Epilogue

985 34 4
                                    

Summer's POV

Today is Sunday kaya nakahiga lang kami ngayon nila James sa kwarto kasama si Clar. Ito na siguro ang palagi naming routine, minsan lumalabas kami pero mas gusto na namin ngayon ang nasa bahay lang magkakasama.

"Mami kelan labas ni baby?" Tanong sakin ni Clar habang hinihimas himas ang tiyan ko. Si James naman katabi ko lang at naka siksik ang muka sa leeg ko.

"Malapit na baby" Sagot ko sakanya habang naka ngiti.

Pagkatapos namin kinasal ni James agad naman kami naka buo. Aba tuwang tuwa naman ang gago. Kaya ngayon anytime pwede nako manganak.

Hindi nagkulang samin si James. Sobrang inalagaan niya kami ni Clar. Lalo na nung nasa first trimester ako. Sobrang sensitive ko. At buti siya sobrang haba ng patience.

Sobrang saya ng family and friends namin nung nagkabalikan kami. Lalo na nung ikasal kami.

"Diyan din ba galing ang clar clar?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Ngayon lang niya naisipan yan sabihin samin. Napabangon naman bigla si James.

"Um baby hindi. Galing ka sa tummy ng Mama Therese mo." Explain ko sakanya. Hindi siya nag sasalita. Hndi ko alam kung naguguluhan ba siya o ano.

"Pero baby clar, kahit hindi ka galing sa tummy ng mommy mo, galing ka naman sa puso niya" Na touch naman ako sa sinabi ni James.

Hindi naman niya ka ano ano si Clar eh. Pero minahal niya ito ng walang alinlangan at tinurong na tunay na anak.

"Daddy is right. Mahal na mahal ka namin. Always remember that okay?" Sabi ko sakanya. She nodded.

"Love ko rin po kayo!" Masaya niyang sabi at niyakap ako.

"Thank you" Pabulong na sabi ko kay James. He just smiled at me.

Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa tiyan ko.

"Ja-mes" Tawag ko sakanya. Napabitaw naman si Clar sa yakap.

"Why? What's wrong?" Nag aalalang tanong niya sakin.

"Ang sa-kit ng tiyan ko. Manganganak na ata ako" Nagulat naman siya sa sinabi ko. Agad niya akong binuhat at bumaba.

Unting unti ko ng nararamdaman yung kirot at panghihina.

"Ja-mes, ang sakit" Nanghihina kong ssbi ko sakanya. I did my best para kumalma.

"Manang! Tara na po! Paki buhat po si Clar. Manganganak na asawa ko!" Sigaw niya at agad naman lumabas si Manang at kinuha ang inihanda naming gamit.

Asawa ko.

Nako naman Summer manganganak ka na ang dami mo pang time kiligin.

Sinabihan na ni James ang family namin pati na rin ang mga kaibigan namin. Binilisan na niya ang oag da drive habang si Manang at Clar pinapa kalma ako.

"Kiss na lang kita mami para di na masakit" Clar said then she kissed my forhead. Napangiti naman ako.

Pag dating ko sa hospital agad akong inasikaso at ini handa.

"Sweet" Tawag ko sakanya habang nasa delivery room na kami.

"Hey. You can do it okay? I know you can" He said then he kissed my hands. I just nodded. Umiiyak nako. Ayoko naman sumigaw. Lalo lang ako manghihina.

"I'm just here okay? Hindi kita iiwan" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Narinig ko kasi kanina na hindi siya pwede sa loob. Pwede niya lang ako ihatid dito.

"Pa-no?"

"I have my ways sweet" He said. Nabawasan naman ang kaba ko, knowing na andito lang siya.

"I love you" Sabi niya sakin.

"I love you too"

"Okay, Mrs. Reid when i say push, push okay?" Sabi ng doctora. I just nodded.

"Push"

"Aaaahhh!!" Sigaw ko habang nag pupush. Hawak hawak ko lang ang kamay ni James. And also i can hear some encouraging words from him.

Maya maya nakarinig nako ng isang iyak ng baby.

"Congratulations Mr and Mrs Reid it's a healthy baby boy!" Masayang sabi ng doctor. Agad naman siya sakin nilapit.

"Hi baby boy" bulong ko sakanya. Kinuha muna siya at inayusan saka binigay kay James.

"Storm Jace" Sabi ni James habang masayang nakatingin sa anak namin.

My heart is so happy.

I thank God for giving me James, Clar and our new baby boy, Storm.

Alam kong nag sisimula palang kami ni James sa aming journey pero handa akong harapan ito na kasama siya at ang mga anak namin.

Dumaan man ang maraming bagyo sa aming pag iibigan alam kong maayos at makakaahon kami basta't kapiling namin ang bawat isa.

"3 more to go" Bulonh sakin ni James habang hawak niya si baby Storm.

"Tse tigilan mo ko ikaw kaya manganak!" Sabi ko sakanya at tinawanan lang ako.

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.- 1 Corinthians 13:4–8a

The End.




Author's Note:

Finally!! After 2 years natapos na rin ang kwento ni Summer and Thunder. I know sobra akong natagalan sa pagtapos nito. May mga times na ang tagal ko mag update. And i want to say sorry for that. May mga personal problems lang talaga na hindi natin maiiwasan. Pero kahit ang tagal nito, naging worth it naman para sakin and sana sainyo rin.

Gusto ko lang sabihin na kayo ang inspiration ko para matapos to. Kayo ang lodi ko. Na kahit ang bagal mag update eh nababasa niyo parin.

And titignan ko kung magkaka series ito or special chapter na lang. Update ko na lang kayo.

I love you mga bebe ko!

Thank you for the love.

-naddiexjaye

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon