Chapter One
Sab's PoV
Nasaan ako?
Isang madilim na gubat ang sumalubong sakin. Nakakatakot.
"Eshi..." Nakakapangilabot na tinig ang aking narinig ngunit....
*Krriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggg*
Napabangon ako mula sa pagkakahiga, anong nangyari? "Bwisit! Who set the alarm?" Nagpipigil ng galit kong tanong, dalawang pares ng mata ang tumigil at bored akong tinitigan. Ang isa ay may salamin.
"Kaninong alarm?" Shinsa boredly asked. At sinara ang libro,
Ginulo ko ang buhok ko at "Syempre akin." Iritable kong sagot. Fck that TWINS! Aren't they gonna answer me, instead of giving back questions? Frustrating!!
"Then we're out of it.'' Bwisit! Bastos kausap!
Bumangon ako, at sinuot ang isang pares ng tsinelas,
"Bat nga pala kayo andito? You both, get out of my room!" I screamed at them, at tinuro ang pintuan.
Tinanggal ni Shinsa ang salamin niya at bumaba sa couch, tinapik niya lang si Sham at sumunod na rin ito sa kanya at tahimik parehong lumabas. Aga aga, nambwibwisit! Imagine! 6 years old, SIX YEARS OLD, ganon ka cold at snob!
They're just my siblings, they're twins.
Tinungo ko na ang CR at naghilamos lang dun. Naalala ko, bukas na pala ang first day ng college life ko. May pasok na bukas. Dapat na ba akong mag panic? O mag overreact? Tsk. Dapat excited nalang nafefeel ko, pero badtrip ako! Nung tumapat ako sa salamin, nakita kong may drawings ang mukha ko, pakshet! Di man lang ako nagising habang pinaglalaruan nila yun mukha ko. Pesteng mga bata!!
Lumabas nako para kumain. Saktong pagbukas ko ay ang pagbukas din ng pinto ng kaharap kong kwarto which is yung kambal. I glared at them, anong nakuha ko? Taas kilay lang naman tsaka walk out. Napairap nalang ako. Walang kwenta! Akmang hahakbang nako ng hagdanan nang may naring akong pagsara ng pinto at pagtawag sa pangalan ko.
"How was your sleep?" Kumunot ang noo ko bago ako humarap sa lalaking mala demonyong nags-smirk.
"What the hell? Ikaw yung nag drawing sa mukha ko noh?" Tanong ko sa lalaking naka hood, at mukhang papaalis na. Kuya Just!
"Well, I didn't enjoy it, kasi nga di ako marunong magdrawing. Kaya naisip kong isa pang mabuting paraan para maaga kang magising." After all this time, pinaghinalaan ko ang mga inosente kong nakababatang kapatid sa akala kong sila ang may gawa, mali pala? And this monster!
"You're the one who set the alarm clock! Jerk! Fck you Just!" Actually, kapatid ko din yan, NAKATATANDANG KAPATID, pero lagi ko yang nakakaaway, bwisit yang baklang yan!