44

1K 32 2
                                    

44: The Pageant.

"Bat iba ka sa lahat ng nakilala kong babae? Yan tuloy. Ikaw ang napili ng puso ko para ibigin."
"A-anong ibig mong sabihin, Dave?" Naguguluhang tanong ko.  "Di pa ba halata ang lahat ng efforts ko sayo?" Sincere na sabi niya.  "Efforts? Aling efforts? H-hindi talaga kita ma-gets. Wala akong matandaan."  "Ganyan ka naba talaga ka manhid Channel?!"  T-teka! B-bat alam niya ang pangalan ko?  "Anong ibig sabihin mong Manhid? Tsaka, ba't alam mo ang tutuong pangalan ko?" Naguguluhan na ako sa lahat.  "Channel, mahal kita... Mahal na mahal kita, pero parang... Hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sayo."  "Dave." Naluluhang sabi ko.  "Kung gusto mong di na ako aaligid sa buhay mo. Rerespituhin ko."  "Dave, Nado."  San ko ba nakuha ang salitang nado?  Ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "M-mahal mo rin ako?"  "O-ou Dave. Mahal na mahal."  Nilapit niya ang mukha niya sakin. Napapikit nalang ako ng mga mata.

*BLAAAAAAAG!!!*

"jamdks$&#%, Putspang Baka!!!" Habang hinihimas ang pwetan ko.  "Aish!!!"  Agad akong tumayo at umupo sa higaan ko. "Tangnang panaginip!!! Kung yun lang pala ang dahilan kong ba't nahulog ako sa kama di nalang sana ako nanaginip. And what's worst... Ang Eeeeew!!! Mahal Daw?! Napaka chocolate naman nun! Daig pa ang love story nila Khei at Calter! Sinasabi ko na nga ba! Panaginip lang yon!!!"  Pag mamaktol ko ditong mag-isa. Teka.. My forehead crease.  "B-bat..."   Mag rewind nga tayo sa mga pangyayari.

Kahapon. Nag practice kami kasama si Khei, Sir Air... Irene at Xen.   Nakita kong Naghihintay si Calter sa may bench para makasabay si Khei, lumakad na ako sa garage para maka uwi...
"N-nandun si, Dave sa garage at s-siya yong naghatid sakin papunta dito sa....."  Napatakip naman ako ng bibig. "Holy Moly!!" So ibig sabihin... Binuhat niya rin ako patungo dito sa kwarto ko?  Agad naman akong napatayo. "What the."  Tumakbo ako papuntang sala upang makasigurado. Pagdating ko doon, wala namang tao. "Teka, tutuo ba talagang hinatid niya ako at siya pa mismo ang nag-drive o resulta lang yon sa pagka pagod ko kaya nag deday dream lang ako?" Tanong ko sa sarili ko. "But, Ew! Bat naman ako mag dedaydream sa lalaking yon? Psh." Tumunog ang cellphone ko kaya bumalik ako sa kwarto.
Sinagot ko naman ito.
"Ano?"
"Alas doseng alas dose, high blood ka."  12:00 pm na pala? Sinulyapan ko naman ang relo na nakapatong sa study table ko. 12:03 pm.
"Ano nga sir?"
"Mag ready ka na para makapag prepare na tayo mamaya."
"Kailan ba magsisimula ang pageant?"
"Mamaya."  Napa face palm naman ako.
"What i mean, sir is. Anong oras?"
"Mga 08:00 pm."
Tumango naman ako kahit di niya kita. "Okay2. Bihis lang ako."
"Sige. Ba---"

Kinuha ko ang tuwalya ko. Napatigil naman ako kasi may nalaglag na papel.

Mamaya ka na maligo. Kumain ka na muna.
    -Dave-

Napa kunot naman ang noo ko. So nandito nga siya kagabi? I crumple the paper at nilagay to sa ibabaw ng study table ko. Pumasok ako sa banyo at naligo. Maya na yong kain. Ligo muna.

Pagkatapos kong naligo. Nagbihis na ako. Tinignan ko naman yong relo na nakapatong sa study table. 12:30 pm. Nahagip naman ng mga mata ko ang papel. Napangiti naman ako at naalala kong kumain na muna.

Pumunta akong kusina upang magluto. Kukunin ko na sana yong rice cooker nang may nakadikit na papel dito.

Pinag luto na kita. :) kumain ka ha?
   -Dave-

Ewan ko ba kung bat ako napapangiti ng lalaking to.

Kumuha ako ng plato, kutsara't, tinidor. Sa pinaglagyan nito. May nakadikit na namang papel.

Nasa mesa na ang ulam mo.
   Ako ang nagluto niyan. See ya later.
   -Dave-

Princess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon