasabayan ito ng kanyang pag-iyak at pagsinok. Hindi niya halos magawang makabuo ng konkretong sagot para kay Eno. Sa huli’y hinawakan na lamang nito ang kanyang humahapding pulso para haplusin ang namumula at puno ng galos. Napadako roon ang mga mata ni Eno.
“Sh*t, Gette! Who did this to you?”
Hinuli ni Eno ang pulso ni Bridgette upang matitigang mabuti iyon. Sunod nitong tinignan ang paa ni Bridgette na ganoon rin ang itsura, pulang-pula ito at may kaunting sugat. Halata ang mahigpit na pagkakagapos sa kanya.
Nag-aalalang hinaplos ni Eno ang mukha ni Bridgette na basang basa ng luha. “Gette, calm down. You have to tell me what happened.”
“D-Dione, he did this to me. H-He -“
Hindi matapos-tapos ni Bridgette ang gusto nitong sabihin pero naging sapat na ‘yon upang makuha ni Eno ang pangalan ng taong dahilan kaya nagkakaganun ito.
Inabot ni Eno ang kanyang cellphone saka nagdial. “Sweet pie. Come here immediately. Gette is here, she’s crying.”
Matapos nun ay nilapitan niya si Bridgette at umupo sa tabi nito saka mahigpit na niyakap. “Hush, everything will be alright. Let’s wait for Leigh. She’s coming here.”
“Dione he-“ Pilit na nagpaliwanag si Bridgette pero halos walang boses ang lumalabas sa kanya. Paos na rin ito at hirap na hirap huminga.
Inilagay ni Eno ang daliri nito sa labi ni Bridgette upang pigilan ito sa pagsasalita. “You don’t have to explain right now, Gette. I understand already. You have to rest.”
BINABASA MO ANG
Seven Deadly Sins
ActionIt is the sequel of Demon Princess: The Gangster Queen ----- Teaser: "You won't beg." It's more of a statement than a question. "Begging is useless. You won't listen anyway and I'm not afraid of death." She manage to smile sweetly kahit pa man nakak...