SOL: 31

714 35 3
                                    

Summer's POV

After ng napaka awkward na flight namin finally andito na rin kami sa Japan. Na miss ko rin yunh weather dito. Hindi nga lang ganun ka lamig kasi summer na. 

Nasa arrivals lang kami hinihintay namin yung sundo namin. Yun yung mga friends ni James and Quen na pumunta rin ng Japan nunh new year.

"James! Quen!" Napalingon naman kami sa tumawag. Agad naman lumapit sila James dun sa dalawang dumating.

Si Alexander pati si Bret andito na. Sa picture ko pa lang sila nakikita. Nung nasa manila kasi kami wala kaming time makipag kita sakanila.

"Siya nga pala ito si Nadz, Yassi tas syempre ang girlfriend ko na napakaganda" Pakilala samin ni Quen.

"Hello!" Masayang bati nila samin.

"Nice to meet you" Sabi ko sakanila habang nakangiti. Yung Bret naman iba siya makatingin. Anong problema nito. Kaya umiiwas na lang ako.

Sumakay na kami sa van na dala nila Bret. Tahimik lang ako habanh nasa byahe. Si Yassi naman picture ng picture.

"Oo nga pala san yung hotel natin?" Tanong ni Quen sakanila.

"Malapit siya sa tokyo midtown" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Alexander.

Tokyo Midtown.

Dun kami unang nagkakilala ni James. Sila Yassi napatingin naman sakin na parang nang aasar alam kasi nila.

Pag dating namin sa hotel agad kaming nag check-in. Magkakasama kaming girls sa isang room. At ang boys naman ang magkakasama sa kwarto nila.

"Nadz! Dala mo yung go pro mo??" Tanong sakin ni Liza habang nag aayos kami ng gamit namin sa hotel room.

"Yup!!" Sagot ko sakanya.

Maya maya naman may kumatok na room namin. Pag tingin namin si DJ.

"Hey. Kung gusto niyo raw kumain muna?" He asked.

"Sige sige. Tapusin lang namin toh" Yassi said. DJ just nodded. Nginitian niya muna ako bago siya umalis.

After namin mag ayos umalis na kami ng hotel para makakain na. Habang naglalakad nararamdaman ko kung saan kami pupunta.

Masayang naglalakad kami nila Yassi. Buti na lang andito sila. Bago kami makarating sa paroroonan picture muna ng picture sila Yassi.

Naalala ko nun pumunta ako dito para makalimutan si DJ. Ngayon bumalik ako para kalimutan ang dahilan kung bat ko nakalimutan si DJ.

Ano daw?

Iba nga lang ngayon. Spring weather ang Japan. Sobrang ganda ng mga cherry blossoms.

"You okay?" Natauhan ako ng bigla akong kinausap ni DJ.

"Yup." Sagot ko sakanya.

"It's your second time here right?" He asked me. Hinihintay lang namin sila Yassi na matapos mag photoshoot.

"Yes. Sobrang saya lang na nakabalik ako."

Seasons Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon