SOL: 30

734 30 2
                                    

Summer's POV

Mabilis lumipas ang panahon. Natapos na ang requirements namin, finals at ang clearance namin.

Kaya ngayon papunta na kami sa airport kasi ngayon na kami aalis nila Yassi papuntang Japan. Ihahatid ako nila Mommy sa airport ngayon.

Medyo kabado ako ngayon. Hindi ko kasi alam ang mangyayari samin sa Japan. Alam ko kahit anong iwas ko mauungkat ang nangyari samin sa Japan.

"Anak mag iingat ka dun ah. Lagi mo ko i update ng daddy mo" Mom said habang hinahawakan ang kamay ko.

"Mom don't worry diba nga nakapunta na ko dun eh mag isa pa nga ako nun eh"I told mom.

"Kahit na. Just promise us na i-update mo kami okay?" Dad said na nasa passenger seat.

"I promise" Sagot ko sakanila.

"Oo nga pala susunduin daw kayo ng Kuya mo sa Japan papunta san francisco" Sabi naman sakin ni Mom.

Oo nga pala after ng vacation namin diretso na kami ni Yassi sa sanfo para sa OJT namin.

"Pupunta pa siyang Japan? Hindi ba mapapagod nun si Kuya?" I said.

"Hayaan mo na naprapraning kasi yun na mag byahe kayo ni Yassi ng malayo" Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.

Kahit hindi ko palaging nakakasama si Kuya hindi talaga sakanya mawawala ang pagka protective sakin.

Maya maya nakarating na rin kami sa airport. Andun na rin sila Yassi. Pero hindi pa dumadating si James at si Kath.

Nag paalam na rin samin sila Mommy kasi hahabulin pa nila yung meeting nila. Pumasok na kami ng airport pero hindi pa dumadating yunh dalawa.

"Nadz nag online check-in ka?" Nagulat ako sa sinabi ni Yassi.

"Hala nakalimutan ko!!" Sabi ko sakanya. Sabi na nga ba eh may nakalimutan ako.

"Okay lang yan. Pipila rin naman kami eh" Yassi said.

Bago kami mag check-in sakto dumating si James and Kath. Kasunod naman nila si DJ.

"Oh nakapag check-in ba kayo online?" Tanong ni Quen sakanila.

"Ako oo" Sagot naman ni DJ.

"Nope hindi kami nakapag online check-in ni Kath" James said.

"Si Nadz din eh hindi nakapag online check-in sabay sabay na lang kayo pumila" Quen said. Tinignan naman ako nila Yassi at ni DJ.

"Tara na!" Yaya ko kala James sumunod naman sila sakin.

Tahimik lanh kaming tatlo habang nakapila. Nasa likod ko lang silang dalawa. Ugh sana matapos na tong check in na toh.

Wala pa nga kami sa Japan ang awkward na. Simula nung may nangyari sa bar lalo kong na feel na may nag bago. Ayaw naman nilang ikwento sakin ang mga nangyari. Mas nakakabuti daw na wala akong alam.

After namin mag check-in nakuha na namin yung boarding pass namin at pumasok na kami sa loob. Sa waiting area muna kami kasi hindi pa naman boarding.

"Are you excited?" Biglang tanong sakin ni Liza. Yung mga lalaki kasama si Kath tumingin lang sa duty free.

"Oo kasi makakasama ko kayo Pero medyo kinakabahan" Pag amin ko sakanila.

"Hayaan mo na. Andito kami nila Liza. Tatalunin namin yung adventures niyo ni James" Natawa na lang ako sa sinabi ni Yassi.

Maya maya dumating na sila Quen sakto naman boarding na rin.

"Nadz! Ano pala seat number mo?? Tabi tayo!!" Yassi said.

"J 26 ako" Sabi ko sakanya. Nalungkot naman si Yassi sa sinabi ko.

"Hala! K 19 ako!!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala hindi ko siya kasabay mag check in.

"Ano?! Sino naman makakatabi ko?!" Nag papanick kong sabi. Shet naman oh yun pa naman ang pinaka kinakatakutan ko.

"Sila James J 27 and 28 sila" Feeling ko tumigil yung  mundo ko nung narinig ko yun.

"Gusto mo palit tayo?" Yassi said. Nahiya naman ako sakanya alam ko naman na hindi niya talaga trip si Kath.

Pag si DJ naman stranger yung katabi niya. Nahiwalay din kasi siya. Atsaka pag siya pa yunh pina tabi ko mas awkward.

"Si-ge okay lang. Mas okay toh kesa naman hindi ko kilala katabi ko" Sabi ko sakanila at nag start na akong maglakad.

"Are you sure okay ka lang?" Nag aalalang tanong sakin ni DJ.

"Oo naman!" Sagot ko habang nakangiti at naglakad na ako.

Nauna ako kala James maglakad kanina pa ako nag iisp kung anong gagawin ko buong flight. Buti na lang mabilis lang kami.

Itaas ko na sana yung bag ko ng biglang may humawak nito at tinaas. Pag tingin ko si James.

"Thank you. Uy sa bintana na ako ah" Sabi ko sakanya. Hindi ko na hinintay na mag salita siya. Umupo na agad ako.

Sumunod naman si Kath. Siya ang nasa gitna namin ni James. Hindi ako mapakali habang naka tingin sa bintana.

"Babe i'm so excited na" Narinig kong sabi ni Kath pero hindi ko narinig yung sagot ni James.

Maya maya nag take off na yung eroplano. Nag earphones na lang ako. Pagtingin ko sa katabi ko nakasandal si Kath kay James.

Nagkasalubong ko naman ng tingin si James pero agad akong umiwas.

Hindi pa ako ready na makausap siya. Lalo na't nasa gitna namin si Kath. Maya maya nakatulog na rin ako.




Nagising naman ako ng may nararamdaman na may nakatingin sakin. Pag mulat ko nakita ko si James na naka tingin sakin kaya agad konh inayos ang aking sarili. Wala si Kath sa tabi ko.

"She went to the restroom" Sabi naman sakin ni James. I just nodded.

"Excited?" James suddenly asked. Bat ba ako tinatanong neto?

"Oo naman. Nakaka miss din yung Japan" Sagot ko sakanya.

"Yeah. I miss Japan too. Especially nu-" Hindi na natuloy yung sasabihin ni James kasi biglang dumating si Kath.

Nginitian ko na lang siya at inayos ang upo ko. Sa pag dating ni Kath may bigla akong naisip.

Kaya siguro kami babalik sa lugar kung saan nag umpisa ang storya namin, upang tapusin na ito.


Author's Note:

Paulit ulit nako nag sosorry. Pero sorry ulit talaga kasi sobrang natagalan UD ko. Naging busy lang talaga sa acads tas may training pa ako. Wala na kong time huhu. Pero promise pag nagka time ako mag uupdate ako :)

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon