SOL:6

1.5K 67 14
                                    

Summer's POV

After 40 minutes nakarating na rin kami sa maginhawa. Hindi naman kasi ganun ka traffic at medyo malapit lang sa school namin.

Sa snacks and ladders namin napag desisyunan na kumain.

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso nagulat ako ng si DJ ang nag bukas. Sila Quen nakatingin saamin.

''Tha-nk you'' I told him.

''No problem'' Sabi niya.

''Ay grabe! Si Nadz,pinag buksan ng pinto ako hindi!'' Sigaw ni Yassi. Inirapan ko na lang siya. Si DJ naman napatawa.

Lumapit na ako kung saan sila Quen. Naka baba na rin sila.

''Ay grabe oh, may pa bukas bukas pang pintong nalalaman!'' Quen said.

''Iba talaga!'' Sigaw naman ni Liza.

''Ewan ko sainyo!'' Sigaw ko.

Napatingin naman ako kala James and Kath. Si James poker face lang, na parang walang pake. Si Kath hindi makatingin saakin.

''Wag niyo ng asarin sige kayo baka kayo ang kainin niyan'' Biglang asar ni DJ. Ano bang problema niya?

''Ayieee nag aasaran na ulit sila!'' Yassi said.

''Tse bahala kayo diyan'' I said then pumasok na sa loob. Sumunod naman sila saakin.

Hindi na kami dun sa may chairs pumwesto dun kami sa lapag uupo. Nag order na kami. Habang nag hihintay nag kwentuhan na lang kami.

''So Kath, ilang years na kayo ni James?'' Liza suddenly asked.

''Two years'' Kath answered. Two years din sila? Wow.

''Kelan anniversary niyo?'' Tanong ni Yassi.

''April 28'' Nagulat kaming lahat sa sinagot ni James.

Ibang klase ang tadhana.

Two years na rin dapat kami ni DJ.

And ang anniversary naman namin ay March 28.

''Grabe. Napaka coincidence'' Quen said.

''Coincidence? Why?'' Tanong ni James.

''Wala!'' Bigla kong nasigaw.

Kumunot naman ang noo ni James.

''Why? What's wrong?'' Nag tatakang tanong ni James.

Walang nag sasalita saamin.

''Oh andiyan na pala yung foods!'' Biglang sigaw ni Quen. Kaya biglang nawala yung awkward situation.

Kukunin ko na sana yung inorder kaso nagulat ako ng nahawakan ko ang kamay ni Thunder.

Dug.Dug.Dug.

Bat ganito yung nararamdaman ko?

''So-rry'' He said. Napatango na lang ako. Wala naman nakapansin saamin lahat sila busy sa pagkuha ng pagkain.

Nag start na kaming kumain.

Nakita ko naman si Thunder na sinusubuan si Kath.

Bat ganun? May naramdaman akong kirot sa puso ko.

Napatingin ako kay DJ. Ganun din kaya ang nararamdaman niya ngayon?

Paano ba maging Kath?

Bigla naman may dumating na ka schoolmate na medyo ka-close namin.

''Oh andito pala kayo!'' Sigaw ni Karen. Lumapit naman silang tatlo saamin.

''Hi!'' Bat namin sakanila.

''Nag kabalikan na kayo?'' Biglang tanong ni Marian saamin. Kahit wala siyang sinabing pangalan alam kong kami ni DJ ang tinutukoy niya.

Hindi kami makasagot.

''Grabe congrats! Omg yung OTP ko nagkabalikan na!'' Sigaw ni Alex.

Halatang halata sa muka ni Thunder na naguguluhan siya.

''No we're not'' Sagot ko.

Bigla naman silang na disappoint.

''Ay sorry akala namin. Kayo na ulit'' Marian said.

''It's okay'' DJ said.

''Sige alis na kami, bye!'' Paalam nila at umalis na sila.

Bumalik na lang sila sa pag kain. Si Thunder naman naka kunot parin ng noo.

''Guys restroom lang ako'' Paalam ko sakanila. Tumayo naman ako at pumunta ng restroom.

Pag labas ko nagulat ako sa nakita ko.

''DJ?''

''Nadz''

''Ano nanaman ba DJ?''

''May something ba sainyo ni James?'' Nagulat naman ako sa sinabi niya.

''A-no? Bat mo ba nasasabi yan?''

''Nakita ko yun kanina, Nadz.''

''Wag mong bigyan ng meaning yun DJ. Wala yun'' I said.

''Alam kong merong meaning yun Nadz. Naka move on ka na ba?'' Anong klaseng tanong yan?

''Ano bang pake mo ah? Bat mo ba pinagpipilitan na may something samin ni James? Para ba mag break sila ni Kath ganun? Para ba maging kayo na ni Kath? Tumigil ka na please'' I said.

''No, hindi yun yung ibig kong sabihin'' Hindi ko siya pinansin, tinalikuran ko siya.

''Nadz!'' Hinawakan niya ako ang kamay ko at hinila pabalik sakanya.

Nagulat ako sa nangyari.

He kissed me.


Gosh. I missed this. I missed him.


Nang ma realize namin ang nangyayari. We broke our kiss.

Pag tingin ko sa may gilid namin,nagulat ako sa nakita ko.


''Thun-der''

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon