SOL:28

787 26 1
                                    

Summer's POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung kausapin ako ni Kath. Hindi ganun kadali ang iwasan si James. May class pa kami na magkasama. Pag mag sasama naman ang grupo isa samin ang hindi sasama.

Para ngang nakikisama siya eh. Kasi pati siya umiiwas sakin. Wala naman akong problema dun kasi mas nadadalian ako.

Nakakasawa na rin yung ganito. Iiwas tapos magiging okay ulit. Siguro tama na toh. Para rin toh sa ikakabuti ng sitwasyon namin lalong lalo na saakin.

Uwian na namin and nag aayos na kami ng gamit ni Yassi.

"Uy. Bar daw tayo bukas? Tutal kasi next week na finals natin. Mag chi-chill lang naman daw tayo" Yassi said.

Oo nga pala malapit na finals namin. Malapit na rin ang summer so ibig sabihin malapit na ang ojt namin sa ibang bansa.

"Hindi ako makakasama kayo na lang" Sagot ko sakanya.

"Aysus. Sige na hindi naman daw makakasa sama sila Kath eh" Pati sila Yassi alam na ang sitwasyon namin kaya pati sila nag a-adjust na.

"Hindi sa ganun. Gusto ko rin naman kayo makasama kaso diba Friday bukas duty ko sa coffee shop." Explain ko sakanya. Hanggang gabi din kasi duty ko dun dahil may mga nag ka class ng gabi.

"Ay oo nga pala. Sayang naman" Sabi naman niya.

Pagka ayos namin lumabas na kami ng classroom. Pag labas namin nadatnan namin si DJ.

Simula rin nung nag usap kami ni Kath. Biglang nangulit si DJ. Ang sabi nila Yassi mukang nanliligaw daw si DJ. Pero ang sabi ko sakanila sinugurado sakin ni DJ na magkaibigan lang kami.

"Oh anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Yassi sakanya.

"Medyo. Um ihahatid ko sana ngayon si Nadz" He said.

"Nako hindi na kailangan. Kaya ko naman" Sabi ko sakanya.

"It's okay. I insist" He said. Mukang wala naman akong magagawa.

"Sige. Uy Yassi sabay ka na samin" I said to her.

"I can't. Diba duty ngayon sa coffee shop?" Sagot niya. Oo nga pala nakalimutan ko.

Hinatid muna namin siya ni DJ sa coffee shop. Pagkatapos dumiretso na kami sa parking lot kung saan yung sasakyan niya.

"Gusto mo kumain muna tayo sa labas?" Sabi niya sakin ng makasakay kami sa sasakyan niya.

"Wag na baka nakakaistorbo na ko sayo" Sagot ko sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Baliw ka talaga. Kahit kelan hindi ka nakakaistorbo sakin. Sige na matagal na rin tayo hindi nakakakain sa labas. Libre pa kita" Pangungulit niya sakin.

"Oo na sige na. Pero kkb tayo ah!" Natawa siya ulit sa sinabi ko.

Nag simula na siya mag drive at pumunta kami sa malapit na mall sa university. Titingin din kasi ako ng mga pang bake para sa finals namin.

Sinamahan ako ni DJ mamili ng mga ingredients at ang mga gagamitin ko. Buti na lang andiyan siya para samahan ako at para may katulong ako mag dala ng mga pinamili ko.

Pagkatapos nun pumunta kami sa isang restaurant para kumain. Malapit na rin kasi mag dinner.

Nag kwekwentuhan lang kami ni DJ habang nag hihintay sa order namin.

"So sasama ka bukas? Nag aaya sila Quen ah"Tanong sakin ni DJ.

"Nako baka hindi. Kasi may duty ako bukas"Sabi ko sakanya.

"Sumama ka na please, minsan lang naman" Pag pili niya saakin.

" Hindi talaga pwede. Last day na kasi ng duty bukas. Alam mo naman na pag mag skip kami ng duty dapat may kapalit" Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.

" Eh di hindi na lang ako sasama. Wait kita tas sabay tayo umuwi" Napailing naman ako sa sinabi niya.

" Wag na. Hindi mo naman ako responsibilidad eh. Sumama ka na mag enjoy ka dun" Sabi ko sakanya.

" Hindi rin naman ako mag eenjoy pag wala ka dun"Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

" Huh bakit naman?"Tanong ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

Mag sasalita na sana siya kaso napatingin ako sa dalawang tao na kakapasok lang ng restaurant. Kaya napatingin din si DJ.

It's Kath and James.

Napatingin sakin si James kaso umiwas din agad siya. Mukang hindi naman kami ni napansin ni Kath kasi dire-diretso sila ni James umupo.

Aaminin kong nasasaktan ako sa nakikita ko.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni DJ. Hindi ko alam kung may idea ba siya samin ni James. Pero sure ako na alam niyang pinagsabihan ako ni Kath.

"Ha? Oo naman" Sagot ko tas binitawan ko na ang kamay niya.

Sakto naman dumating na yung food namin kaya kumain na lang kami. Pero di ko maiwasan na mapatingin kala James. At nawawala na ako sa focus.

After namin kumain umalis kaagad kami ni DJ. Sila James hindi pa tapos. Hindi ko na sila tinignan nung lumabas kami ni DJ sa restaurant.

Katulad nga ng sinabi ni DJ hinatid niya ako sa bahay namin.

"Nadz" Tawag niya sakin ng tumigil na kami sa harap ng bahay namin.

"Bakit?" Tanong ko.

"May sasa-" Hindi natuloy ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang phone ako.

"Nako sila Mommy kanina pa ako hinahanap. Bukas na lang ah? Thank you! Ingat ka!" I said then lumabas nako ng sasakyan.

Nang makaalis na si DJ saka ako pumasok ng bahay. Nadatnan ko naman sila Mommy.

Nag sorry naman ako sakanila kasi ginabi ako. Nag explain naman ako na bumili lang ako ng kakailanganin ko sa finals and hinatid naman ako ni DJ.

"Nako baka naman kayo na ulit anak ah" Asar sakin ni Mommy.

"Mommy naman, issue ka. Friends lang po kami." sabi ko sakanya.

After namin mag usap tumaas na ako ng kwarto ko para magpahinga. Pag upo ko sa kama nakita ko kaagad yung kwintas na binigay sakin ni James.

Kinuha ko naman ito at hinaplos haplos.

I miss you Thunder.

Hindi ko alam kung paano ko pakakawalan ang taong kailanman hindi naging akin.

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon