SOL: 22

810 39 4
                                    

Summer's POV

Hindi ko inaakala na makakasurvive ako sa hell week. Kahapon yung last day ng exams namin sa midterms. Kaya wala na ako masyadong iniisip.

At ngayon na yung competition namin para sa cheerdance. Andito kami ngayon sa isa sa mga classroom ng school namin. Dito kami nag aayos.

Ako naman yung nag aayos sa sarili ko ngayon. Tas naka braid na rin ako. Red, black and white yung color ng costume namin. Ito kasi yung color ng org namin.

Kabadong kabado ako ngayon. It is my first time na mag perform para sa cheerdance competition. Syempre nung highschool nagawa ko na pero iba toh ngayon.

Mataas ang expectation nila sakin. Syempre kumalat yung rumors dati nung 1st year ako na ang laki ko raw kawalan. Natatakot ako na ma disappoint ko sila or matalo kami. Nakikita ko si Kath mag perform and magaling talaga siya walang halong insecurities .

After kong ayusan ang sarili namin nirelax ko na lang ang sarili ko. Bawal kasi kami lumabas dapat surprise ang costume namin ngayon. Maya maya dumating yung coach ko na may dalang rose.

"Nadz para sayo toh" Sabi ng coach ko.

"Para sakin po? Kanino po galing?" Tanong ko then kinuha ko.

"Kay DJ" Pag kasabi ni coach nag tilian yung mga kasama ko. Hindi ko na lang pinansin yung mga asaran nila. Umalis na rin si coach kasi may aasikasuhin siya.

"Nako Nadz sure ka bang hindi kayo nag kabalikan ni DJ?" Tanong ni Vera.

"Oo sure ako noh. Wala na talaga" Sagot ko.

"Wala na ba talaga Nadz?" May pang hihinayang sa boses ni Selena.

"Wala na talaga eh. Nilinaw ko na sakanya" Sabi ko. Nanghihinayang naman sila sa sinabi ko.

Wala eh wala na talaga.

Bigla naman ako nakatanggap ng text. Pag tingin ko galing kay James.

Fr:James

Go outside.

To :James

Why? Bawal ako lumabas.

Fr: James.

Please? Labas ka na. Mabilis lang promise.

Wala naman akong magawa, kaya palihim akong lumabas ng classroom. Pag labas ko nakita ko si James andun sa sulok ng labas ng classroom kung saan di siya nakikita. Lumapit naman ako saknaya.

"Ano bang meron?" Tanong ko sakanya.

"I just want to give you this" He said then sabay abot ng isang bottled water then isang anklet na rose gold na may maliit na pendant ng sun.

Hindi ko maiwasan mapangiti. Bat ganun mas na appreciate ko pa toh kesa dun sa rose.

"Nako nag abala ka pa. Thank you ha!" Sabi ko sakanya habang nakangiti.

Kinuha niya naman yung anklet sa kamay ko then sinuot niya sa right ankle ko.

"I know It's your very first competition and I want that to be your lucky charm. Kaya dapat suot mo yan para pag scorpion mo makikita ko siya"He said.  I can't help but to smile. 

Nang malagay na niya tumayo na siya at hinarap ulit ako. 

"You don't have to do that" Sabi ko sakanya. Hindi mawala yung ngiti ko nakakainis. 

"It's okay. I don't mind." He said. We're just staring at each others eyes. 

Natutunaw ako. Natutunaw ko sa mga mata niya. 

"Si-ge na balik nako sa loob baka hinahanap nako. Ikaw din may class pa kayo diba?" Sabi ko sakanya. 

"Okay see you later" He said. I just nodded. Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinila ang kamay ko at niyakap ako.

Dug.Dug.Dug. 

"Good luck. I know you can do it" Halos mabaliw na ako sa ginawa ni James. Nang matauhan ako kumalas ako sa yakap.

"Tha-nk you" I said then bumalik na ako sa classroom. 

Hanggang ngayon ramdam ko parin ang kabog ng dibdib ko. Nako naman James bat ka ganyan. Hay Nadz friends lang kayo wag kang assumera diyan. 


Habang palapit na palapit yung competition lalo akong kinkabahan. Nag text naman sakin sila Yassi at nag goodluck. Pati na rin yung parents ko and si Kuya Winter. Tuwang tuwa nga ako na makakapunta sila except kay Kuya na nasa ibang bansa. 

Maya maya tinawag na kami ni coach kasi oras na daw para lumabas. Nag pray muna kami then lumabas na kami. 





Thunder's POV

We're at the gym while waiting for the competition to start. I'm with Yassi, Liza and Quen. Inagahan talaga namin para maganda yung pwesto namin. 

"Excited nako makita si Nadz! I'm sure super ganda ng bestfriend ko!" Yassi said. Well you're right. 

"Nako sana talaga kayo na ang manalo ngayon kahit wag na kami!" Siniko ni Quen si Liza dahil sa sinabi niya. They all looked at me. 

"It's okay" I said. 

"Ikaw James, nakita mo na si Kath?" Quen asked me. No but I saw Nadz. 

"No. I wasn't able to.Bawal sila makita eh" I said. 

"Ay oo nga pala. First time mo rin siyang makitang mag perform ng live diba?" Sabi ni Quen. I just nodded. 

Pag competition kasi nila hindi ako nakakapunta because I always have exams. 

Ugh. What am I doing? Kath is my girlfriend but mas nag effort pa ako kay Summer. I can't help it I want to make her happy just like what I did in Japan. 

I love Kath, but I don't know. Maybe I just see her as a special friend. 

After ilang minutes nag start na ang competition dumating na rin si DJ. Nag iba yung mood. I don't know why. Sa barkada siya lang ang hindi ko ganun kinakausap. 

Una sila Kath nag perform. Well she is really good. They really deserved to be champions. But I'm also excited to see Nadine perform. 

After ng tourism sumunod na ang ibang courses, well they are good too. Last sila Nadine mag peperform. Nung tinawag na sila nag start na mag sigawan yung mga tao pati sila Yassi. 

"GO NADZ!! GANDA GANDA MO PROUD OF YOU BFF!!" 

"GALINGAN MO NADZ!!" 

"KAIBIGAN NAMIN YAN!!" 

Well I just stared at her at the whole time while smiling.  Nang mag start na yung music nag start na rin yung routine nila.

 Wow she is really really good. Kaya talaga gustong gusto ng mga ka block niya na isali siya. All of the attention is on her. 

Nung ginawa na niya yung scorpion nakita ko yung anklet. I can't help but to smile. Ang ganda talaga tignan sakanya. 

"Huy ganda ng anklet ni Nadz ah" Liza said. Syempre. 

"Why are you smiling?" Tanong sakin ni Yassi. Lahat naman sila napatingin sakin. 

"Nothing" I said then pinanood na namin ulit si Nadz.

Oo nga naman Thunder. 

Why are you smiling? 



[Author's Note: So I decided po na gumawa ng schedule sa pag update para po ma motivate ako. So every Tuesday po ang update sa Seasons of Love. Yun lang po. Thank you po!]





Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon